Phillip Salvador settles rift with bus driver; faces another issue

IMAGE 0


"May pinanggalingan. It's clearly because kasama ko ang pamilya ko. Inaamin ko, nasuntok ko siya, inaamin ko naman yun, e. Pero hindi ko siya binugbog. Mali yung nagawa ko kasi nilagay ko sa kamay ko ang batas," says Phillip Salvador about confronting a bus driver.


Inilahad ng aktor na si Phillip Salvador sa Showbiz Central noong Linggo, February 1, ang kanyang panig sa kinasangkutang aksidente kung saan nabalitang "sinapak" niya ang driver ng bus na nakabangga sa kanyang sasakyan.

"Umaandar kami ng ganoon, e, ako ang tinamaan ng bus niya nang bigla siyang kumabig. Pagkabig niyang ganoon, tumama sa side mirror ko. Sumigaw si Emma [Ledesma, Phillip's wife] at buti wala akong tinamaan, kotse or tao, wala akong tinamaan," lahad ng aktor.

Base naman sa salaysay ng bus driver na si Michael Baino sa Showbiz Central, "Pagbaba po niya [Phillip], sabi ko, 'Sorry po, Sir.' Kaso, pagbaba po niya, e, tumalon po siya sa bintana, sinuntok ako. Umilag ako. Tapos, bumaba na po siya sa kotse at minura ako. Sabi niya, 'Papatayin mo 'ko!' Tapos yun nga, binugbog niya ako [sabay turo sa may bandang batok niya], tapos sa ulo ko. Tapos, tinadyakan pa ang likod ko."

But according to Phillip, his action was not motivated by mere anger kundi sa nais na maipagtanggol ang kanyang pamilya.

"May pinanggalingan," sabi niya. "It's clearly because kasama ko ang pamilya ko. Inaamin ko, nasuntok ko siya, inaamin ko naman yun, e. Pero hindi ko siya binugbog. Mali yung nagawa ko kasi nilagay ko sa kamay ko ang batas."

Gayunpaman, nagkasundo na si Phillip at ang bus driver para hindi na lumaki pa ang gulong ito.

Ani Phillip, "As a matter of fact, magpa-file kami ng demanda. Pero sabi ni Hepe, 'Baka puwedeng pag-usapin ko kayo ng driver, kasi nakausap ko yung driver.' Parang ayaw na niyang ituloy ang demanda niya. So, nagkausap kami [ng driver]. Sabi niya, 'Sir, patawarin n'yo po ako, Sir, ayoko naman pong talaga, e.'"

12 YEARS IMPRISONMENT? Pero yun nga lang, mukhang hindi pa tapos ang trouble ni Phillip. Kailan lang ay may lumabas na balitang nasentensiyahan na raw ang aktor ng Court of Appeals ng guilty sa kasong estafa kay Cristina Decena at makukulong daw si Ipe ng 12 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-sad lang ako run sa lumabas sa newspaper na 'Phillip Salvador, kulong!' Ano 'to? Sabi ko, nirerespeto ko pa at kaibigan ko pa yung manunulat. The mere fact na sinabi nilang 'Phillip Salvador, kulong!' It's below the belt.

"Aminin man nila o hindi, winasak nila ang pagkatao ko. Hindi nila inisip na meron din akong mga anak na nagmamahal sa akin at asawang nagmamahal sa akin. Tao pa rin ako. Masakit...masakit yun," saad ni Phillip.

Ayon sa aktor, ang hinihiling lang daw niya ngayon ay retraction.

"I-retract lang. Mag-apologize lang. Inaayos ko ang buhay ko at gusto ko lang matahimik," pagtatapos ni Phillip.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN