Piolo Pascual admits he and KC Concepcion have already dated

IMAGE 0


"We're definitely friends. I texted nga her and I told her na I want to get to know her again, especially because of this project nga. Nawalan na kasi kami ng contact noong nag-study na siya sa Paris. Pero now that dire-diretso na yung pag-aartista niya, I want to be there for her. And I want her to enjoy," says Piolo Pascual about KC Concepcion, with whom he will be working in the Pinoy adaptation of Lovers in Paris.


Excited si Piolo Pascual sa next project niya sa ABS-CBN pagkatapos ng Lobo nila ni Angel Locsin, ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Lovers in Paris. Makakapareha ni Piolo rito si KC Concepcion. '

Ano ang puwedeng ma-expect ng mga manonod sa pagsasamahan nilang project ni KC?

"Iba rin kasi ang naging dating ng mga bida ng Korean na Lovers in Paris sa mga Pinoy viewers. Nakita ko talaga how they fall in love, plus yung traditions nila. So, sa gagawin namin ni KC, iba naman, e. It's an adaptation, pero definitely bibigyan natin ng texture ng Filipino culture. Ibang panlasa. Makikita n'yo talaga kung paano ma-in love ang mga Pilipino, pati ang culture natin. Makikita mo talaga ang distinct na pagkakaiba," paglalarawan ng aktor sa presscon ng Pop Icons na ginanap kahapon, February 3, sa Max's Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City.

OLD FRIENDS. Speaking of KC, hindi pa man nagsisimula ang Lovers in Paris ay iniintriga na ang closeness nilang dalawa ni Piolo. Ano nga ba ang totoo rito?

"We're okay," sagot ni Piolo. "Mahirap kasi parang...we have common friends. We're definitely friends. I texted nga her and I told her na I want to get to know her again, especially because of this project nga. Nawalan na kasi kami ng contact noong nag-study na siya sa Paris. Pero now that dire-diretso na yung pag-aartista niya, I want to be there for her. And I want her to enjoy.

"Regarding our status, siguro I want to keep it in private na lang muna. Kasi magkakatrabaho kami, e, hindi lang sa TV pati na rin sa pelikula. So, inevitable yung pagsasama namin. Almost every day, magkakasama kami sa trabaho. I'm really looking forward to that. And to get to know her better. Noong umalis siya noon, she was only 18. Biglaan din yung pag-alis niya nun. And now she's back. Excited ako sa kung anuman ang puwedeng mangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nakapag-date na ba sila ni KC?

"Yes, we go out," pag-amin niya.

Ano ang reaction niya na sa isang interview ay sinabi ng mommy ni KC na si Sharon Cuneta na boto naman siya sa team-up nila ni KC?

"It's a relief. Kasi siyempre, kailangan may approval din ng ating Megastar. Kasi siyempre, dapat sa kanya pa lang pasado ka na. So, kailangan alaga...aalagaan ko si KC. I hope na hindi ko siya ma-disappoint. I'm thankful na pinagkatiwalaan niya ako na makasama si KC."

GOODBYE RICHARD, HELLO PIOLO. Sa isang interview kay KC, inamin nito na hindi lang si Richard Gutierrez ang nanliligaw ngayon sa kanya, kaya sinabi na lang niya na 'may the best man win'. Si Piolo ba yung sinasabi ni KC na isa sa mga nanliligaw niya?

"Sinabi niya yun?" natatawang tanong ni Piolo. "Ang ganda kasi, e. Ang haba ng buhok, e. Marami nga, maraming naliligaw. Pero kailangan ko pa bang sabihin na ako ang makakasama niya almost every day? So, tingnan natin."

Kailangan niya bang kausapin si Richard about kay KC?

"Richard and I are friends naman. Nakikita ko sila sa set ng For The First Time dati. Dumadalaw ako dati sa set nila, at saka friends ko rin yung Star Cinema staff and sa production."

Pero ano ang reaksiyon niya na sinasabi ni Richard na sila ni KC ang mas close ngayon?

"Definitely, sila yung magkasama sa pelikula, e. Sino ba yung makakasama niya sa susunod, di ba?" makahulugang sabi ni Piolo.

Dapat bang kabahan si Richard sa kanya?

"Hindi kasi ako mahilig sa competition, e," sabi ni Piolo. "Ang sa akin, kung saan siya magiging masaya, dun ako. Pero ang sa akin, ang bottomline, basta kung ano ang makapagbibigay sa kanya ng kasiyahan, dun ako."

THE WOMAN HE IS WAITING FOR? Sa tingin ba ni Piolo ay si KC na ang babaeng hinihintay ng puso niya na mahalin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n'yo, nanggaling na kasi ako dun, e. You know, even before she left for Paris, I expressed my intentions already. Now, that we'll be working together, I'm really excited to get to know KC even better. Siya ang magiging tour guide namin sa Paris."

Ano ba ang nagustuhan niya kay KC?

"Napaka-grounded ng taong yun. Makikita mo talaga na magaling mag-alaga and excited ako na magkasama kami ng one month sa Paris. Excited ako na maipasyal niya ako dun."

POP ICONS. Proud si Piolo Pascual na makakasama niya ang kanyang mga kaibigan at katrabaho sa ASAP '09 na sina Sam Milby, Erik Santos, Mark Bautista, at Christian Bautista sa isang bigating concert sa Araneta Coliseum sa February 21 titled Pop Icons, produced by ASAP Live at Sunday Night Productions.

"Iba rin kasi kapag kasama mo ang mga kaibigan mo. Bukod sa magkakaibigan kami, lahat kami kumakanta. So, naisip naming, 'Why don't we put up a show?'" masayang pahayag ni Piolo nang ma-interview siya ng PEP.

Hindi nga maitago ang saya ni Piolo dahil silang lima rin ang producers ng Pop Icons concert na ito along with some friends.

"Kanina nga nung tinitingnan ko yung poster namin, nakakasenti kasi we just started as a small group. Hindi namin aakalain na aabot ng ganito na ipo-produce namin ang sarili naming concert. Tapos ang daming sumusuporta. Nakakataba talaga ng puso.

"When you're doing something with your friends, it's fun. I'm looking forward to the concert, hindi dahil sa Araneta, but more than that I'll be with my friends. And sana samahan din kami ng mga kaibigan namin, ng mga fans sa araw na iyon. We'll be celebrating love, friendships and good relationships."

Paano ba nabuo yung Sunday Night Productions nilang lima ?

"Kasi , three years na kaming magkakasama, e," banggit ni Piolo. "Galing kami sa ASAP lahat. After ng ASAP, mag-uusap-usap, 'Ano ang magandang gawin? How can we be better in our field?' Tapos, naisip na lang namin, 'Why don't we put up a concert?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, yung idea came from TFC Global, na pagsama-samahin kami sa show sa States. Hilig din naman naming nag-a-out of the country. So, sabi namin, buuin namin yung grupo. Pero naisip din namin since ASAP nga, kailangan dito muna sa Pilipinas. Kaya nga aside from the Araneta concert, mapapanood din ang Pop Icons sa Dagupan on February 13, sa Cebu on February 14, at sa Bacolod on February 28. And then, susunod siguro sa abroad na. We're keeping our options open."

Dahil mga sikat na kayong lima, hindi kaya magkaroon ng pagalingan or sapawan sa concert?

"We're not putting up a concert to outdo each other," ani Piolo. "Siyempre, suportahan 'yan. At lahat ay equally divided pagdating sa exposure, sa songs, everything. During our promos, nandiyan yung support for each other para huwag kang ma-flat, huwag masira yung number. Makikita mo talaga yung camaraderie. And besides, this is not a contest. It's a concert, it's a show and it's gonna be fun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN