Dingdong Dantes calls Marian Rivera "Yummy" and she calls him "Daddy"

IMAGE 0


"After Marimar, hindi ko rin ine-expect na magkakasama kami sa Dyesebel. Then, akala ko, yun na rin ang last namin. But again, ipinagkaloob sa amin ang show na ito. And in between those shows, I get across people na nagtatanong sa akin, ‘Sino gusto mong maging partner sa susunod?' Siyempre, I would always say, ‘Gusto ko si Marian pa rin,'" says Dingdong Dantes about his team-up with Marian Rivera.


Magkatalikod sina Dingdong Dantes at Marian Rivera habang nakapaligid sa kanila ang limang hosts ng Showbiz Central na sina Pia Guanio, Raymond Gutierrez, Mo Twister, Rufa Mae Quinto, at John "Sweet" Lapus para sa segment na "Intriga Crossfire" kahapon, February 1.

Grabe ang tilian at hiyawan ng mga fans sa studio ng Showbiz Central. Natatawang sabi ni Pia na since they promised a back-to-back interview with Marian and Dingdong, magkatalikod nga ang lead stars ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Si Raymond ang unang nagbato ng tanong kay Dingdong. Was there ever a time that you had to say sorry to Marian and for what?

"Yes, of course, of course... Siguro maybe just recently. May times lang na in a scene, kapag hindi nagagawa ng tama. Siyempre, it's a very difficult scene, an emotional scene, so yun. Kapag nawawala ako tapos si Marian, she's so with it already, siyempre nagso-sorry ako sa kanya. Kasi ayoko nang patagalin pa."

Si Sweet naman ang sumunod na nagtanong kay Marian. Sa prangkahang salita, pinagpantasyahan na ba ni Marian si Dingdong?

"Natawa raw ako!" sabi ni Marian, sabay sabing, Siyempre naman!"

So, ano ang pinagpapantasyahan mo?

"Yung buong pagkatao niya," safe na sagot ni Marian.

Lalong nagtilian ang fans sa audience sa tanong ni Mo Twister. Nakita raw kasi niyang pumasok sa dressing room si Marian, followed by Dingdong. Narinig daw niyang tinawag ni Dingdong si Marian ng "Yummy" at si Marian naman, ang tawag kay Dingdong ay "Daddy."

Napakamot na lang sa batok si Dingdong na nangingiti. Si Marian naman ay dalawang beses siniko si Dong habang tawa nang tawa. So, Mo asked, ano ba ang ibig sabihin ng "Yummy" at "Daddy"?

"Sa akin natapat, so dapat ako ang sumagot, di ba?" buwelo ni Dingdong. "Yung Yummy kasi, di ba, YanYan yung nickname niya? Minsan, we play a game with each other's names, like Yan, Yum... Yung Daddy naman, sounds like DD [Dingdong Dantes].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit ano naman, wala namang ipinagbabawal na pangalan as long as okey sa kanya. Halimbawa, ‘Can I call you this?' As long as okay sa kanya at hindi naman pangit sa kanya," tila palusot ni Dingdong.

Si Pia naman ang diretsong nagtanong na kay Marian tungkol sa sinabi ng direktor nila sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na si Joyce Bernal. Sabi kasi ni Direk Joyce kina Dingdong at Marian: "Umamin na kasi kayo!" Ano ba ang ibig sabihin ni Direk Joyce dun?

"Hindi... Kasi si Direk talaga, palaging nagbibiro ‘yan, palaging nang-aasar sa amin. Kahit na noong dati pa sa Marimar, ‘Uy, bagay kayo! Uy, ganito!' So, hindi ako magtataka kung bakit sinasabi niyang ganyan. Talagang nang-aasar ka, Direk!" sabi ni Marian.

Pero nag-follow-up question si Rufa Mae kay Dingdong kung joke lang ba talaga yung sinabi ni Direk Joyce. At, sila na ba talaga?

Ani Dingdong, "Alam mo, hindi ko ipagkakaila kung anuman ang meron kami ngayon. At kung anuman yun, I'd like to keep it that way. Pero siyempre, lumalabas kami, oo naman."

Si Raymond naman ang sumunod na nagtanong kay Marian. Alam daw niyang marami nang pinagdaanan sina Dingdong at Marian. Pero ano yung controversy na pinakamahirap at paano nila tinulungan ang isa't isa?

"Hindi ko na sasabihin kung ano yung pinaka, pero itong last year, talagang sunud-sunod siya, e. So, ang maganda, nagtutulungan kaming dalawa. At doon ako bumilib kay Dingdong, never niya akong binitawan," sagot ni Marian.

How does he help you?

"As in, parang ‘Yan, okey lang ‘yan. Yan, matatapos din ‘yan. At ‘Yan, mag-pray na lang tayo. Mag-church tayo.' Doon ako bumilib sa kanya at dahil sa kanya, mas lalo akong tumapang."

Tanong naman ni Sweet kay Dingdong, balita na ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na ang huling pagsasamahan nilang dalawa ni Marian. Pero sa kanilang dalawa, si Dingdong daw talaga ang nagsasabi na si Marian pa rin ang gusto niyang maka-love team. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After Marimar, hindi ko rin ine-expect na magkakasama kami sa Dyesebel," sabi ni Dingdong. "Then, akala ko, yun na rin ang last namin. But again, ipinagkaloob sa amin ang show na ito. And in between those shows, I [come] across people na nagtatanong sa akin, ‘Sino gusto mong maging partner sa susunod?' Siyempre, I would always say, ‘Gusto ko si Marian pa rin.'

"Pero siyempre, yung final decision ay hindi naman manggagaling sa amin. Kung tinanong lang naman nila, probably yung narinig mo ay isa sa taong nagtanong sa akin noong panahong yun," saad ng aktor.

If ever na bigyan ka ng ibang partner, okey lang sa ‘yo?

"Oo naman," sagot ni Dingdong. "Alam ko naman na darating din ang panahon na magkakaroon kami ng ibang ka-partner. Kaya nga we're making the most of our projects. Whether it's last or hindi."

Tanong naman ni Mo kay Marian, siyempre may kissing scenes sila sa mga project na pinagsasamahan nila. But has she ever kissed Dingdong na hindi scripted, hindi shooting, or hindi sinabi ng isang tao? Nakapag-lips to lips na ba kayo?

"Parang siya ang gustong sumagot, a!" sabi ni Marian kay Dingdong. "Hindi...ganito lang ‘yan, e. Kasi si Direk Joyce, ayaw niya na lahat dinedetalye niya. Kung ano yung emosyon na kailangan sa eksena, kailangan ibigay mo yun. So, kailangan makita ni Direk yun. So, may mga eksena talaga na hindi nasasabi, nagagawa."

So, parang desisyon n'yo ‘yan?

"Yes, kasi depende ‘yan sa emotion na ipinapasa n'yo sa isa't isa," paliwanag ni Marian.

"E, nagpa-practice daw kayo!" sundot naman ni Sweet.

"Hindi! Hindi totoo yun! Hindi naman kailangang mag-practice," tanggi ni Dingdong.

Si Rufa Mae ang sumunod na nagtanong. Ang tanong niya ay tungkol sa regalo ni Marian kay Dingdong na mamahaling relo (Omega).

Ani Marian, "Oo, totoo ‘yan... Sige na, magsasalita na ako kasi nakakaaawa na si Dingdong, e. Sabi n'yo kasi palaging picture frame ang ibinibigay ni Dingdong sa akin. Naaawa na ako! Pero ang talagang ibinigay niya sa akin, itong suot ko!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, Sweet asked, yung singsing ba o yung bracelet?

"Itong bracelet. E, kasi, puro picture frame na lang ang sinasabi niya. Pero, sasabihin ko na talaga ang totoo, ito talaga. Although, may picture frame talaga at saka ito."

Tanong naman ni Pia, ano naman ang sinabi ni Dingdong noong ibinigay niya ang bracelet kay Marian?

"Akin na lang yun," sagot ni Marian. "Pero noong ibinigay niya ‘to, may sinabi siya noong ibinigay niya sa akin at naiyak ako."

Pati ang mga host ay na-excite sa sinabi ni Marian kaya ipinakuwento nila kay Dingdong kung ano ang sinabi niya na ikinaiyak ni Marian?

Pero bago pa man makasagot si Dingdong, tinakpan na ni Marian ang bibig ni Dingdong at sabay sabi ng "Wala, wala!"

Obviously, hindi rin naipagtapat ni Dingdong kung ano ang totoong sinabi niya. Instead, nakangiti nitong sinabi na "Merry Christmas" daw ang sabi niya kay Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN