Judy Ann Santos-Ryan Agoncillo wedding set for May 4--source

by Mercy Lejarde
Jan 30, 2009
In a previous article posted here in PEP, Ryan Agoncillo hinted that the wedding will be either on his birthday, April 10, or his bride-to-be Judy Ann Santos's birthday, May 11. But a source close to Juday revealed, the big day will be on May 4.

Sa pocket interview namin kay Ryan Agoncillo during the presscon of TV-5 for Talentadong Pinoy noong ika-29 ng Enero, ang ilan sa pinakamaugong na tanong ay tungkol sa kanyang personal life.

Matatandaang nag-propose si Ryan sa kanyang sweetheart of four years na si Judy Ann Santos noong May 11, 2008, kaya lahat ay hinihintay ang anunsiyo ng couple tungkol sa petsa ng kasal.

Tawa lamang ang isinagot ng host-actor, sabay dagdag, "Si Ate [his term of endearment for Juday] ang sasagot niyan. Siya kasi ang mas nakakaalam."

Pero hindi naman siya nagdamot tungkol sa kanilang entourage. Ang magiging best man daw niya ay ang kanyang older brother na si Dondi, samantalanag ang Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang matron of honor.

Ngayon pa lang ay humngi na ng dispensa sa mga TV crews and press people dahil "definitely no TV coverage" daw ang naturang affair. Ayaw daw ng magiging misis ni Ryan na magmistulang circus ang kanilang kasal.

Continue reading below ↓

Naikuwento rin ni Ryan na meron na silang nagugustuhang bahay sa bandang south, at may four to five bedrooms ito. Hopefully, next week ay matapos na nila ang negotiations.

"May isang room dun para sa anak naming si Yohan," dagdag pa ng future groom ni Juday.

Throughout the presscon, hindi niya talaga sinabi ang eksaktong petsa, pero isang source, na malapit na malapit sa puso ni Juday, ang nagbanggit sa amin: Sa May 4 na raw this year ang pinakaaabangan ngunit pribadong kasal nila.

After the wedding na lang daw sila magpo-provide ng mga photos nila sa media at press. Si Paul Cabral ang gagawa ng wedding gown ng bride, pati na rin sa bridal entourage, ang sabi pa ng nakausap ng writer na ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a previous article posted here in PEP, Ryan Agoncillo hinted that the wedding will be either on his birthday, April 10, or his bride-to-be Judy Ann Santos's birthday, May 11. But a source close to Juday revealed, the big day will be on May 4.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results