Angel Locsin checked out of hospital after bout with dengue

IMAGE 0


Actress Angel Locsin is now out of danger after being struck by dengue for the second time. The first was in 2005 after her return from the United States.


Pagkatapos ng limang araw na pagkaka-confine sa St. Luke's Medical Center dahil sa sakit na dengue, pinayagan na rin ng kanyang doktor na makalabas ang aktres na si Angel Locsin kahapon, January 27.

January 17, Saturday, matapos ang kanyang dental treatment, napansin daw ni Angel ang pagkakaroon niya ng sinat at pamamaga ng gums. Dahilan upang magpasya muna sila ng kanyang manager na si Becky Aguila na magpahinga at mag-beg off muna sa kanyang guesting sa Entertainment Live.

January 18, Sunday, dapat sana ay isa sa mga guest ng ASAP ‘09 at ng The Buzz si Angel Locsin bilang pasasalamat sa tagumpay ng pelikula nila ni Piolo Pascual na Love Me Again. Pero hindi nakarating si Angel.

January 21, Wednesday, sa Avon event na dinaluhan ni Angel, mas tumaas ang temperatura niya. Nanghihina siya at nahihilo ng mga sandaling iyon. Bagay na ikinabahala ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano at ni Becky.

January 22, Thursday, tuluyan nang isinugod sa St. Luke's Hospital si Angel dahil sa patuloy na pagtaas ng kanyang lagnat.

Nakunan ng The Buzz ng pahayag si Luis tungkol sa pagkakasakit ni Angel.

"The next day, bigla na lang siyang nag-high fever. At she started throwing up, kasi ang taas ng fever niya, nagpu-40 siya, nagti-39. Then, nagto-throw up siya at nagsimulang ma-dehydrate siya," kuwento ni Luis.

"Namumula talaga siya. Ang first findings talaga is dengue. Pero kumbaga, yun ang primary suspect, as of now, yun nga, dengue. Bumaba na yung fever pero they are still trying to look for the infection, kung saan talaga nanggagaling yung pagtaas ng white blood cells niya."

Dahil sa mga sintomas na meron si Angel, dumaan siya sa series of tests para sa dengue. Ang isang taong walang sakit na dengue ay may platelet count ng dugo na 140-440, pero si Angel ay bumaba ang platelet count ng 120.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahina siya. She's not the typical Angel na makulit. Medyo nanghina lang siya ng konti. Pero she's aware naman of everything. Nanghina lang. Wala kaming napansin kaagad na rashes kaya hindi namin napuna na dengue," paglalarawan pa ni Luis.

Pangalawang beses na raw nagkaroon ng dengue si Angel. Una noong 2005, nang manggaling si Angel sa U.S.

Ngayong nakalabas na si Angel, dahil na rin sa kanyang pagpipilit, pinayuhan daw siya ng kanyang doktor na magpahinga ng isang linggo para tuluyan na siyang gumaling. Nagbilin din daw sa kanya ang doktor na huwag siyang lalabas ng bahay at magtrabaho dahil baka mabinat siya.

Dahil kailangan pa niyang magpahinga, hindi makakasama si Angel kay Piolo sa premiere ng Love Me Again sa Paris, France sa Biyernes, January 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN