Sunshine Dizon excited about her new luxury van

by Rose Garcia
Feb 2, 2009
"Expensive kung expensive. Pero kung wala kang pera, lahat naman expensive, di ba? Thankfully, meron naman tayong pambayad, so puwede na rin!" says Sunshine Dizon.

Nahuli ng Showbiz Central ang aktres na si Sunshine Dizon habang nakasakay sa bagong luxury car niya—a Starex van na limousine style—na binili niya a few weeks ago. Ayon kay Sunshine, nagkakahalaga ang naturang sasakyan ng 2.6 million pesos.

Ayon kay Sunshine, sa kanyang palagay ay siya pa lang ang merong ganitong klaseng sasakyan sa Pilipinas.

Sa ngayon, by order basis pa raw ang production ng bagong van ni Sunshine.

"It's a love at first sight. Noong ipinakita nila sa akin, gusto ko na siyang bilhin agad-agad. As in, agad-agad, promise!" natatawang pag-amin niya.

Masaya raw siya sa bagong acquire niyang luxury van.

"Oo naman, excited ako. Kahit naman yata sinong tao, kapag ikaw yung first to have one in your country or anywhere in the world, excited ka. Parang proud ka, di ba? Nakakatuwa rin kasi parang nai-share ko sa mga tao yung excitement ko."

Aminado naman si Sunshine na very expensive ang bago niyang sasakyan.

Continue reading below ↓

"Expensive kung expensive. Pero kung wala kang pera, lahat naman expensive, di ba? Thankfully, meron naman tayong pambayad, so puwede na rin!" natatawa niya pa ring sabi.

Yun nga lang, mukhang hindi pa raw yun ang todo para kay Sunshine. Umamin itong plano pa niyang bumili ng mas bongga pang car in the near future.

"Kung kaya ng budget pa, I really want to buy a sports car. Siyempre, nangangarap ka rin because you want to drive a Porsche or a Jaguar. If you can afford it, why not?

"Well, life is short, live it to the fullest, di ba? For the moment na meron kang pambili ng magandang kotse, puwes, bumili ka ng magandang kotse. Ganoon lang yun," saad ni Sunshine.

Read Next
Read More Stories About
Sunshine Dizon
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Expensive kung expensive. Pero kung wala kang pera, lahat naman expensive, di ba? Thankfully, meron naman tayong pambayad, so puwede na rin!" says Sunshine Dizon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results