Dina Bonnevie: "Wala akong breast cancer!"

IMAGE 0


"Siguro, this person is naiinggit kaya sinisiraan ako na mayroon akong breast cancer, kahit hindi totoo. Para hindi na siguro mag-renew ng contract ang Anlene. Or, talagang mahaderang tsismosa talaga either 'yong doctor or yung sekretarya," says Dina Bonnevie.


Hindi sumailalim sa mammogram (breast exam using X-ray) si Dina Bonnevie noong huling check-up niya dahil masasaktan daw siya sa proseso. Pero humirit daw ang doktor niya na mas maganda kung subukan niya ng diumano'y bagong technology na lalagyan lamang ng gel ang kanyang breasts at titingnan lang. Nagkataong kulang siya ng panahon noon kaya hindi niya napagbigyan ang mungkahi ng doktor.

Ito ngayon ang ipinagtataka ng aktres—ang kumakalat na balitang may breast cancer siya.

"I do not have a breast cancer," diin ni Dina. "Ang tatlong tao na nandoon ay ang secretary ng doktor na 'yon, yung doktor at yung guy na nag-refer sa akin doon sa doctor doon sa place na 'yon."

Dapat ay magpa-check-up uli ang aktres sa clinic pagkagaling niya mula sa States. Pero nawalan na raw siya ng gana dahil naisip nito ang tsismis na meron siyang breast cancer. May suspetsa si Dina na nanggaling sa clinic na 'yon ang maling balita.

"Wala namang panggagalingan nun kundi sila lang, e, dahil doon lang naman ako nagpunta para magpa-check. Paano kakalat yun kung hindi sa kanila nanggaling?"

Ang ikinababahala nang husto ni Dina ay ang sasabihin ng Anlene, milk product na kanyang ine-endorse.

"Alam naman ng mga taga-Anlene na wala naman akong cancer because I am a very, very healthy person. Siguro, it's a matter of two things lang. Siguro, somebody doesn't want me to endorse Anlene anymore kaya pinipilit niyang may sakit ako. Naiinggit siguro sa product endorsement ko. But Anlene is making me more beautiful and more active in life.

"Siguro, this person is naiinggit kaya sinisiraan ako na mayroon akong breast cancer, kahit hindi totoo. Para hindi na siguro mag-renew ng contract ang Anlene. Or, talagang mahaderang tsismosa talaga either 'yong doctor or yung sekretarya. Yung friend ko, I'm sure hindi siya magtsitsimis because, unang-una, hindi naman siya Pinoy. At sino namang kilala niyang reporter para magtsismis?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga nakaraang pahayag ng aktres ay balak niyang idemanda ng libel kung sino man ang nagkalat na mayroon siyang breast cancer

"What for? Magkakagasta pa ako sa lawyer, di ba? Huwag na, bahala na lang siyang makarma, bahala na lang ang Diyos sa kanya. Pero sa totoo lang, wala akong cancer. Bahala na ang Diyos dahil may bukas pa [the title of her new soap in ABS-CBN]. Lilitaw at lilitaw naman ang katotohanan."

Ayon sa aktres, very timely ang pag-alok sa kanya ng May Bukas Pa ng ABS-CBN. Aniya, it came as a surprise kaya nga she wasn't sure kung tatanggapin ito o hindi dahil busy siya sa kanyang business.

"Pero noong nag-attend ako ng story conference, kaagad nagustuhan ko yung role. Nagpasalamat ako at nai-cast ako agad."

Nahingan din ng opinyon si Dina tungkol sa tila lumalalang global crisis.

"Ang mga tao, kung kani-kanino lang sila umaasa. Nandoon 'yong mga taong tumataya sa lotto, pumupunta sa casino. May mga taong umaasang magkaroon sila ng mas malaking kapangyarihan, pero yung perang hinahawakan nila ay hindi inilalagay. You know, getting into seminar and how to get rich. Pero ganun pa man, sa pagdaan ng panahon, malalaman natin na hindi pinanghahawakan ng tao ang mangyayari bukas.

"Pero isa lang ang talagang dapat sana, na gusto kong ma-inculcate sa isip ng mga tao, na ang tunay na pag-asa na talagang hindi mawawala, you will always be faithful to Almighty God who can really determine what will happen to me. And only God can make miracles to change people," medyo preachy na pahayag ng aktres nang hingan siya ng kanyang opinyon tungkol sa kahirapan ngayon.

Hindi napigilan ng press ang pag-"Amen" sa huling pananalita ni Dina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN