Rainier Castillo keeps private the deeper reason for breakup with ex-gf Sheena Halili

IMAGE 0


"May dahilan naman kasi kung bakit naging gano'n kami. Pero mas malalim pa ang dahilan kung bakit kami naghiwalay that time. Hindi ko na lang ikukuwento kasi nirerespeto ko si Sheena. Para sa aming dalawa na lang ang bagay na ‘yon. Masyado kasing personal kaya gusto ko na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Alam naman yun ni Sheena, e. It's just between us na lang," says Rainier Castillo about his breakup with Sheena Halili.


Hindi nababakante sa trabaho si Rainier Castillo dahil since last year ay magkakasunod ang mga naging TV shows niya sa GMA-7, tulad ng Kamandag, Tasya Fantasya, at Codename: Asero. Ngayon ay kasama naman siya sa bagong GMA Sine Novela na Paano Ba Ang Mangarap?, kung saan bida ang mga ka-batch niya sa kauna-unahang StarStruck na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado. May participation din si Rainier sa Sunday afternoon drama series na Dear Friend.

Kung noon daw ay bihira siyang mabigyan ng TV project, ngayon ay halos wala nang time si Rainier na magpahinga dahil pagkatapos ng isang show ay kaagad siyang nabibigyan ng bagong show.

"Very thankful ako sa GMA-7 kasi talagang hindi nila ako pinababayaan," sabi ng kauna-unahang First Prince ng StarStruck. "Before, akala ko nakalimutan na nila ako kasi nga ang dami na naming mga artista sa GMA-7. Pero hinahanda lang pala nila ako para sa mga malaking projects.

"Inaamin ko noon na nainip ako at feeling ko na hindi na ako magkakaroon ng project. Pero biglang dumating yung projects na magkakasunod. Tulad nga ngayon, dalawa ang ginagawa ko [Dear Friend at Paano Ba Ang Mangarap?] kaya halos every day ay may taping ako."

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Kahit sobrang busy ngayon sa trabaho si Rainier, may panahon pa rin daw siya sa kanyang personal na buhay. Inamin ni Rainier na may non-showbiz girlfriend siya ngayon at paminsan-minsan ay naglalaan siya ng oras dito kapag hindi hectic ang kanyang schedule.

"Bago ko pa lang naman siyang girlfriend at naiintindihan naman niya ang trabaho ko," nakangiting sabi ni Rainier. "Alam naman niya na kailangan ko mag-work kaya hindi siyang masyadong demanding sa akin. Panay naman ang usap namin, e. Kapag breaktime namin, nagtatawagan kami. Kapag maaga ako matapos, bibisitahin ko naman siya.

Dagdag niya, "Basta kapag dating sa trabaho, alam niyang priority ko ‘yon at walang problema sa kanya ‘yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHEENA'S REVELATION. Nang tanungin namin si Rainier tungkol sa pagre-reveal ng kasabayan niya sa StarStruck noon na si Sheena Halili sa Showbiz Central tungkol sa biglaang pagtatapos ng relasyon nila, sinabi nito na hindi raw niya napanood ito at may nagkuwento lang sa kanya. (Click here to read related story.)

"Hindi ko napanood ang Showbiz Central no'n, e. Nasa taping ako that time. Pero may mga nagsabi naman sa akin. Okey naman yung mga sinabi ni Sheena, e. Wala namang masama," sabi ni Rainier.

Sinabi ni Sheena na kaya raw sila biglang naghiwalay ay dahil bigla na lang daw siyang hindi pinansin ni Rainier. Tila lumamig daw ang pakikitungo ni Rainier kay Sheena kaya doon na nagtapos ang relasyon nila.

"Sa sinabi na ‘yon ni Sheena, partly totoo ‘yon," pag-amin ni Rainier. "May dahilan naman kasi kung bakit naging gano'n kami. Pero mas malalim pa ang dahilan kung bakit kami naghiwalay that time. Hindi ko na lang ikukuwento kasi nirerespeto ko si Sheena. Para sa aming dalawa na lang ang bagay na ‘yon. Masyado kasing personal kaya gusto ko na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Alam naman yun ni Sheena, e. It's just between us na lang."

Pero nagpapasalamat si Rainier na bumabalik na ang pagiging magkaibigan nila ni Sheena. Nangyari raw ‘yon late last year nang subukan niyang batiin si Sheena at binati rin siyang pabalik nito.

"Before kasi, kapag binabati ko siya, parang wala siyang naririnig o nakikita. Minsan naman, itataas lang niya ang mga kilay niya, pero hindi nakangiti. Pero ngayon, nababanggit na niya ang pangalan ko at may beso-beso na!" sabay ngiti ni Rainier.

Dugtong niya, "Matagal ko naman nang gustong maging maayos kami ni Sheena. I felt bad nga noong sumama ang loob niya sa akin. Matagal kong dinala ‘yon. Ilang taon din ‘yon. Ayoko kasi na may taong masama ang loob sa akin. Kaya ako na ang gumagawa ng paraan para magkaayos kami. Medyo natagalan lang, pero at least now, alam ko na okey na kami. Puwede na kaming magkuwentuhan at magbiruan tulad ng dati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY FOR SHEENA. Masaya rin si Rainier sa nangyayari sa career ngayon ni Sheena. Sunud-sunod din daw ang trabaho nito at nakikita niyang paganda nang paganda ngayon ang dating girlfriend.

"Malaki na ang naging improvement ni Sheena sa sarili niya. Malakas na ang dating niya ngayon at hindi na siya mahiyain tulad dati. Very talented naman talaga si Sheena, e. Marunong kumanta, sumayaw, at umarte. Komedyante ‘yan in real life kaya bagay sa kanya ang mga role na ibinibigay sa kanya. Mabuti naman at nabibigyan na siya ng break ngayon at nasabi ko naman na sa kanya na masayang-masaya ako para sa mga nangyayari sa kanya ngayon."

Since walang boyfriend si Sheena ngayon, kung sakaling walang girlfriend ngayon si Rainier, naisip ba niyang ligawan ulit si Sheena?

"Mas gusto kong maging magkaibigan ulit kami," sabi ni Rainier. "Doon naman kami nagsimula noong StarStruck, e. Good friends kami talaga. Gusto kong mabalik ‘yon more than anything. 'Tsaka ang alam ko, marami ang nanliligaw kay Sheena ngayon. Mas okey na siguro na maging good friends na lang kami ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN