Sherilyn Reyes and husband Chris Tan postpone church wedding

IMAGE 0


"All this time, akala ko, yung annulment ko lang from my marriage kay Jun-Jun [Santiago] ang hinihintay. Last December 2008, my annulment was finally granted at natuwa naman ako because matutupad na ang dream namin ni Chris na magkaroon ng church wedding. Pero it turned out na si Chris pa pala ang hindi pa annulled," says Sherilyn Reyes (in photo, with husband Chris Tan and their children Paoie and Quirsten.


Pagkatapos mawala sa ere ang talk show na Moms sa QTV 11, nabigyan agad si Sherilyn Reyes ng primetime series sa GMA-7. Kasama siya sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang huling drama series ni Sherilyn ay ang My Only Love, kung saan gumanap siyang kontrabida kay Rhian Ramos. Ngayon ay isang manang na auntie ni Dingdong naman ang role niya sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

"Hindi ako sanay na magsuot ng mga damit na saradong-sarado, di ba? Sanay ako sa mga short skirts, plunging necklines at sleeveless. Dito sa series, sobrang conservative ako na pati buhok ko, parating nakapusod at nakasalamin pa ako. Natuwa naman ang mister ko [Chris Tan)] sa bago kong role. Challenge daw kasi balot na balot ang katawan ko!" natatawang sabi ni Sherilyn sa PEP.

POSTPONED CHURCH WEDDING. Ibinalita rin ni Sherilyn na hindi na matutuloy ang plano nilang pagpapakasal ni Chris sa simbahan sa taong ito. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya postponed muna ang church wedding nila.

"All this time, akala ko, yung annulment ko lang from my marriage kay Jun-Jun [Santiago] ang hinihintay. Last December 2008, my annulment was finally granted at natuwa naman ako because matutupad na ang dream namin ni Chris na magkaroon ng church wedding. Pero it turned out na si Chris pa pala ang hindi pa annulled.

"Akala nga niya, matagal nang naayos ang church annulment niya from his first marriage. Noong i-check nga niya, hindi pa pala naayos kasi hindi 'yon na-follow up. Yung civil pa lang niya pala ang naayos.

"Kaya yun na lang ang hihintayin namin. Nalungkot nga ako kasi nakapagpatahi na ako ng isusuot ko, may venue na kami and all the preparations. Yun pala, hindi pa matuloy this year."

Dahil nga sa na-postpone ang church wedding ni Sherilyn, matutuloy naman daw ang church wedding ng kanyang kapatid. Kuwento nga ni Sherilyn, muntik na silang mag-away ng kanyang kapatid dahil nag-uunahan sila kung sino ang dapat maunang ikasal sa taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Before pa namin malaman na may problema sa annulment ni Chris, nagkasagutan na kami ng kapatid ko kasi gusto rin niyang ikasal ngayong 2009. E, bawal ang sukob, di ba? Kaya umapela ako na ako muna ang ikasal kasi matagal ko nang hinihintay 'yon.

"Yun pala, mauuna pa rin ang kapatid ko kasi hindi nga kami matutuloy muna ni Chris. So ang ending, tutulong ako sa magiging wedding ng kapatid ko. Ako na ngayon na iinggitin niya kasi mas nauna na siyang magkaroon ng church wedding kesa sa akin," kuwento ng aktres.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Sherilyn dahil may nakausap na silang makakatulong sa mabilis na pag-asikaso ng annulment papers ni Chris.

"May nakausap na kami and, hopefully, ma-grant agad ang annulment ni Chris. We are praying to God na maging mabilis ang proseso, so that ang hinihiling namin ay mas lalong makaganda sa samahan namin bilang mag-asawa.

"Though we already had a civil wedding na before, iba pa rin yung may basbas ng simbahan, di ba? Both our boys nga, Paoei and Quirsten, will be Chris's best men sa wedding.

"Kaya konting paghihintay na lang at matutupad na rin ang dream namin ni Chris na magandang church wedding," pagtatapos ni Sherilyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN