Director Joyce Bernal calls on Dingdong and Marian to admit romance

IMAGE 0


"Naku, huwag nga silang nag-iinarte, e, obvious naman na sila na!" tawa pa niya. "Kapag tinatanong ko nga, aba sinu-showbiz pa ako ng dalawa! Nakakalokah sila! Umamin na kayo, no! Pero okey lang naman siguro kung may usapan sila na ganyan muna. Pakasaya sila sa buhay nila. Habang nandiyan, sige lang nang sige. Mahirap nga yung may pressure sa kanila," says Director Joyce Bernal about her stars Marian Rivera and Dingdong Dantes.


Inaamin ng direktor ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na si Bb. Joyce Bernal na pinakamahirap ang bagong drama series na ito nila Marian Rivera at Dingdong Dantes kumpara sa Marimar at Dyesebel.

Malaki nga raw ang ginawa nilang transformation kina Marian at Dingdong para sa kani-kanilang tauhan (characters) na Proserfina at Homer. Natutuwa naman si Direk Joyce dahil very cooperative ang dalawa.

"Yun naman ang gusto ko sa dalawang ‘yan. Nakikinig sila at gusto nilang may ma-discover silang bago sa mga roles na ginagampanan nila sa TV at pelikula.

"Dito nga sa new soap, si Marian ginawa naming very aggressive, mas passionate at mas kababaliwan siya ng lahat ng lalake. Hindi ito ang usual na Marian na sweet, innocent at tatanga-tanga. Dito ay street smart siya, na-involve sa isang sindikato, sobra ang kikay at hahawak siya ng baril.

"Yung pag-akyat nga niya ng bahay ni Dong, medyo na-tense ako roon kasi kakatanggal lang ng cast sa paa ni Marian that time. Gusto ko sana may stunt double siya kasi baka may mangyari. Pero si Marian na ang nagsabi na gusto niya na siya ang gagawa no'n. Ayaw daw niyang manloko ng mga manonood. At gusto niyang ma-experience ang gano'ng eksena.

"Si Dong naman, isa siyang nerd dito na denumero ang buhay. May routine siya every day sa buhay niya. Walang excitement at may kulang siyang hinahanap. Doon papasok nga si Proserfina sa buhay ni Homer. Doon mayayanig at magugulo ang buhay niya dahil biglang na-discover niya na may babaeng kakaiba.

"Para siyang Adam and Eve. Noong dumating sa buhay ni Adan si Eba, doon siya namulat sa kung anu-ano na shocking pero nagustuhan niya. Si Proserfina kasi dito, woman of the world siya pero dangerous ang mundong pinanggalingan niya."

Sa unang episode pa lang ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ay tadtad na ng mga maiinit na halikan at pinakita na ang mga hubad na katawan nila Dingdong at Marian. Sabi nga ni Direk Joyce, maaasahan pa ng audience na marami pa silang aabangan na ganyang mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami kaming mga eksenang madugo at talagang magugulat ang lahat. Sex and violence nga ang tema ng series na ito at nagiging maingat din kami kasi nga baka mapag-initan kami ng MTRCB (Movie and Television Ratings and Classifications Board).

"Pero so far, wala silang sinasabing may tanggalin kami or ibahin. Alam naman namin ang mga dapat gawin on TV."

OBVIOUS NAMAN! Ang mensahe nga ni Direk Joyce kina Marian at Dingdong ay umamin na raw sila na may relasyon sila. Halatang-halata naman daw kapag nasa set ang dalawa kaya isa si Direk Joyce na atat na marinig ang official statement ng dalawa na sila na.

"Naku, huwag nga silang nag-iinarte, e, obvious naman na sila na!" tawa pa niya. "Kapag tinatanong ko nga, aba sinu-showbiz pa ako ng dalawa! Nakakalokah sila! Umamin na kayo, no!

"Pero okey lang naman siguro kung may usapan sila na ganyan muna. Pakasaya sila sa buhay nila. Habang nandiyan, sige lang nang sige. Mahirap nga yung may pressure sa kanila. Kung anuman yang nangyayari sa kanila, alam ko na maganda ‘yan at malaking tulong ‘yan sa drama series namin," pagtatapos pa ni Bb. Joyce Bernal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN