Charice Pempengco defends her mom against false accusations

IMAGE 0


"Yun lang talaga ang gusto ko, yung sumikat talaga. Pero ginagawa ko ang lahat para mapansin ako, pero hindi ako napapansin. So, siguro sa lahat ng paghihirap ko noon, sinuklian ako ni God ng ganito kalaking blessing," says Charice Pempengco.


Hindi napigilang mapaiyak ng international singing sensation na si Charice Pempengco sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, January 25, habang ini-interview ng host na si Boy Abunda.

Naging emotional si Charice sa isang bahagi ng interview nang matanong ni Boy ang tungkol sa mga pinagdaanan ni Charice para marating ang tagumpay niya ngayon.

Kung tutuusin, masayang nagsimula ang interview nang sabihin ni Boy na, "Ang tagal na nating nag-uusap sa ilang okasyon. Sikat na sikat ka na ngayon. Tanong, gustong malaman ng bayan, paano ka nababago ng kasikatan?"

"Hindi ko po ma-explain kung ano po ba yung nababago," nakangiti pang sagot ni Charice. "Siguro ang masasabi ko lang pong nabago talaga, yung career ko. Siyempre sa tulong din po ng mga taong nasa likod ko. Siyempre, si David Foster as my mentor. Tinuturuan niya ako sa mga songs ko, sa mga English ko. Siyempre, yung mommy ko laging nandiyan. Siguro yung mga tao po talaga."

Pero hindi pa rin ba nababago, halimbawa ang pagkaing kinakain mo, ang tubig na iniinom mo?

"Actually, kasi po sinasabi nila sa akin tuturuan daw nila akong kumain ng mga American food. Baligtad po, ako po yung nagturo sa kanila. Yung sardinas po, nilalagyan ng suka't toyo!" natatawang kuwento pa ni Charice.

A, ikaw ang nagtuturo sa kanila?

"Opo."

Pero yung tubig, ganun pa rin? I mean, because you're a big star now, wala ka bang requirements kapag halimbawa nagpe-perform ka?

"Yung sa rider ko po sa States, bale ang nire-request ko lang po talaga, Internet at saka po fruits at saka water po. Yun lang po."

Doon sa mga pre-inaugural parties para kay President Barack Obama, kumusta, how was it?

"Actually, kinabahan po talaga ako kasi first time ko pong kinanta yung ‘God Bless America.' Siguro po mga 12 midnight na ako nakatulog sa kakapakinig po dun sa kanta, e. Kasi talagang gusto ko po na parang masabi nila na kahit na Pinay ako, kaya kong kantahin yung second national anthem nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At one point, si Celine Dion also sang that song. And Canadian si Celine, di ba?

"Opo. Yung version po niya ang kinanta ko, e," masaya pa ring pahayag ni Charice.

TURNING POINT. Nagsimulang mabago ang maaliwalas na mukha ni Charice nang tanungin ni Boy, bakit ang lahat ng ito ay nangyayari sa buhay mo?

"Siguro po kasi sa mga ano po... Binibigyan po talaga ako ng mga blessings ngayon. Siguro dahil sa mga pinagdaanan ko rin po noon. Kasi naaalala ko pa po, hindi ako pinapansin ng mga tao," nanginginig ang boses at unti-unti nang nagsimulang lumuha ni Charice.

"Yun lang talaga ang gusto ko, yung sumikat talaga. Pero ginagawa ko ang lahat para mapansin ako, pero hindi ako napapansin. So, siguro sa lahat ng paghihirap ko noon, sinuklian ako ni God ng ganito kalaking blessing."

At nagtuluy-tuloy na nga ang pag-iyak ni Charice.

May mga tao na naniniwala sa iyo. But there were people who don't believe in your talent. Ngayong nariyan ka na sa kinaroroonan mo, ano ang nais mong sabihin sa kanila?

"Gusto ko pong sabihin sa mga naninira po sa akin, hello po. Actually, maraming-maraming salamat po sa kanila. Kasi sa lahat po ng mga sinasabi nila against sa akin, lalo po akong nagkakaroon ng lakas ng loob na ipakita sa kanila na kaya ko."

MOMMY DEAREST. Ito na lang Charice, dahil ayokong umiyak ka. This is the first time you cry in front of me. Naiiyak na rin ako. Pero may mga nagsasabing mahirap daw kausap ang mommy mo?

"Yun nga po, e, kasi lagi na lang may nagte-text sa amin na ano daw po, na mahirap daw pong kausap mommy ko, lalung-lalo na kapag may nag-i-invite sa akin," lumuluha pa ring sabi ni Charice.

"Kasi hindi po makapagdesisyon talaga yung mommy ko, kasi po may manager po ako dito at saka sa States. Kaya po sa lahat po ng gustong mag-invite sa akin, sumasama po yung loob nila sa mommy ko. Kasi akala po nila ang humihindi po talaga yung mommy ko. Kasi ang talaga pong dahilan diyan, kasi marami din po akong schedule sa States. Siyempre hindi naman po natin puwedeng kanselin. Siyempre, priority po natin ang States," paliwanag ni Charice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naalala pa ni Boy, na isa sa mga interview niya kay Charice ay sinabi ng singer na binago niya ang isang linya sa kantang "And I Am Telling You," para i-dedicate sa kanyang mahal na ina. Kaya hiniling ni Boy na kantahin ito muli ni Charice.

At ang kanta ay may lyrics na, "And I am telling you / I'm not going / You're the best mom I ever known / There's no way I can ever go..."

At pinalakpakan ng mga tao sa studio si Charice after ng kanyang kanta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN