Mark Herras denies admitting four-month romance with Rhian Ramos

IMAGE 0


"Bakit ko naman sasabihin iyon? E, wala naman talaga kaming naging relasyon ni Rhian. Oo, at magkaibigan kami, pero hanggang doon lang. Wala kaming naging relasyon," declares Mark Herras.


Nagulat si Mark Herras nang makarating sa kanya ang balitang sa kanya raw mismo nanggaling na nagkaroon sila ni Rhian Ramos ng apat na buwang relasyon.

Dahil nga sa pag-amin daw ni Mark na iyon kaya halos maiyak si Rhian. Wala raw kasi silang naging relasyon ni Mark. Naging close lang daw sila bilang magkaibigan noong gawin nila ang afternoon soap drama na My Only Love at ang pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) for GMA Films.

Sa isang mini-press conference na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center para sana kina Rhian at sa ka-love team nitong si JC de Vera ay ang napag-usapan ay ang tungkol nga sa pag-amin na ito ni Mark.

"Hindi ako makapaniwala na nasabi iyon ni Mark," mariin na sabi ni Rhian. "As far as I know, wala kaming naging relasyon. Naging close kami as friends but we never had a relationship."

MARK DENIES IT. Nang puntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng upcoming afternoon soap drama na Paano Ba Ang Mangarap? sa Multi-National Village sa Parañaque City si Mark, mariin na nag-deny si Mark na may inamin siya na naging sila ni Rhian.

"Nagulat naman ako diyan sa balitang ‘yan," bungad sa amin ni Mark.

"May tumawag na nga sa akin tungkol diyan. Nagpapa-interview na rin ako para masabi ko na wala akong matandaan na may inamin ako na naging kami ni Rhian.

"Bakit ko naman sasabihin iyon? E, wala naman talaga kaming naging relasyon ni Rhian. Oo, at magkaibigan kami, pero hanggang doon lang. Wala kaming naging relasyon."

Sa pagkakaalam ni Mark ay may nagtanong sa kanya na isang reporter na kung totoo na nagkaroon sila ng relasyon ni Rhian at apat na buwan nga raw tinagal ng kanilang relasyon.

"Natatandaan ko na may nagtanong sa akin ng question na ‘yon. Pero hindi nanggaling sa akin ang sagot na, ‘Oo, naging kami ni Rhian for four months.' Wala akong sinagot na gano'n talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang alam kong sinagot ko ay naging close friends kami noong gawin namin ang I.T.A.L.Y. Yun ang time na nagkaroon kami ng magandang bonding sa isa't isa. Pero wala talaga kaming naging relasyon. Kung meron man, honest naman ako sa mga nakakarelasyon ko, e. Pero with Rhian, hindi naging kami."

Sa tanong nga na kung nag-attempt ba siya na manligaw kay Rhian noon, sagot ni Mark ay hindi raw.

"Noong mga time na ‘yon kasi, marami akong iniisip-isip na. Gusto ko na may ayusin ako sa buhay ko. Kaya hindi pumasok sa isip ko na ligawan si Rhian.

"Hindi naman sa hindi ko gusto si Rhian pero that time, parang gusto ko na wala akong karelasyon. Gusto kong maging single lang. From the start kasi ng pagpasok ko sa showbiz ay meron na akong girlfriend. Paiba-iba sila at alam naman ng lahat kung sino sila, di ba?

"Pero ngayon, mas gusto ko munang maging single. Yung wala munang attachment. Na-realize mo na mas masarap pala na wala ka munang iniisip na ibang tao. Mas marami kang time sa sarili mo at nagagawa mo ang mga gusto mo na wala kang iniisip na ibang tao, kung okey ba sa kanya or kung papayagan ka ba?

"Nakita n'yo naman since last year, wala akong naging girlfriend. As in wala talaga. Kung si Rhian naging girlfriend ko, inamin ko na siya noon pa sana. Bakit ko naman itatago pa iyon, di ba?"

Nakarating na rin kay Mark na itinanggi rin ni Rhian na nagkaroon sila ng four-month relationship. Na-relieve naman si Mark dahil nanggaling na rin kay Rhian na wala silang naging relasyon.

"Mabuti naman at si Rhian na ang nagsabi. I'm sure na gulat na gulat din siya sa balitang iyon. Nahihiya naman ako tuloy kay Rhian kasi baka isipin niya na nag-iimbento ako ng relasyon namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na rin kasi kami hindi nagkakausap ni Rhian. After kasi ng I.T.A.L.Y. ay pareho kaming naging sobrang busy. Huli kaming nagkasama pa ay noong debut niya last October 2008. Hindi na kami nagkakasama after that. Panay text messages na lang kami kasi alam ko na busy siya sa LaLola na kakasimula lang noon.

"Kaya gusto ko na ring mag-sorry kay Rhian sa anumang balita na nakarating sa kanya. Misunderstanding lang siguro ang lahat. Pero at least malinaw na ang lahat," pagtatapos pa ni Mark Herras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN