Paolo Contis lost touch with ex-flame Isabel Oli

IMAGE 0


Actor-TV host Paolo Contis has admitted that he has lost contact with ex-girlfriend Isabel oli since their breaup last year. Paolo also clarifies reports that he has something to do with the decision of present girlfriend Lian Paz to return the car given by her ex-boyfriend.


Hindi lang kaswal kundi diretsahang sinasabi ni Paolo Contis na wala na silang communication ng ex-girlfriend niyang si Isabel Oli mula nang mag-break sila last year.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa actor-TV host sa presscon ng bago niyang show sa GMA-7, ang franchised game show mula sa U.S. na My Dad Is Better Than Your Dad, inamin nitong hindi niya tinatawagan o tini-text man lang ang dating kasintahan. Ayon kay Paolo, nagpalit ng number si Isabel at hindi naman daw nito ipinadala sa kanya ang bago nitong number.

Walang maisagot si Paolo kung may sama ba ng loob sa kanya si Isabel sa hindi nito pagpapadala ng bago niyang mobile number. Sa pagkakaalam niya, kung hindi man sila masasabing magkaibigan ng aktres, hindi sila magkagalit nito.

Malalaman lang daw ni Paolo kung ano ang tingin sa kanya ngayon ni Isabel kapag nagkita sila nang personal.

Kuwento ng aktor, muntik nang mag-krus ang landas nila ng ex-girlfriend niya. Sa tatlong beses na muntik silang magkita nito sa magkakahiwalay na okasyon, hindi nag-abot ang landas nilang dalawa.

Hindi plano pero gagawin daw ni Paolo na batiin si Isabel pag nakita niya ito sa kahit na anong pagkakataon at okasyon. Puwede rin niyang halikan sa pisngi ang dating kasintahan kung magiging posible ito.

Payag naman si Paolo na makasama si Isabel sa kahit anong project ng GMA-7. Wala nga lang offer para sa kanilang dalawa para magsama.

Kung malabo raw na maging magkaibigan sila ni Isabel, naiintindihan daw ito ng aktor. Hindi raw gano'ng kadali na mauwi sa pagkakaibigan ang nangyaring hiwalayan nila.

RETURN TO SENDER. Inilalabas naman ni Paolo ang sarili sa balitang may kinalaman siya kung bakit gusto nang isauli ng bagong girlfriend niyang si Lian Paz ang sasakyan nito sa dating kasintahang direktor. Nililinaw ni Paolo na desisyon mismo ni Lian na ibalik ang sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi alam ni Paolo kung maiinis o matutuwa sa mga nasasagap na balitang siya ang bibili ng bagong sasakyan ng kasintahan kaya nito ipinapasauli ang sinasabing kotse. Nasambit na lang ni Paolo, hindi siya gano'ng ka-generous na boyfriend para magbigay ng sasakyan.

Maliban sa pagtulong sa trade-in at financing, advice lang daw ang puwede niyang maibigay kay Lian.

"Sabi ko sa kanya, kung gusto mong magpalit, yung kaya mo lang at huwag kang mag-upgrade. Sabi niya, okey naman daw," sabi ni Paolo.

Aniya pa, may pera naman si Lian para makabili ng anumang gusto niya, tulad ng sasakyan.

Inaamin ni Paolo na mapagbigay siya sa mga mahal niya sa buhay at may tendency siyang ma-spoil ang kanyang kasintahan. Pero ang magregalo ng sasakyan at bahay gaya ng inaakala ng marami ay mangyayari lang kapag asawa na niya ang sinumang girlfriend niya.

Nagsalita rin si Paolo tungkol sa iba pang nasagap na balitang may napili na silang date para sa pagpapakasal nila ni Lian. Alam ng aktor na ang pinag-uugatan ng isyu ay ang "engagement ring" na ibinigay nito sa girlfriend. Sini-secure lang daw niya ang pagmamahal niya sa EB Babes dancer.

Na-appreciate lahat ni Paolo ang efforts ni Lian na patunayan ang tunay na pag-ibig nito sa aktor.

May ngiti sa labi ni Paolo kapag naalala niya ang pinaka-sweet na ginawa para sa kanya ni Lian. Binantayan daw siya nito minsan sa kanyang taping mula alas-tres ng hapon hanggang madaling-araw.

"Wala siyang sinabi na kung ano. Hindi siya nagreklamo. Yun yung time na wala pang nakakaalam ng lahat. Nandoon lang siya sa loob ng sasakyan. Binantayan niya ako, inalagaan. Naghintay siya nang matagal considering na may trabaho pa siya the next day," pagbabalik-tanaw ni Paolo.

Bukod sa kanyang game show na My Dad Is Better Than Your Dad, kasama rin si Paolo sa cast ng pinakabagong primetime series ng GMA-7, Carlo Caparas's Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN