Kyla laughs off rumor that she's pregnant

IMAGE 0


"Kung meron man ganoong mangyayari, sasabihin ko naman, e. Bakit ko naman ililihim?" assures Kyla about the pregnancy rumor that started in Ricky Lo's blind item.


Last January 28, dumating na sa bansa ang RnB Princess na si Kyla mula sa isang series of shows sa Canada para sa GMA PinoyTV.

"Ang show ko po, isa po sa Toronto at isa rin po sa Calgary. Six days lang po akong nawala," natatawang sabi niya nang makapanayam ng Startalk sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pagkawala kasing yun ni Kyla, kung anu-ano na ang naglabasang isyu sa kanya. Nagsimula kasi yun sa isang blind item sa column ni Ricky Lo kunsaan, isang singer na wholesome ang image at sweet ang nagdadalang-tao, courtesy of her cager boyfriend. The descriptions narrow down to Kyla and her boyfriend Purefood Tender Juicy Giants small forward Rich Alvarez.

Nag-react agad si Kyla nang hingan ng pahayag hinggil sa palagay ng mga intrigero't intrigera na siya nga ang tinutukoy ng blind item ni Ricky Lo.

"Hindi po...there's no truth to that. Tinext ako ni Kuya Perry [Lansigan], very ano pa nga, very suspense pa nga yung text niya. Kasi, ‘Kyler... totoo ba?' ‘Tapos, nag-text back ako, ‘Ang alin?' Na hayun nga raw...

"Natawa na lang ako! Hindi ko naman ide-deny yun."

Ayon sa blind item, isang kapwa singer rin daw niya ang nagbalitang nagdadalang-tao si Kyla. May ideya ba siya kung sinuman yun?

"Wala akong masasabi kasi, wala naman akong ikukuwentong ganun na mga bagay-bagay. Haka-haka lang siguro ‘yan. Di ba, dati nga, sinabi nila na anak daw ako na nawawala? Yung mga ganoong bagay, saan naman nanggagaling yung mga ganyan?"

Kilalang conservative at wholesome ang image ng RnB singer. Ano nga ba ang reaction ng kanyang pamilya sa mga bagay na ito?

"Si Mommy, natawa lang din po siya...si Daddy, medyo na-shock siya noong una. Pero, I told him naman na no worry, hindi kailangang mag-worry. Kasi, I know myself at hindi naman kailangan. At hindi talaga! Hinding-hindi!" pagbibigay-diin pa nga niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkausap na ba sila ng kanyang boyfriend na si Rich tungkol sa isyung ito?

"Kanina ko lang siya nakausap, before akong umakyat ng plane. Sinabi rin niya. At yun, natatawa lang. Alam naman namin, di ba? Alam naman namin. Walang dapat sabihin.

"At saka, sabi niya, marami raw nag-text sa kanya. Siyempre, natatawa na lang din kami. Parang, paano? Ha-ha-ha! Kung meron man ganoong mangyayari, sasabihin ko naman, e. Bakit ko naman ililihim?

"Pero kung may ia-announce man po ako, mas gusto ko munang i-announce ang kasal because I would like to say that I believe in the sanctity of marriage."

Speaking of marriage, may balak na nga ba silang magpakasal ni Rich?

"Wala pa...wala pa. Don't worry, we will ano naman...at saka, I don't want to assume. I really don't want to assume. Right now, kami, steady lang kami. We're happy, ganyan...wala pa pong mga ganoong announcement."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN