Marian Rivera on real score between her and Dingdong Dantes: "Ine-enjoy lang namin kung ano ang meron kami."

IMAGE 0


"Mas masarap pa rin na wala munang iniisip... Tutal nakakalabas naman kaming magkasama. Wala kaming nakikita na madaliin ko ito. Wala! Enjoy lang talaga. Mas maganda yun, e," says Marian Rivera when asked about the real score between her and Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang leading man Dingdong Dantes.


Marami ang nagulat and, at the same time, nasiyahan sa press conference ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang kagabi, January 29, sa Studio 5 ng GMA-7. Pagkatapos kasi ng short skit ng buong cast, headed of course by Dingdong Dantes and Marian Rivera, ay ipinakita naman sa entertainment press ang pilot episode ng series na magsisimula na sa February 2.

Pilot pa lamang ay siguradong marami ang masu-surprise sa ipapakita nina Dingdong at Marian sa kanilang bagong show.

Unang gabi pa lang ay ipapakita na ang eksenang pag-akyat ni Marian at pagpasok sa kuwarto ni Dingdong. Tuloy, sa press conference, natatawa na lang si Marian kapag sinasabi sa kanyang marami na ang nagwi-wish na sana raw, siya ang mamulatang katabi paggising.

So, anong masasabi niya ro'n?

"E, siyempre...hindi ko naman sinasabing isang magandang senyales yun. Pero ibig kong sabihin, thank you, di ba? Kung ganoon, hindi ko naman mapipigilan ang pag-iisip ng mga tao."

Kung may isa kasing kapansin-pansin sa mga eksena nila ni Dingdong sa Ang Babaeng..., ito ay ang lutang na lutang na chemistry nilang dalawa. Opinyon nga ng iba pang nakapanood ng pilot episode, tila ba napakanatural na lang ng lahat sa kanila.

"Hindi naman! Siguro dahil lang may tiwala naman kami sa isa't isa at matagal na rin kaming magkasama. At saka, kumportable kami na kapag dinidirek kami ni Direk Joyce, ay ganito, ganito...at saka, ang maganda rin kay Direk, siya mismo, dine-demonstrate niya. Siya mismo, talagang inaarte niya sa amin."

MATURE...NOT! Masasabi ba niyang nag-mature na talaga sila ni Dingdong sa bago nilang series na ito compared to Marimar and Dyesebel?

"Oo, e...sobra! Yun nga ang sinasabi rin sa akin ni Direk na, ‘Yanyan, isang magandang soap-opera ito sa inyo ni Dingdong kasi mature [characters] na rito, hindi na pa-sweet, iiyak-iyak.' Ano siya, e, mature na talaga rito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nagsasabing baka naman dahil "mature" na sila rito, ma-alienate na sa kanila ang mga fans nilang bata?

"Ay, hindi, kaya nga namin siya ginawang pantay. May kiss na pero biglang binabawi. Nandiyang nagseseryoso na inaakit ni Proserfina si Homer, biglang, joke! So, may comedy pa rin."

Ayon kay Marian, halos sa umpisa lang daw.yung mga kissing scenes nila ni Dingdong, Kasama raw talaga sa kuwento yun, kung kaya't ginawa yun ng character niya as Proserfina para makapagpabago kay Dingdong who plays Homer.

FEELING THE PRESSURE? Pero sa pilot pa lang, tila mas lalo nilang mapapatunayan na sila na nga ang hottest, sexiest love team in town.

"Wow! Sana talaga! Pinagpi-pray namin, kahit kami talaga ni Dingdong, pinagpi-pray namin na mag-click talaga ‘to."

Consistent na naging number one over-all ang first two series nila. Now that they are doing their third series, may pressure ba lalo dahil dalawang serye na nila ang kailangan nilang matapatan or mahigitan?

"Hindi naman pressure, siguro kinakabahan lang. Napaaga kasi kami, dapat late pa. Kaso, biglang boom! So, okey! Siguro, mas nababalot yun ng excited kami kung ano ang magiging reaction ng mga taong nagmamahal sa amin. Kung ano ang magiging reaction na ganito ang ginagawa naming character ngayon."

Sabi pa niya, "At saka, nakakatuwa! Ang sarap paglaruan ng character ni Proserfina."

LAST TEAM UP? Hindi pa man sila nagsisimulang mag-taping for Ang Babaeng..., pinag-uusapan na ang possibility na panghuling team-up na raw nila ni Dingdong ito. Pero sa reaction pa lang ng mga tao sa studio sa pilot episode, posible kayang hindi lang talaga ito ang huli?

"Sana... Oo naman! Siyempre naman!" nakangiti niyang sabi.

Hindi ba siya nagsasawa kay Dingdong?

"Hindi!" natatawa niyang sabi. "Bukod sa masarap siyang katrabaho, trabaho kung trabaho. At saka, tinutulungan ka talaga niya. Makikita mo na kung may mga ganoong parte man ng eksena, alam mo na mapagkakatiwalaan mo siya. Hindi siya nagte-take advantage. Ever since ganoon siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May time na rin daw na napag-uusapan nilang dalawa kung paano't last team up na nga raw nila ang Ang Babaeng...

"Minsan napag-uusapan namin na, paano kaya kung hindi na tayo mag-partner? Pero kami, talagang ganoon, e, ganyan talaga ang buhay. Siyempre kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko na kami pa rin, pero kung ano yung sasabihin ng GMA para sa amin, sila naman ang makakaalam at nagtitiwala kami sa kanila kung ano ang ikagaganda ng career namin. Sa kanila talaga nakabase."

THE REAL SCORE. Sa usaping personal, ano ba ang real score sa pagitan nilang dalawa ni Dingdong ngayon?

"Palagi kong sinasabi na ngayon, e, aminado kaming lumalabas kaming magkasama. Kumakain kami sa labas. Ine-enjoy lang namin kung ano ang meron kami. At palagi kong sinasabi na wala naman akong nakitang masama ngayon. Parehas kaming single."

Nakatulong ba ang pagiging single nila sa sitwasyon nila ngayon?

"Hindi naman. Dumating lang din sa point na ayoko na lang din sa dati. Siya rin ganoon. Siguro, nagkaparehas lang kami na naging single, di ba?"

Walang ligawan?

"Wala... wala," tanggi niya.

Hindi na kailangan ng ligawan?

"Hindi! Ano ba ‘yan? Kailangan pa rin, if ever. Kailangan!" natatawa niyang sabi. "Although sa ngayon, mas masarap pa rin na wala munang iniisip. Tipong enjoy lang muna kasi kung isasabay lang namin na ang daming naririnig na at least nga ngayon, nagla-lie-low na sila, ngayon pa ba namin hahaluan ng ganyan?

"Basta kami, ang priority namin itong Hinugot Sa Tadyang. Tutal nakakalabas naman kaming magkasama. Wala kaming nakikita na madaliin ko ito. Wala! Enjoy lang talaga. Mas maganda yun, e."

VALENTINE'S PLAN. May plano na ba sila sa Valentine's Day?

"E, taping yun, e!," nakangiti niyang sabi. "Tinanong ko, tinanong niya rin."

Kung hindi pala taping, may plano sana?

"Bakit hindi, di ba?" pabiro pa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN