Gladys Reyes wishes for another project with Judy Ann Santos

IMAGE 0


"Gusto kong ipaunawa sa kanila kung gaano sila ka-blessed. Na despite all their blessings, dapat hindi rin lumaki ang ulo nila. Dapat ay lumaki silang mabubuting bata," says Gladys Reyes about her children Christophe and Aquisha.


Pakiramdam ni Gladys Reyes at ng kanyang mister na si Christopher Roxas, ngayong three years old na ang panganay na anak nilang si Christophe ay mae-enjoy na nito ang birthday party. Kaya sila nag-decide na bigyan ng birthday party ang anak sa Fun Ranch, Alabang last Sunday, January 25. At the same time, pagkakataon na rin daw nila ito para imbitahin ang mga bagong kaibigan nila.

Bukod kina Troy Montero and Aubrey Miles with their son Hunter Cody Miller, dumating din sina Jodi Sta Maria and her baby, Thirdy; Dino Guevarra with his wife and son Joaquin; ang best friend ni Gladys na si Carmi Martin; at ang mag-asawang Ronnie Ricketts at Mariz na idol daw nina Gladys at Christopher.

"Naging close kami nang nag-guest siya [Mariz] sa Moments," banggit ni Gladys. "Tapos since then, nagkaroon na rin kami ng contact. Palagi na kaming nagte-textan at palagi kaming in touch. I keep on telling them na sila yung parang role model sa amin.

"Like si Kuya Ron, di ba, alam naman nating hindi siya naninigarilyo? Tapos yung family nila, siguro may mga pinagdaanan na ring pagsubok, pero intact pa rin. Yung mga anak nila, nakita ko na napalaki nilang mga smart. Kaya para sa akin, ideal sila at palagi ko silang tine-text na nakaka-inspire sila bilang pamilya."

TEACHER CHIC-CHIC. Three years old na si Christophe at ang second child naman nila na si Aquisha ay six months na. Ayon kay Gladys, enjoy raw pala ang may baby girl.

"Ngayon ko nga lang naa-appreciate kapag may anak kang babae. Nabibihisan mo. Nalalandi mo. Bigyan mo ng bracelet, bandana. E, sa lalaki kasi, bihisan mo ng polo, yun lang. Pero nakakatuwa na nadi-differentiate mo ang mag-alaga ng babae at lalaki.

"Si Aquisha, napaka-behave, napakabait na bata. Hindi iyakin. Si Cristophe naman, napaka-active na bata, napaka-smart. Alam na niyang magbasa. Alam na rin niyang kantahin ang ‘Lupang Hinirang,' tinuturuan kasi ng nanay!" natatawang sabi ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron kasi kaming play na parang school. Imbes na ginagawa yun at ine-enroll pa ang mga bata, ang mamahal pa, so, ako na lang! Kumbaga, titser-titseran ang dating. Ako ang teacher. At ang tawag niya sa akin, ‘Teacher Chic-Chic!' Para talaga kaming nasa school. Nagkakantahan din. Yung mga Barney songs, gustong-gusto pa rin niya at tinuturuan ko rin siyang kumanta ng mga Tagalog songs like ‘Ako Ay May Lobo,' ‘Bahay Kubo.' Naku, e, kapanahunan ko ‘yun, ‘no!" natatawang kuwento ni Gladys.

Dagdag niya, "So, gusto ko, kung marunong siyang mag-English, marunong din siyang mag-Tagalog. Yung mother-in-law ko naman, naturuan naman siya ng konting French. Nakakatuwa lang na nakakaintindi siya ng iba't ibang lengguwahe, di ba?"

Masaya ring ibinalita ni Gladys na sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang showbiz career, patuloy pa rin daw silang nagbe-venture ni Christopher sa kani-kanilang business.

"Siguro yung nagtulak talaga sa amin ay ang pagiging magulang namin. Dahil ito nga ang pagkakataon na hindi lang sarili mo ang iniisip mo. Para, at least, magkaroon din ng magandang kinabukasan ang aming mga anak. Para kung anumang hirap ang pinagdaanan namin noon... Actually ako, hindi naman well-off ang family namin, so parang ayoko naman na dumaan din sila doon.

"Ano ba, parang ang laruan ko noon ay gumamelang dinikdik! Pero ngayon, napaka-high-tech na ng mga laruan. May mga party ng ganito. So, gusto kong ipaunawa sa kanila kung gaano sila ka-blessed. Na despite all their blessings, dapat hindi rin lumaki ang ulo nila. Dapat ay lumaki silang mabubuting bata."

WHAT'S NEXT AFTER LALOLA? Malapit nang magwakas ang kinabibilangang primetime series ni Gladys sa GMA-7, Lalola. May kasunod na ba siyang project?

"Well, marami nga ang nagtatanong sa akin, 'What's next after Lalola?'" sabi ni Gladys. "Well, abangan na lang kasi bukod-tanging si Lord ang nakakaalam n'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alaman ng PEP na kasama si Gladys sa cast ng upcoming GMA-7 primetime series na Totoy Bato, na pagbibidahan nina Robin Padilla, Regine Velasquez, at Manny Pacquiao.

Pero kung may isa man daw nami-miss si Gladys na katrabaho, ito ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Judy Ann Santos.

"It's been a long, long time na hindi kami nagkakatrabaho. So, given the chance, either movie man ‘yan, sana magkasama kami ulit dahil nami-miss ko na rin yung matagal naming kuwentuhan. At saka parang nami-miss ko rin siyang apihin!" natatawa niyang sabi.

Ilang beses na ring nasabi ni Gladys na ang gusto naman niyang gawing muli ay yung mga seryosong kontrabida role ulit. Sa Lalola kasi ay bait-baitan ang role niya bilang tiyahin ni JC de Vera.

"Yung iba kasi, parang nagugulat. Tinatanong nila, gusto mo pa ba ng grabeng kontrabida role? Kasi akala nila dahil nanay na ako, gusto kong mag-tame. Pero ang sa akin, kung nakikinig sila or nagbabasa sila, gusto ko pa rin. Kasi craft ko naman ‘to, hindi lang bread and butter ko. Siyempre, gusto ko pa rin namang magamit ang talent ko kahit papaano," sabi ni Gladys bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN