Christopher Roxas admits wife Gladys Reyes keeps their relationship strong

IMAGE 0


"Siguro kung sa iba tatanungin ‘yan, mai-insecure kaagad. Sa akin, hindi. Ako, I make my money in a different way. Kaya sabi ko, hangga't kumakain ang pamilya ko sa palad ko, ako pa rin ang ama sa sambahayan. Kung ako na ang kumakain sa palad niya [Gladys], ‘yan, puwede ko nang tanggapin ‘yan. Wala na akong choice, e," replies Christopher Roxas when asked if it's true that wife Gladys Reyes is the family breadwinner .


Isa sa maituturing na artista na hindi masyadong showbiz ay si Christopher Roxas. More often than not, he really speaks his mind kahit noong teenagers pa sila ng asawang si Gladys Reyes.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Christopher sa birthday party ng kanilang panganay na anak na si Christophe last Sunday, January 25, sa Fun Ranch, Alabang. Aniya, kung siya lang daw, mas gusto raw sana niyang simpleng party lang talaga.

"Actually, kung sa akin lang, ayoko naman talaga na mag-party siya [Christophe] every year. Baka isipin niya, mayaman kami. Ngayon lang, naisip lang namin na mas maa-appreciate na niya yung birthday niya, unlike the past two years na, siyempre, hindi pa niya nae-enjoy. Ngayon, alam na niya. So, next year, wala na muna siyang party, sa 7th birthday na ulit!" natatawang sabi ng aktor.

Bilang daddy, anong mga pagbabago ngayong dalawa na ang baby nila ni Gladys—sina Christophe at Aquisha?

"Hindi kasi ako hands-on sa mga bata," pag-amin ni Christopher. "Ibig kong sabihin, hindi lang ako yung ganoong klaseng dad na wonder dad, yung tipong binabasahan ng libro. Hindi ako ganoong klase sa mga anak ko.

"Pero mas natuto ako ngayon kay Aquisha. Kasi kay Christophe, na-miss ko yung mga months niya na dapat na-cherish ko na. Kasi noong time na‘yun, hindi ko alam, relax lang ako na nandiyan lang siya, natutulog katabi ko. Biglang ang bilis ng panahon, ‘ayan, three years old na. Yayakapin ka na lang kapag may papabili. Nakakatampo na rin paminsan-minsan. Kaya ngayon kay Aquisha, tsine-cherish ko na siya," lahad ng dating child actor.

Ano ang wish niya para sa kanyang dalawang anak?

"Good health," sagot niya. "Mababait naman ang mga anak ko, so more on good health lang talaga. Marami rin ang nagtatanong kung pag-aartistahin; ako, pag-aaral muna. Sa totoo lang, nakakasira talaga ng pag-aaral. Ako noon, nagsimula ako commercial, kumikita ka na ng pera, tamarin ka nang mag-aral. So, siguro ako, pangarap ko talaga na makatapos lang sila ng pag-aaral."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

12 YEARS AND COUNTING. Five years na silang kasal ni Gladys. Kumusta naman ang pagsasama nila?

"May mga pagtatalo rin naman kami. Hindi naman mawawala yun. Dumaan talaga sa ganoon. Medyo nagkakatampuhan nang madalas. Pero yung pagmamahal, hindi naman nawawala, same pa rin."

Bagamat five years pa lang silang kasal ni Gladys, 17 years na actually silang may relasyon. Twelve years silang magkasintahan at five years naman na silang kasal. Kung tutuusin, puwede na silang maging role model ng kahit mga mas matagal pa sa kanilang mag-asawa dahil sa pagiging solid pa rin nila hanggang ngayon.

Ano nga ba ang sikreto nila at maibibigay na advice, especially sa mga katulad nilang showbiz couple?

"Siguro ano, e, ako naniniwala ako na 80 percent ng relasyon namin, yung babae talaga...si Gladys talaga ang naghawak ng maganda. Kasi kung ako lang, baka... Well, what I'm saying is, mas malaki ang participation niya kung bakit kami tumagal ng ganito. Patience and all... Siguro isa rin yung pagiging hindi ko masyadong ano sa showbiz.

"Si Gladys kasi, ma-PR ‘yan. Showbiz ‘yan. E, ako, hindi naman ako... So, siguro isa rin yun. Kasi sa lahat ng mga kaibigan ko sa showbiz, puro hiwalay. Maybe because parehong career, di ba? Kumbaga sa akin, hindi ko masyadong kinakarir [ang showbiz]," saad ni Christopher.

Diretso naming sinabi kay Christopher na ang impression sa kanya ng mga tao—especially sa mga hindi nakakakilala sa kanila—si Gladys ang mas breadwinner sa kanila dahil mas visible ito kumpara sa kanya. Ano ang masasabi niya rito?

"Sa akin, ano yun, e, napakaimposible niyan," sabi ni Christopher. "Siguro kung sa iba tatanungin ‘yan, mai-insecure kaagad. Sa akin, hindi. Ako, I make my money in a different way. Kaya sabi ko, hangga't kumakain ang pamilya ko sa palad ko, ako pa rin ang ama sa sambahayan. Kung ako na ang kumakain sa palad niya [Gladys], ‘yan, puwede ko nang tanggapin ‘yan. Wala na akong choice, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUSINESSMAN. Lingid sa kaalaman ng marami, bukod sa pag-aartista ay busy rin si Christopher sa negosyo. Tulad ni Gladys, naka-concentrate daw talaga siya sa iba't ibang negosyo. Sa katunayan, last November, kasama ang ilang partners niya ay nag-open sila ng restaurant sa San Pedro, Laguna.

"Culas ang pangalan. Para siyang bistro and grill. May fusion ng Chinese, pero napakasimple lang. Actually, yun talaga ang gusto kong gawin at, awa ng Diyos, naibigay naman at maganda naman ang takbo. Actually, soft launch pa lang yun at hindi pa talaga kami nagkakaroon ng grand opening."

Patuloy pa rin naman daw ang acting career niya. Pero ang huli niyang project ay ang Kung Fu Kids sa ABS-CBN last year pa.

"Sabi ni Tita A [Cornelia "Angge" Lim, his manager], meron daw...meron naman daw. Maghintay lang. Although, eight months na rin. Ako kasi, hindi naman ako magpapakaipokrito, ito pa rin naman ang pinakamadali if you want to earn money. At the same time, gusto ko rin naman ang ginagawa ko, umaarte. Kumbaga, masarap umarte. Ang ayoko lang naman yung sistema," prangkang sabi ni Christopher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN