Jomari Yllana on Martin-Pops 'crying scene': "I know where I stand."

IMAGE 0


"I am the boyfriend of our Concert Queen. I know where I stand. Kung meron silang pinagdadaanan or kung meron emotion na nag-mature or lumabas because of that, ako, alam ko rin kung nasaan ako," declares Jomari Yllana about the recent interview of girlfriend Pops Fernandez and her ex-husband Martin Nievera.


Last Sunday, January 25, si Jomari Yllana ang sumalang sa "Intriga Crossfire" segment ng Showbiz Central. Naging mas interesting ang pagsalang nn aktor sa naturang segment dahil sa hindi napigilang pag-iyak ni Martin Nievera nang sabihin niya how proud of he is for ex-wife Pops Fernandez, na girlfriend naman ngayon ni Jomari, sa presson ng kanilang concert. (Click here to read related story.)

Si Jomari ang producer ng reunion concert nina Martin at Pops na Missing You, na gaganapin sa February 6 sa Araneta Coliseum.

Si Pia Guanio ang unang nagbato ng tanong kay Jomari. Ano ang naging reaction niya nang malamang umiyak si Martin sa press conference nila ni Pops?

"Parang ano ‘yan, e, siyempre, looking back, meron silang past. Merong pinagdaanan. At kung medyo naging emosyunal sila sa isa't isa, ako, happy ako for them. Naglabasan sila ng mga dala-dala nila, maybe positive or negative. But I'm very happy na nakapag-usap sila at siguro, I'm expecting for it to happen."

Raymond Gutierrez asked kung bakit niya napagdesisyunang mag-produce ng concert for Pops and Martin.

"Why not? They are the best with what they do. Concert King and Queen of the Philippines. I am a fan of Martin and Pops. Sa akin, it's an honor for me at magiging masaya ako sa audience, kasama ang mga fans."

Ibinalik naman ni Mo Twister ang kanyang tanong sa video footage ng pag-iyak ni Martin. Sa palagay kaya niya, kahit paano, meron pa ring romantic feelings si Martin kay Pops, or Martin is still in love with Pops?

"Well, I'll react muna dun sa una mong sinabi," pauna ni Jomari. "I've been there. I've done that. I cried on national television. I understand how it feels. I even sang in GMA. Naalala ko pa yun, nabola-bola ako ni Joey Marquez...tinula ko yung kanta. Of course, I understand. (Ang tinutukoy ni Jomari ay ang interview niya sa S-Files noon after his breakup with Ara Mina, kung saan kinantahan niya ng "What Matters Most" ang sexy actress.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Going back to you, yung question mo, I completely understand kung ano ang pinagdadaanan ni Martin dun sa interview. I completely understand kung ano yung pinagdadaanan ni Pops. At kung nadala man sila ng emotion nila, it is because they deserve it. Yung after a long time, nagkaroon kayo ng problem, binigyan kayo ng pagkakataon na mag-usap at sabihin sa isa't isa yung tunay n'yong nararamdaman. At kung medyo naging instrument ako para mangyari yun, I give it to them. I owe it to them."

Sabi naman ni Rufa Mae Quinto, since fan si Jomari ni Martin, kumanta naman siya ng kahit anong kanta ni Martin na gusto niya.

"Actually, there's this song...hindi ko alam ang title. Sige, kantahan na lang kita, Rufa Mae. Kunwari, nililigawan kita!" natatawang sabi ni Jomari bago inawit ang isang linya ng "Be My Lady."

Tanong naman ni John "Sweet" Lapus: Si Ara Mina ba ay balak din niyang ipag-produce ng isang concert?

"Why not? Why not?" sagot ni Jomari. "I mean, tayo, nasa iisang industriya tayo na tinatamaan ng crisis. So, kung anuman ang puwede kong gawing paraan para makatulong sa mga kasama ko, ilabas natin ang personal na pinagdaanan in the past. But what I can do for the industry, I will give my all."

Napa-"Charing!" naman si Jomari at tila hindi makapaniwala sa sinabi raw ni Ara na si Jomari ang pinakamatagal niyang naging boyfriend at minahal.

"Talaga? Ara, thank you ha," hirit pa niya.

Sabi ni Pia, nariringgan daw si Jomari sa pagsasabing si Pops na ang huling babae sa buhay niya. So, does he plan to ask Pops to marry him soon?

"Is this... Ito bang question na ito, answerable by yes or no? Paano ba ‘to?" balik-tanong ni Jomari. "Sorry ha. Pero honestly, hindi pa talaga namin ito napag-uusapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, how come na nasabi niyang si Pops na ang last woman in his life?

"Well, let's put it this way, ang daming pinagdadaanan. Ang daming nangyari. Ganito na lang, yung eksena nila sa presscon, nag-iiyakan sila. Ako kasi, this is my stand: I have nothing to do with Pops and Martin's past. But I have everything to do with Pops's future. So, sa akin, whatever it is na-resolved nila yesterday on that presscon, ako, happy ako.

"I know where I stand. I am the boyfriend of our Concert Queen. I know where I stand. Kung meron silang pinagdadaanan or kung meron emotion na nag-mature or lumabas because of that, ako, alam ko rin kung nasaan ako.

"I am a guest. I am a visitor in that house. And everytime I go there, I pay respect to the family—Martin, Pops, and the children. Ako, ganoon lang. Nagkataon lang na may ginagawa kaming concert and I am the producer, and I will do everything to make it the best Martin and Pops concert, ever," deklara ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN