Yasmien Kurdi hosts belated birthday party with her closest friends in showbiz

IMAGE 0


Yasmien Kurdi celebrated the actual day of her birthday with the orphans of TOPS, Inc. (Tahanan Outreach Projects and Services, Inc.) in Sta. Ana last January 25. Last night, February 1, she hosted an intimate party with her closest friends in showbiz at The World Music Room KTV in San Juan City.


Kagabi, February 1, nagkaroon ng isang maliit na party si Yasmien Kurdi for her showbiz friends na gusto pa ring i-celebrate ang birthday niya.

Isang simpleng party lang na very intimate ang party ni Yas na ginanap sa Room 19 ng World Music Room KTV sa Greenhills, San Juan City.

"Mga totoong friends ko lang in showbiz ang inimbitahan ko. Sobrang piling-pili lang," ani Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na naroon din nung gabing iyon.

"Rush talaga ‘to. Si Direk Maryo J. delos Reyes talaga ang may pakana nito, saka si Tita Lani [Mercado]. E, kaso si Tita Lani ayaw paalisin ni Tito Bong [Revilla] ngayon. Kaya nga nandiyan na lang sina Jolo [Revilla] at Lovi [Poe]."

Ang iba pang showbiz friends ni Yas na dumating sa party ay sina Say Alonzo, Uma Khouny, Dion Ignacio, Vaness del Moral, Rey Talosig, Alessandra de Rossi, Tim Yap, Marco Alcaraz, at Paolo Paraiso. Dumating din kalaliman ng gabi ang may pakana talaga ng party na si Direk Maryo J. delos Reyes kasama ang aktor at Manila councilor na si Yul Servo.

Nung actual birthday niya kasi, January 25, imbes na makipag-party with friends ay pumunta si Yasmien together with her fans sa Tahanan Outreach Projects and Services, Inc. (TOPS, Inc.). Doon, nakipag-party si Yasmien sa mga batang ulila, lalo na doon sa mga batang ipinanganak din ng January. In-entertain at namudmod ng gifts si Yasmien sa party (click here to see photos ).

Ani Yas, naisipan daw ito ng mga fans niya at fans din ng namayapang si Marky Cielo. Isa raw kasi ang TOPS sa mga madalas puntahang charity institutions ni Marky.

Dagdag pa ni Yasmien, bago raw namatay si Marky, hilig daw talaga nito ang pumunta sa mga institusyong nangangalaga sa mga kapus-palad, may karamdaman at mga naulila.

"Bago po namatay si Boknoi [Marky's pet name], pumunta pa kami nina Say Alonzo, Chariz Solomon, Gloc 9, Mart [Escudero] and Jennica [Garcia], at Jan [Manual] sa V. Luna Hospital para kantahan ang mga cancer patients na kids din. And nung last year din, nagpunta ako sa Binondo, sa Delpan [Tundo] para magturo ng reading sa mga street children," kuwento ni Yas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Every year naman po, I go to different orphanages or sa Golden Acres [ home for the elderly]. Di kasi ako makuwento, at kung talagang nasa puso ang pagtulong, di mo na po kailangang ipangalandakan pa."

Pero kung mayroong gustung-gusto talagang tulungan ni Yasmien, ito ay ang mga biktima ng nakaraang gulo sa Gaza, Palestine. "Super kawawa talaga ang kalagayan nila. Yung mga kids. Sana makatulong ako ng kahit konti. Kaya ipinagkakalat ko po na kahit sa prayers, sana makatulong tayo."

Ano naman ang feeling niya ngayong 20 na siya?

"Feeling ko, feeling-18," nakatawang sagot ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN