Sarah Geronimo is more comfortable now with Rayver Cruz

IMAGE 0


"Siguro po, ang masasabi ko na lang, mas comfortable na kami sa isa't isa. Kung noon ay hindi ako makatingin nang diretso sa kanya kapag nakikita ko siya sa corridor ng studio ng ASAP '09, dahil nga iniintriga kami, ngayon po, natitingnan ko na siya nang diretso. Nagkakabiruan na rin kami at minsan nahahampas ko pa siya kapag masaya kaming nagkakakuwentuhan," says Sarah Geronimo about Rayver Cruz.


Naka-makeup ang Pop Princess na si Sarah Geronimo nang dumating siya sa contract signing cum presscon niya as the new endorser of Careline cosmetics ng Ever Bilena last Friday, January 30, sa Annabel's restaurant on Tomas Morato, Quezon City. Biro tuloy sa kanya, mukhang may pinagpapagandahan na siya. Pero tumawa lang si Sarah.

Pagdating niya mula sa shooting ng pelikulang You Changed My Life, ang sequel ng first movie team-up nila ni John Lloyd Cruz na A Very Special Love, sinimulan agad ang contract signing at nag-open forum hosted by Careline brand manager Mark Salecina.

Ayon kay Mr. Dioceldo Sy, CEO and owner of Ever Bilena, nagpapasalamat sila kay Mr. Vic del Rosario ng Viva Entertainment dahil hindi sila nahirapang kausapin ito para maging bagong endorser nila si Sarah.

Nilinaw ng Careline na hindi pinalitan ni Sarah si Toni Gonzaga, na siyang unang celebrity endorser nila. Sa August 2009 pa raw matatapos ang kontrata ni Toni sa kanila.

Nakangiti lang si Sarah habang tinatanong ang beauty consultant ng Careline na si Khristine kung mas malaki ba ang talent fee ng Pop Princess kesa kay Toni. Hindi tumanggi si Khristine na mas mahal ang talent fee ni Sarah dahil kinunsidera nila ang mga nag-hit nitong movie at recordings and they are hoping na gagamitin din ng fans ni Sarah ang mga produktong ini-endorse nito.

Pagkatapos ng open forum, nagparinig ng dalawang kanta si Sarah, kabilang na ang theme song ng ginagawa niyang movie, "You Changed My Life."

CLOSER WITH RAYVER. Sumunod ang personal questions kay Sarah tungkol sa kanyang love life. Napapalapit na nga ba sa kanya si Rayver Cruz, kahit si John Lloyd ang katambal niya sa ginagawa nilang pelikula?

"Natutuwa po ako kay Rayver. Kasama po namin siya ni John Lloyd sa second movie namin. Maganda po ang relationship naming lahat sa set, masaya kami," paiwas na sagot ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang kinikilig siya kapag tinutukso siya kay Rayver sa set ng pelikula nila?

"Opo naman," pag-amin ni Sarah. "Mabuti po na kinikilig ako dahil kung hindi, baka po may mali na sa akin. Kahit po si Mommy, tingin ko kinikilig din siya, itinatago lang niya!"

Pabor ba kung gayon si Mommy Divine kay Rayver?

"Hindi naman po sa ganoon. Pero sa palagay ko, naiintindihan ni Mommy kung ano ang pinagdaraanan ko ngayon na sa edad ko. I'm growing up na rin. Basta hindi po siya nakakalimot na magpaalaala sa akin na studies ko muna and my career ang dapat kong bigyan ng time. Okey lang po sa kanya kung mag-text ako at tumanggap ng text messages, pero dapat may limitations pa rin," saad ni Sarah.

So, kung may chance si Rayver na mapalapit sa kanya, okey lang sa kanya ‘yon?

Aniya, "Wala naman po sigurong masama kung makilala namin ang isa't isa, lalo na po at magkasama rin kami sa ASAP '09. Hindi naman po ibig sabihin no'n, magiging boyfriend ko na siya. Ako po kasi, kung magkakaroon ako ng boyfriend, gusto ko siya na lang. Ayoko po ng maraming pagdaanang relasyon, ayoko ng paiba-ibang boyfriend.

"Siguro po, ang masasabi ko na lang, mas comfortable na kami sa isa't isa. Kung noon ay hindi ako makatingin nang diretso sa kanya kapag nakikita ko siya sa corridor ng studio ng ASAP '09, dahil nga iniintriga kami, ngayon po, natitingnan ko na siya nang diretso. Nagkakabiruan na rin kami at minsan nahahampas ko pa siya kapag masaya kaming nagkakakuwentuhan.

"Si Rayver po kasi," patuloy ni Sarah, "mahiyain din. Makulit lang siya sa text. Pero pag magkaharap na kami sa set ng movie namin, nahihiya siya at parang umiiwas sa akin. Siguro po, mawawala rin ang hiya niya."

TORN BETWEEN TWO LEADING MEN. Ano ang feeling niya ngayon na sa You Changed My Life, parang pinag-aagawan siya nina John Lloyd at Rayver? Feeling ba niya, humahaba ang kanyang buhok?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilang character ko sa movie, siyempre po, feeling ko talaga mahaba ang hair ko. Biro ko nga kay Direk Cathy [Garcia-Molina], puwede bang isa pa?" napahalakhak si Sarah.

Kung siya ang papipiliin, sino ang mas gusto niya kina John Lloyd at Rayver?

"Naku, hindi na po puwede si Lloydie dahil may girlfriend na siya," nakangiting sagot ni Sarah. "Ayaw ko pong mang-agaw ng boyfriend. Mas maganda na itong mas friends na kami ngayon sa second movie namin kesa noong una. Panoorin po ninyo, mas nakakakilig ang mga eksena namin dito."

Paano kung yayain siya ni Rayver na mag-date sila sa Valentine's Day? Sasama ba siya?

"Okey lang po sa akin kung yayain niya akong mag-Valentine date kami," sagot niya. "Ano po ba ang ginagawa sa date, di ba, kumakain lang sila? Pero siyempre, papayag lang ako kung may chaperone ako at saka magpapaalam din muna ako sa parents ko."

Kung hindi siya payagan o kung papayagan siya, dapat ba ay kasama ang mommy niya?

"Kung hindi po nila ako papayagan, maiintindihan ko po ‘yon. Kung papayag po si Mommy, pero dapat kasama siya. Okey din po sa akin ‘yon, siya po ang chaperone ko," bungisngis ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN