Ryan Agoncillo lets fiancee Judy Ann Santos decide on their wedding date

IMAGE 0


"All the details are still up in the air. Hindi pa lang namin nasi-settle ang date. My birthday is on April 10, Juday's birthday is May 11; ewan ko kung alin doon. Basta pagdating sa date ng wedding, si Juday ang masusunod. Last year kasi na nag-propose ako sa kanya, hindi siya makasagot kung kailan ba niya gusto kaming magpakasal. Kaya sabi ko sa kanya, hihintayin kong siya ang mangulit sa akin," says Ryan Agoncillo about his much-awaited wedding with Judy An


Tulad ng isang mahusay na host, pag-upo pa lamang ni Ryan Agoncillo sa harap ng entertainment press sa pocket interview para sa reality show niya sa TV5 na Talentadong Pinoy kahapon, January 28, isa-isa na niyang inilahad ang kanyang career at personal life in 2008 at ngayong pumasok na ang 2009.

"I would say na noong half of 2008, ang personal life ko ang napag-usapan," nakangiti niyang simula. "Then half of 2008, ang career ko na. Pero ngayong 2009, ang career at personal life ko, shifting to higher gear.

"Sa hosting, after Philippine Idol, binigyan ako ng TV5 ng another hosting job—ang Talentadong Pinoy. Nasa second season na kami ngayon at nagsisimula na kaming mag-taping for the third season. We're happy to announce na kung single digit lang ang rating namin noon, ang latest, double digit na. Nakakuha na kami ng 10.2 percent rating. That's slowly but surely. Umaakyat ang rating namin.

"Ang maganda sa amin, kahit we're working lang in a smaller studio—di tulad noon sa Philippine Idol—wala akong problema. Dahil ang production staff and crew ko, yung mga nakasama ko rin sa Philippine Idol kaya mas madali kaming nagkakaintindihan. May trust kami at alam na namin ang gusto ng isa't isa," pahayag ni Ryan.

Nagiging usap-usapan na rin daw ang kanyang reality show sa TV5.

"Yes, kaya tuwang-tuwa ako," sabi ni Ryan. "Like noong nagsu-shooting kami ng Iskul Bukol nina Kuya Vic [Sotto] at Jose [Manalo] sa Cambodia, may mga itinanong ako sa kanila tungkol sa Eat Bulaga! dahil nanonood naman talaga ako nito. Sila naman, tinanong din nila ako tungkol sa Talentadong Pinoy dahil nanonood pala sila at alam nila kung sino ang naging winner. It makes me happy.

"Kahit sa New Bilibid Prison, noong nag-taping kami doon ng Pieta, hindi ang kanilang problema ang pinag-usapan namin kundi ang Talentadong Pinoy na napapanood nila doon. Kung minsan, nagtatanong sila kung ano ba ang puwede nilang ipakita para makasali sila roon," lahad ng award-winning TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga sumasali ba sa Talentadong Pinoy ay may sob stories din na tulad ng ipinakikita sa ibang reality shows?

"Yes, meron din," sagot ni Ryan. "Pero we don't showcase their sob stories kundi ang kanilang skills and crafts. Na kung minsan, hindi pa sila natatapos sa pagsali sa show, may mga bookings na silang natatanggap. Tulad ng isang acrobat family na naging winner namin, dahil kailangan sila sa mga shows and fiestas, marami sa kanila ang nabibigyan na ng trabaho. Yung iba namang sumasali doon, kahit hindi sila manalo, basta mapamangha nila ang mga manonood, okey na sa kanila ‘yon."

Biniro si Ryan na dapat ay may ipakita rin siyang kakaiba dahil siya ang host ng Talentadong Pinoy.

"I wish I have different or exciting talents, pero wala. Wala akong maipakikita sa mga televiewers!" natatawang wika ni Ryan.

Patuloy niya, "Sa acting side, Pieta is a gift. It is well-received ng mga tao and happy kami ni DJ Durano na nakasama namin dito si John Regala. Ang husay-husay niya, madadala kang umarte dahil sa husay niya. Binibigyan niya kami ng pointers, tinuturuan niya kami ng dapat naming gawin.

"Sa movie naman, bukod sa Regal na may gagawin kami ni Judy Ann [Santos, Ryan's fiancée], may iba pa ring producers na kumuha sa amin. Hindi lang ito under negotiation, pipirma na kami ng contract. Pero wala pa akong right na sabihin kung ano ‘yon at kung sino ang producer."

THE WEDDING DATE. Natanong din siyempre si Ryan kung kailan nga ba magaganap ang pinakahihintay na kasalan nila ni Juday.

"Ganito na lang... We are house-hunting na ni Juday ng magiging bahay namin. Hopefully, we'll find our home, somewhere in the south. Actually, may napili na kami and we're now negotiating. Isinama rin namin doon ang baby namin, si Yohan. At sabi namin, ‘That's Yohan's house.' Pinapili namin siya ng gusto niyang room. Four bedrooms ‘yon and one den. Yung mga close friends namin ni Juday, sabi nila, basta isa raw sa rooms doon kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakatayo na kasi ‘yon. Last year, sabi namin, magla-lot hunting na kami. May napili na kami, pero aabot pa pala ng two years bago matapos ang pagpapatayo ng bahay kaya hindi na namin itinuloy. Naghanap na lang kami ng gusto naming bahay."

Biniro si Ryan na gustung-gusto na nila talagang magpakasal ni Juday.

"Yes, excited na kami!" sagot naman niya. "But it will be a very simple wedding at hindi na kailangan ang maraming detalye na kailangan pang kumuha ng wedding planner. Nag-attend kami ni Juday ng civil wedding nina Dominic [Ochoa] and his wife at nakita namin na puwede pala yung ganoong kasimpleng wedding.

"But all the details are still up in the air. Hindi pa lang namin nasi-settle ang date. My birthday is on April 10, Juday's birthday is May 11; ewan ko kung alin doon. Basta pagdating sa date ng wedding, si Juday ang masusunod. Last year kasi na nag-propose ako sa kanya, hindi siya makasagot kung kailan ba niya gusto kaming magpakasal. Kaya sabi ko sa kanya, hihintayin kong siya ang mangulit sa akin. Nang pumunta siya sa Los Angeles para sa pagla-lobby niya ng Ploning, siguro nakapag-isip-isip siya dahil nag-iisa lang siya doon.

"Nang magkausap kami, sinabi na niya kung ano ang wedding gown na gusto niya. Ang magiging Matron of Honor si Ate Shawie [Sharon Cuneta] at ang Best Man, ang only brother ko, si Dondie. We will have two sets of godparents. Nakausap na namin ang dalawang ninong at pumayag na sila. Kakausapin na lang namin ang dalawang ninang. Wala pa kaming church na napipili," kuwento ni Ryan.

May magbibigay ba sa kanya ng bachelor's party?

"I'm not a big fan of bachelor's party!" natatawang wika ni Ryan. "Siguro kung may magbibigay, baka sila na lang ang a-attend."

NO TV COVERAGE. Ipinauna na ni Ryan na wala silang TV crew na papayagang mag-cover ng wedding nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magbibigay na lang kami ng video sa kanila," sabi niya. "Hindi naman sila banned at hindi naman bawal. Pero gusto naming ang a-attend doon, hindi magtatrabaho kundi magsasaya at maglalasing!" biro ni Ryan.

Aniya pa, "They will be respectfully turned down dahil we have a good relationship naman with the entertainment press. At sana maintindihan nila na all her life, naka-record lahat ang bawat kilos ni Juday. Kaya sana pagbigyan naman nila ang hinihiling namin."

Paano ang mga photographer na gustong mag-cover ng wedding?

"We will have our photographers. Kung gusto nilang mag-cover, they will be directly working with us," sagot ni Ryan.

May nagtanong kay Ryan kung may pre-nuptial agreement sila ni Juday.

"I don't think so. Wala kaming pinag-uusapan tungkol doon. Ang pinag-uusapan namin, tungkol lang sa wedding."

Saan nila balak mag-honeymoon?

"Wala muna siguro, sa bahay na lang namin," nakangiting wika ni Ryan. "Siguro saka na, kapag may passport na ang baby namin, si Yohan. Wala muna kaming gastos kung para sa sarili namin. Wala na rin kaming bigayan ng gifts ngayong Valentine's Day. Siguro magde-date na lang kami. Yung Christmas gifts namin sa isa't isa last year, yun na muna ang pinakahuli, at itong wedding namin. Pagkatapos nun, gagastos na lang kami para sa family namin and friends."

Kung by April or May 2009 ang wedding, nakapag-file na ba sila ng marriage certificate? May support group ba na tumutulong sa kanila?

"Sa ngayon, inaayos na ang marriage certificate and license namin, and we have a support group that is helping us. Naka-ready na lahat ‘yon. Wedding date na lang ang kulang," pagtatapos ni Ryan.

Watch Ryan talk about Judy Ann's "magic," their "game" in Italy, how Juday is when jealous when clicking and his views on being faithful by clicking here .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN