Driver's wife jailed for stealing $89,000 from Pacquiao in U.S.

IMAGE 0


The Filipino boxing champ replied "no comment" when asked about the US$89,000 that was stolen from his bank account by his driver's wife in Los Angeles.


Noong nakaraang Huwebes, January 29, ay nag-plead ng "not guilty" ang misis ng driver ni Manny Pacquiao na inaakusahang nagnakaw ng pera ng Pambansang Kamao. Hinuli ng Los Angeles Police Department (LAPD) Commercial Crime Division ang 27-year-old suspect "for grand theft and 32 counts of forgery."

Ayon sa report, US$89,383.49 or 4.3 million pesos ang kinuha nila sa bank account ni Manny na naka-deposito sa isang bangko sa U.S. Bukod sa asawa ng driver ni Manny, suspect din ang mismong driver ng boxing champ.

Ayon sa Los Angeles County district attorney's office, nagpatulong daw si Manny sa misis ng kanyang driver na mag-withdraw ng pera dahil hindi raw kabisado ng boksingero ang banking system ng U.S. Pero nag-withdraw raw ang misis ng driver ni Manny ng 4.3 million sa pamamagitan diumano ng pagpeke sa pirma ni Pacman sa 32 checks mula pa noong January 2007.

Inaresto ang misis ng driver ni Manny noong January 23 at na-arraign noong January 25. Nakakulong ngayon ang babae hangga't hindi nakakapag-bail ng halaganag US$90,000. Nakatakda siyang humarap sa Los Angeles court bukas, February 4.

Si Manny ay ninong ng isa sa apat na anak ng driver niya at ng misis nito.

Sa pangyayaring ito, ano ba ang masasabi ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao?

"No comment," ang maagap na sagot ni Manny nang makapanayam ng Showbiz Central sa isyu.

"Huwag na nating pag-usapan yung nagnakaw," sabi naman ni Jinkee.

Ayaw man pag-usapan ng mag-asawa ang nangyari, inilarawan na lang ni Jinkee yung suspect na nagnakaw raw sa kanila.

"Pinoy! Hindi ko siya kasama sa bahay at saka hindi ko rin siya kaibigan. Naligaw lang siya!" natatawang sabi ng misis ni Manny.

Masasabing kontrobersiyal daw ang isyung yun, although mukhang hindi naman daw nagkaroon ng anumang financial blow sa mag-asawa. In fact, may isyu pang ipinasara raw ni Jinkee ang isang sikat na boutique sa U.S. kung saan siya ay nag-shopping. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobra naman yun!" natatawang sabi ni Jinkee. "Noong pumunta kami run, sarado na. Parang nakiusap lang kami na papasok kami at may bibilhin kami kaya pinapasok kami. Pero hindi totoo yung pinasara."

Malaking problema man daw ang kinakaharap ng mag-asawa dahil sa pagnanakaw, ang pinagtutuunan pa rin nila ng pansin ay ang binyag ng kanilang bunsong anak na si Queen Elizabeth.

Ayon kay Jinkee, "Wala pa kaming final na date kung kailan ang binyag. Siguro, bago umalis si Manny papuntang States, papabinyagan na namin. Pero wala pang date kung kailan."

Isa raw kasi sa pinaghahandaan ni Manny ngayon ay ang laban niya kay Ricky Hatton sa May 2.

"Excited!" sambit ni Manny. "Kinu-consider ko nga itong...mahirap, magaling din si Hatton. Kailangan paghandaan ng maganda. Kailangan mahaba ang preparation natin para hindi tayo kapusin pagdating sa fight."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN