Luis Manzano on girlfriend Angel Locsin: "She has all the makings of a perfect wife."

IMAGE 0


"You know, the future has so much in store for the both of us. Pero siguro, it's safe to say na ayokong sayangin ang oras niya. At higit sa lahat, ayokong sayangin ang oras ko. So, whatever we're in, siguro I'm hoping na it's for the long run na rin," says Luis Manzano about Angel Locsin.


Matapang na hinarap ni Luis Manzano sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, February 1, ang sampung matitinding tanong ng host na si Boy Abunda para sa "The Buzz Tough Ten."

Pinuna muna ni Boy ang magandang aura at kaguwapuhan ni Luis at tinanong kung meron bang nagpapaguwapo sa kanya.

"Mommy ko [Vilma Santos] ang nagsabi na merong nagpapasaya sa akin, kaya in her own words ay blooming daw ako," nangingiting wika ni Luis.

Pinag-promote muna ni Boy si Luis ng pinagbibidahan nitong bagong palabas sa ABS-CBN, ang Komiks Presents Flash Bomba, pati na rin ang inaabangang Star Cinema movie na pagsasamahan nila ng kanyang mommy along with John Lloyd Cruz. Pagkatapos ay sinimulan na ang matitinding tanungan.

Tough Ten Question No. 10: When you were a young boy, ano ang isang hindi mo malilimutang karanasan na kasama mo ang nanay at tatay mo (Edu Manzano)?

"It would have to be anything na may kinalaman sa school, yung mga intramurals, yung mga basketball games. Pumupunta sila kahit na ano pa ang kailangan nilang gawin sa araw na 'yon. Panonoorin nila ako at susuportahan."

Tough Ten Question No. 9: Noong bata ka pa, did you wish na magkabalikan ang nanay at tatay mo?

"Noong bata pa ako... Siguro we always have that initial thought na doon ako nabuo. Pero after a while, nakikita ko kung gaano sila kasaya sa respective lives nila, sa kanilang mga relevant someones. You know, my mom got married, and my dad too. Yun ang tinahak nilang mga landas. And I can see na napakasaya nila. And I love the fact that they are happy even if they chose to be separated."

Noong bata ka pa, was there a time that you were bothered kapag tinatawag ka ng mga tao na "Lucky"?

"Sinabi ko na sa presscon na once and for all, I was never annoyed. Never akong nairita. Tawagin mo akong Luis, titingin ako. Tawagin mo akong Lucky, titingin pa rin ako. It's still my name. It's still the name na ginamit ng Mommy ko na panglambing sa akin. So, bakit ako maiirita sa pagmamahal na 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Every time na mag-e-end yung kanyang show (Vilma!), your Mom always said, 'I love you, Lucky!'

"Yes, and never akong nainis. Naglalambing ang mommy mo and she tells to everybody how much she loves you. Sino ba naman ang maiinis sa ganun, di ba?"

Tough Ten Question No. 8: Sa kuwento ng puso... sa kuwento ng pag-ibig, meron ka bang nais i-edit?

"I-edit... siguro wala. Kung anuman yung napagdaanan ng puso ko, ng pagkatao ko, for the past 27 years, whether it be ngiti or luha, siguro hindi ako yung nakaupo ngayon dito kung hindi ko napagdaanan yun. Bahagi 'yan ng pagkatao ko."

Tough Ten Question No. 7: Sa lahat ng mga niligawan mo dito sa showbiz, kanino ka pinaka-nahirapan? Name names ito.

"Not even name names. Siguro one particular name comes to mind—definitely Toni Gonzaga. Yung lokohan namin ni Toni, sabi ko, 'I'm 27, three years kitang niligawan. Kung hindi ka dumating, siguro 24 pa rin ako hanggang ngayon.' Yun ang lokohan namin. Pero yung relationship namin evolved into one of the best friendships. So, we're very, very happy."

Can you tell me why it was difficult?

"I guess sa kanya dapat [itanong 'yan]. Because I was there naman. I offered my heart. Siguro it was not meant to be. I can't blame her in any way. Nagkataon lang siguro, we were never meant to be."

Tough Ten Question No. 6: Kailan ka huling umiyak dahil sa pag-ibig at sino ang dahilan?

"Wow, umiyak sa pag-ibig! Siguro almost four years ago, it has to be siguro si Anne [Curtis]. Yung huling iyak ko ng pag-ibig, it would have to be Anne."

Bakit?

"Basta sa tingin ko, four or five years, may pinagdaanan kaming dalawa. Although alam natin na we had a colorful history. Actually, yung huling iyak sa pag-ibig, it was a long time ago and dahil 'yon kay Ms. Anne Curtis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tough Ten Question No. 5: This one is answerable by a yes or no. Seloso ka ba?

"Yes. But hindi ako seloso na nang-aaway o yung hindi ko naiintindihan ang mga bagay-bagay. I can understand a situation. For example, never akong nagselos sa mga kaeksena ng relevant people ko. At yung selos ko, gusto ko lang lambingin mo ako. Never akong nang-away dahil sa selos."

Kapag naseselos ka, ikaw ba yung tahimik lang or what?

"Tahimik na medyo may punchlines siguro. Pero in other words, ang hinihingi ko lang is lambingin mo ako at tatahimik na ako."

Tough Ten Question No. 4: May connection itong susunod na tanong. Luis, balikan natin yung ASAP '09, nakita namin na umiyak si Angel Locsin. Ang nasa isipan ng mga tao ay ito: pinagselosan mo ba si Piolo Pascual, yes or no?

"No! Very, very firm no!" diin ni Luis. "Never akong nagselos kay Peej [Piolo]. Alam ko kung ano ang napapanood ng mga tao ay trabaho nila yun. I would like to think na maganda ang pagpapalaki sa akin at hindi ganun kakitid ang utak ko. Even my mom, my dad, nakikita ko on TV. Every movie, iba ang partner nila. Yet never kong tiningnan yun in a different light. I believe na kung ano ang nakikita kay Piolo at Angel ay trabaho lang. And I completely trust Piolo. I completely trust Angel."

And you would like Angel to think as an actor in the same way that you look to her as an actress.

"Definitely. And even the fact that John Lloyd [Cruz] and I would be playing in a gay movie. What I mean is you have to respect kung anuman yung trabaho ng iyong relevant someone. Ang importante, yung pinag-uusapan."

Tough Ten Question No. 3: 1 to 10, 10 being the highest, 10 being the happiest: Gaano ka kasaya sa piling ni Angel Locsin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ika nga ng isang artistang nagngangalang Angel Locsin, 10!" madiing sagot ni Luis, na ikinatili ng mga tao sa studio.

Matatandaan kasi na unang na-interview si Angel, bago pa ang nangyaring tampuhan sa dalawa, ang sagot ni Angel sa same question is also a perfect 10 para sa kanyang happy love life.

Tough Ten Question No. 2: Angel, kung nanonood ka, you should not be hearing this question. Not talking about Angel, hypothetical lamang ito, kung meron kang babaeng babalikan sa iyong nakaraan, sino ito at bakit?

"Babalikan, in what sense?"

Babalikan romantically, babalikan at mamahalin, kunwari na wala lamang si Angel. This is really hypothetical.

"Siguro, it boils down again, Tito Boy, yung sinabi natin kanina. Kung anuman yung pinagdaanan ko, as much as possible, I try to live life with no regrets. Life is too short. So, kung ano yung nakikita mo sa akin ngayon, ito na yung what evolved. Kumbaga, I'm perfectly happy sa mga napagdaanan ko. And it goes to show na I have a very good outlook now. So, wala na siguro akong kailangang balikan pa."

Tough Ten Question No. 1: Diretsahang tanong, puso sa puso, yes or no—si Angel ba ang babaeng pakakasalan mo na?

"I hope so. Hindi ako magpapaka-showbiz na sasabihin kong 'yes'. You know, the future has so much in store for the both of us. Pero siguro, it's safe to say na ayokong sayangin ang oras niya. At higit sa lahat, ayokong sayangin ang oras ko. So, whatever we're in, siguro I'm hoping na it's for the long run na rin," sagot ni Luis na talaga namang ikinatili at ikinakilig ng mga audience.

I respect that. Sana ay siya na nga.

"Yeah, we hope so na it's not just a fairy tale."

Life is definitely not a fairy tale. Pero halimbawa lang na ang "I hope so" is not part of the choices, it's just a 'yes' or 'no', si Angel na ba ang pakakasalan mong babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes! She has all the makings of a perfect wife. Kitang-kita how much... how loving she is sa kanyang pamilya. I'm sure it would extend sa magiging pamilya niya," sagot ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN