KC Concepcion will miss working with Richard Gutierrez

IMAGE 0


Among the things KC Concepcion will miss about Richard Gutierrez: "Mami-miss ko po ang sobrang pagiging relaxed ni Chard kahit may pressure sa shooting. Parang hindi trabaho ang pinupuntahan namin, feeling niya sa excursion kami laging pupunta."


Masaya man, may lungkot din si KC Concepcion now that magso-showing na sa February 11 ang Valentine movie nila ni Richard Gutierrez, ang When I Met U, a co-production venture ng GMA Films and Regal Entertainment.

Tulad kasi ng napagkasunduan ng GMA Films at Star Cinema, unang nagtambal sina Richard at KC sa For The First Time at ang second nga, sa Valentine offering. At wala pang nakatitiyak kung may susunod pang project ang dalawa dahil magiging busy na sila sa kani-kanilang TV series sa GMA-7 at sa ABS-CBN. But a source told PEP (Philippine Entertainment Portal) na baka raw magkaroon ulit ng pag-uusap kapag nai-showing na ang movie na may premiere night sa SM Megamall Cinema 9 and 10 on Tuesday, February 10.

Sa presscon ng movie last Monday, January 26, nag-guest muna sila sa Boy & Kris sa Channel 2 as part din ng usapan na pwede silang mag-promote sa mga shows ng ABS-CBN. At kinilig naman nang husto ang audience sa mga questions and answers nina Richard at KC.

MISSING RICHARD. Sa tanong kay KC kung ano ang mami-miss niya kay Richard ngayong tapos na tapos na nga ang movie?

"Mami-miss ko po ang paglalambing niya sa akin kaya kinikilig ako," sagot ni KC. "Mami-miss ko rin ang kanyang kakengkoyan at sense of humor."

Isa rin iyon sa itinanong kay KC sa presscon.

"Mami-miss ko po ang sobrang pagiging relaxed ni Chard kahit may pressure sa shooting," nakangiting wika ni KC. "Parang hindi trabaho ang pinupuntahan namin, feeling niya sa excursion kami laging pupunta. Kahit noong pumunta kami ng Coron, Palawan, ewan ko kung ninerbyos din siya pero hindi niya ipinahalata sa akin noong halos mataas pa sa amin ang alon ng dagat. Tingin ko sa kanya relax na relax lang siya."

May mga nagsabi kina KC at Richard na mukhang mas maganda ang When I Met U kaysa sa una nilang movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just hope na magustuhan po ng mga fans namin at ng mga manonood ang movie dahil excited na nga kami ni Chard," sabi ni KC. "Hindi po namin in-expect na matatapos namin ito within 16 days kaya pagkatapos po ng shooting, talagang niyakap namin ni Chard si Direk Joel Lamangan at nagpasalamat kami sa kanya. Excited na rin kaming mapanood ang buong movie dahil nagandahan kami sa full trailer na first time naming napanood sa presscon."

Sayang at mas marami sanang mapapanood na eksena si KC sa movie dahil magda-dubbing sana siya kahapon, January 29, kaya lamang ay na-cancel ito dahil nagkasakit na rin siya tulad ni Richard, na sa sobrang pagod at ngongo na dahil sa sipon ay hindi na talaga pwedeng mag-dub. Hopefully, today, January 30, matatapos na ni KC ang dubbing.

MAKING THE "REEL" REAL. Kung si Direk Joel daw ang tatanungin, naniniwala siyang mag-on na sina KC at Chard dahil nakikita raw niya ang off-the-camera na paglalambingan ng dalawa, kahit daw hindi na nakatutok ang kamera sa kanila. Kahit ang ilang entertainment press na dumalaw sa location sa Coron, Palawan, nakikita raw silang magka-holding hands sa dilim.

"Hindi naman po," waring nahihiyang sagot ni KC. "May mga torch po naman doon, saka nagyo-yoga po kami ng time na 'yon. Saka hindi po ba kapag gumagawa ng movie, lalo na ng tulad sa amin na light love story, pinakamaganda po na you make those moments real, na parang talagang nangyayari sa totoong buhay. Kami ni Chard, kaya naming i-bring sa totoong buhay yung nangyayari sa pelikula. Siguro po ganoon namin napi-feel ang mga eksena habang ginagawa namin ang movie."

KISSING SCENES. Kuwento rin ni Direk Joel Lamangan, marami silang kissing scenes ni Richard.

"May ilan lang pong shots na ginawa si Direk Joel, iba-ibang anggulo, hindi ko lang po alam kung ano ang gagawin ni Direk Joel, pero hindi po naman marami, siguro po mga three kissing scenes iyon. May isa pong passionate na medyo nahirapan din ako kasi first time po iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, pagkatapos ng movie, kung wala pa silang gagawing bagong project na magkasama, ibig bang sabihin noon, hindi na sila magkikita ni Richard?

"Hindi po naman, hindi nawawala ang communications namin ni Chard kahit hindi kami nagkikita, pero mas madalas pa kaming magkakasama dahil hindi pa naman naiso-showing ang movie.

"Saka ayaw po naming pangunahan ang puwedeng mangyari. Tingnan na lang natin what's next, dahil sa ngayon, talagang naka-focus kami ni Chard sa aming mga career at gusto naming mag-succeed sa aming mga goals."



Trailer courtesy of GMA Films and Regal Entertainment


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN