German Moreno pursues quest to name Quezon City the "City of Stars"

by Cesar Pambid
Jan 28, 2009
"Naisip ko, isa sigurong magandang hakbang na parangalan naman natin ang ating mga artista. Since dito sa Quezon City nakasentro ang halos lahat ng activities nila, isa sigurong magandang hakbang gawing ‘City of Stars' itong ating lungsod," says German "Kuya Germs" Moreno.

Nasa limelight muli ang Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno. Ito ay dahil sa kontrobersiyang namumuo sa pagitan nila ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista kaugnay sa matagal nang pangarap ni Kuya Germs na gawing karugtong ng Quezon City ang "City of Stars" bilang opisyal nitong pangalan.

Kahapon, January 27, pagkatapos ng oathtaking ng bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa opisina ni Vice Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall, ay nagpaunak ng panayam si Kuya Germs sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Kung natatandaan n'yo, noong araw pa na konsehal si Dingdong Avanzado, sinimulan ko na ang pagkilos hinggil sa panukalang idugtong sa Quezon City ang phrase na ‘City of Stars,'" panimula ni Kuya Germs. "Napansin ko kasi, na halos lahat ng tungkol sa entertainment ay sa Quezon City nakasentro. Hindi ba, halos lahat ng publishing houses, dito sa Quezon City? Yung mga major studios, dito rin. Tapos ang mga networks, kabilang na ang GMA-7 at ABS-CBN, dito rin sa Quezon City.

"Naisip ko, isa sigurong magandang hakbang na parangalan naman natin ang ating mga artista. Since dito sa Quezon City nakasentro ang halos lahat ng activities nila, isa sigurong magandang hakbang gawing ‘City of Stars' itong ating lungsod.

"Noon pa, marami nang naniniwala sa aking hakbang. Yung mga senior stars, sumuporta sa akin. May mga pulitiko sa Quezon City na tumulong sa aking naihain ito sa konseho. Nang mga panahong yun, okey naman, halos opisyal na," lahad ni Kuya Germs.

Isa raw sa mga proyekto ni Kuya Germs kaugnay ng city-starhood ng Quezon City ay ang paggawa ng Walk of Fame along Quezon Avenue papuntang Memorial Circle. Pero hindi ito natupad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sumuko na ako, okey nasa akin. Basta ang mahalaga, yung pangalan ng Quezon City ay maging Quezon City, ‘City of Stars.' Yun nga, sa Eastwood ako napadpad. May mga tao kasing humimok sa akin na sa Eastwood ko na raw gawin yung Walk of Fame. Akala ko, susuporta sila sa gastos. Yun pala, sarili ko lang. Sige na, okey na, naipagawa ko naman. Sa bulsa ko galing ang gastos.

"Masaya na ako at kahit paano, natupad nga yung pangarap kong maging parang Hollywood na yung mga sikat na artista ay magkaroon ng sariling Walk of Fame, na puwedeng makatulong sa interes ng mga tao na dalawin ang Eastwood," saad ni Kuya Germs.

VICE MAYOR BISTEK. Ngayon nga, heto at tila nauwi pa sa samaan ng loob ang matagal nang pangarap ni Kuya Germs. Kinausap daw kasi niya si Vice Mayor Herbert Bautista hinggil sa panukala. Pero ang sagot nito sa kanya ay wala pa siyang panahon, hindi pa raw niya puwedeng isingit sa kanyang schedule at malamig sa panukalang gawing "City of Stars" ang Quezon City.

"Siyempre, sumama ang loob ko," pag-amin ni Kuya Germs. "Ikako, artista pa naman siya, iniisip ko, isang magandang hakbang ito na magaganap sa kanyang pamunuan. Pero ang nangyari, siya pa itong malamig ang pagtingin sa proyekto. Parang tingin ko, ayaw na niyang ipasa ito.

"Nakalulungkot isipin na sa mahabang panahon ng pagkilos ko, ngayon pa ito magkakaroon ng sagabal. At ito ay sa itinuturing ko pa namang kaibigan na isa ring artista."

METROPOLITAN THEATER. Meron pa raw isang matinding pangarap si Kuya Germs na gusto niyang tuparin. Ito ay ang restoration ng Metropolitan Theater sa Plaza Lawton sa Maynila. Bago pa raw naging vice mayor si Isko Moreno, kumikilos na si Kuya Germs.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para raw sa kanya, isang historical landmark ang Metropolitan Theater na hindi dapat pabayaan lang. Kaugnay nga nito, gumawa ng mga pagkilos si Kuya Germs para matupad ang pangarap niya.

"Nakarating daw kasi sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kumikilos ako kaya ipinatawag niya ako sa Malacañang noon. Kinausap niya ako at sabi niya, maglalabas sila ng budget para ipagawa na ang Meropolitan Theater. Siyempre, labis ko yung ikinatuwa," kuwento ng beteranong TV host.

Tinupad naman daw ni Pangulong Arroyo ang pangako niya. Naglabas daw ito ng P50 million pesos para sa proyekto na ipinadaan sa National Commission For Culture and Arts (NCCA).

"Mayor pa noon [ng Manila] si DENR Secretary Lito Atienza. So, bale siya ang hahawak ng proyekto. Nabalitaan na lang namin na yung original budget, ang natira na lang ay P18 million na lang. Naglaho ang budget kaya nagsagawa kami ng imbestigasyon. Nalaman naming ibinili raw nila ng mga yero at iba pang materyles yung pera na ikinabit na sa Metropolitan Theater. Ang ipinagtataka namin, hanggang ngayon, sira pa rin ito at tumutulo pa rin.

"Kaya ngayon nga, hiningi ko na ang tulong ni Mayor Fred Lim at ni Isko Moreno. Ikako, pagtulungan namin para nga sa malao't madali ay maisakatuparan na ang pagpapagawa ng Metropolitan Theater," seryosong pahayag ni Kuya Germs.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naisip ko, isa sigurong magandang hakbang na parangalan naman natin ang ating mga artista. Since dito sa Quezon City nakasentro ang halos lahat ng activities nila, isa sigurong magandang hakbang gawing ‘City of Stars' itong ating lungsod," says German "Kuya Germs" Moreno.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results