Sam Milby explains why he visited Lalola taping

IMAGE 0


A photo of Sam Milby (extreme right) with the cast of GMA-7 primetime series Lalola; (from left) Gladys Reyes, Angelika dela Cruz, JC de Vera, Rhian Ramos, LJ Reyes, and Say Alonzo. Sam explained that he just brought food to former PPB co-housemate Say.


Sa paglabas ng mga larawan dito sa PEP (Philippine Entertainment portal) ni Sam Milby kasama ng cast ng Lalola, isa sa primetime shows ng GMA-7, agad na lumabas ang iba't ibang ispekulasyon kung bakit nandun daw ang isa sa prime talents ng ABS-CBN. Ang mga naturang larawan ay kuha ng isang fan at ipinost sa PEParazzi section ng PEP. (Click here to see more photos.)

May lumabas na balita na dinalaw diumano ni Sam ang bida sa Lalola na si Rhian Ramos, na matagal na diumanong crush ni Sam. May ilan ding nagsabi na baka ilang panahon lang daw ang palilipasin ay isa na si Sam sa magpapadagdag sa listahan ng mga artistang lumipat ng network.

Mga samu't saring kuwento at haka-haka na agad namang nilinaw ni Sam nang makapanayam siya ng PEP noong Lunes, January 26, sa pamamagitan ng telepono.

"I was in Alabang when Say [Alonzo] told me, ‘Sam, will you bring me some food?' Matagal ko na siyang hindi nakikita, we're close and we've been good friends nung PBB [Pinoy Big Brother] pa. I gathered some food and bought it there.

"Nung dumating ako sa set ng Lalola, ayokong lumabas, ayokong bumaba. Say assured me not to worry. She even said, she'll ask the EP [executive producer]. The EP naman said it's okey, don't worry daw. I went down, I finally met Direk [Dominic Zapata], I was sitting with Angelika dela Cruz. Pictures-pictures, then I ate, ganun lang," kuwento ni Sam.

Gaya ng nabanggit ni Sam, nagkasama sila ni Say sa unang season ng Pinoy Big Brother, ang reality show ng ABS-CBN. Kasama naman ngayon sa cast ng Lalola si Say.

CRUSH ON RHIAN. Diretsahan naming tinanong sa Sam kung totoong matagal na siyang may paghanga kay Rhian kung kaya't dumalaw siya sa set ng Lalola.

"Yes, she's beautiful, but I'm not saying anything about having a crush on her," maingat na sagot ni Sam. "Hindi ko siya kilala, hindi kami nag-uusap. Wala akong contact sa kanya, kahit Facebook. Kahit phone number, wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's the only second time I've ever met her. I never have a contact with her, so it's so funny na nanliligaw ako sa kanya. That's not true, I just came there to visit Say coz I have't seen her for a long time," paliwanag niya.

Aware din si Sam sa balitang nanliligaw o magkasintahan na si Rhian at ang leading man nito sa Lalola na si JC de Vera.

"I'm aware of it and nakita ko na medyo sweet sila sa set. I'm the guy na pag may boyfriend ang isang babae, ayoko nang pasukan. I don't want to disturb her anymore," sabi ni Sam.

Marami rin daw sa mga Rhian-JC fans ang naalarma at nagpahayag na hindi nila nagustuhan ang balitang didiskartehan ni Sam si Rhian. May mensahe namang gustong iparating ang aktor sa mga masusugid na tagahanga ng tambalan ng dalawa.

"Malalaman naman nila na nandun lang ako to visit at maiintindihan naman nila na wala akong intention kay Rhian. Like I've said, I'm there to visit a friend. I didn't have a contact with Rhian. I don't talk to her, I don't have her number at all. They won't be seeing me that way ‘coz I'm not like that."

NOT SWITCHING CHANNELS. May ilan ding nag-isip na baka ang pagbisita ni Sam sa set ng Lalola ang hudyat na lilipat na siya sa Kapuso network.

"Talga? Hindi totoo ‘yan, hinding-hindi," mariing sabi ni Sam. "I'm happy and contented with everything going on with my career right now. I'm very, very happy especially now, suwerte talaga ako and I'm very blessed with the movie na ginagawa namin ni Bea [Alonzo], ang ganda ng script! I'm having a teleserye with Angel Locsin, so it was really, really such a blessing. I'm so, so happy!"

THE TRUTH. Sinamantala na rin namin ang pagkakataon upang tanungin si Sam tungkol sa pagkakadawit ng pangalan ng direktor niya sa Dyosa na si Wenn Deramas, na siya raw ang pinagmulan ng balitang naghalikan sina Sam at Anne sa thanksgiving party ng kanilang fantaserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, kinausap ko siya [Direk Wenn] a few days ago. Wala lang, kumustahan. He even said that he wasn't the one who started that we're kissing. Sabi ko, ‘Yun ang sabi nila, I don't know who told them but that's what he heard.'"

Sa paglilinaw ni Sam na walang balikang naganap sa kanila ni Anne ay may ilan daw malalapit kay Anne ang nasaktan sa pagde-deny na ito ni Sam.

"I'm just being truthful," depensa naman ni Sam. "I'm not denying anything kasi hindi naman totoo. Sorry if I'm hurting them, pero gusto ko lang sabihin yung totoo. Saka sinabi rin ni Anne na hindi totoo yun. Magkaibigan lang kami and that's the truth.

"We're a lot better compared to before and that's the truth. We admitted na talagang nagkaroon ng panahon before na hindi talaga kami okey, kahit magkaibigan. But now, we're really okey na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN