Lovi Poe says there's no comparison between the late Marky Cielo and new screen partner Prince Stefan

IMAGE 0


"I want to experience a birthday without the pressures. Sa tuwing birthday ko na lang, natetensiyon ako sa rehearsals, paghahanda para sa show, hindi ko na nae-enjoy ang birthday ko," says Lovi Poe.


Gusto munang manahimik ni Lovi Poe sa kanyang kaarawan this year. She will be celebrating her 20th birthday on February 11, at may special edition na binuo ang programang SiS ng GMA-7 para sa kanya.

Two consecutive years sa career niya, sa tuwing nagse-celebrate siya ng birthday, mayroon siyang special show at concert. Two years ago, ginanap yun sa Teatrino at last year lang, sa Music Museum naman.

"I want to experience a birthday without the pressures," sabi ni Lovi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sa tuwing birthday ko na lang, natetensiyon ako sa rehearsals, paghahanda para sa show, hindi ko na nae-enjoy ang birthday ko.

"I want to spend it this time with my friends and family. Small dinner lang. I just don't want to be nervous on my birthday. I just want to enjoy it for myself."

Ang Bloom album niya ay matagal-tagal na rin sa market. Last year pa yun kung tutuusin. Pero wala pang follow-up si Lovi this year dahil nag-concentrate siya sa acting career niya sa TV.

"Wala pang malalaking projects na alam kong gagawin ko, aside from being included in the cast of Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. I play the role of Athena, a choir member. Mai-involve ako kay Prince Stefan who plays the younger brother of Dingdong [Dantes]. I'm happy being reunited with Prince. It's okay naman. Sayang nga lang, siyempre, Marky [Cielo] is not here anymore," tila may panghihinayang sa tono ng young actress.


PRINCE & MARKY. Sa palagay ba niya, good replacement si Prince kay Marky who, unfortunately, had a short-lived career dahil maaga nga itong yumao?

"Oh, no! Iba si Marky kay Prince," sabi ni Lovi. "Hindi natin maku-compare. Nakatrabaho ko na si Prince before at happy ako na magkasama uli kami this time. Dati, sa Lola Basyang noon, na once lang talaga, pero maganda ang naging samahan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, nag-iisa lang si Marky. Prince naman is very passionate with his job. It's good for me, 'cause ako rin, seryoso sa job ko."

Hindi naman daw big deal kay Lovi ang pagkakaroon ng bagong leading man in Prince.

"I won't consider it a love team, kasi, more of a working team," sabi ni Lovi. "Kasi, may kanya-kanya talaga kaming career ni Prince na dapat harapin. Kanya-kanya pa rin, but when we work together, we have to be a team. Ganoon lang ang difference."


CONTROVERSIAL INDIE FILM. May indie film ding pinagbibidahan si Lovi, ang Walang Hanggang Paalam na kontrobersyal dahil sa adult theme nito. Kasama niya rito sina Joem Bascon, Jake Roxas, at Rico Barrera.

"But, I didn't go bold, huh!" natawa si Lovi. "It got an X-rating, pero hopefully, maayos pa rin sana before its premiere this coming Sunday sa Robinson's Galleria.

"I don't exactly know kung ano ang reason ng MTRCB. Pero sa akin naman, as far as I'm concerned, wala akong ginawang objectionable diyan, sexually or whatever. May twist lang sa story that makes it quite [proper] for mature viewing. I guess, maingay lang talaga ang movie, at kung anuman ang problema, maayos sana," nangingiting sabi ng aktres.

Naiibang Lovi nga raw ang mapapanood sa Walang Hanggang Paalam at ito ay isang challenge sa career ng young actress na gusto niya talaga. Ayaw rin niyang ma-confine na lang siya sa goody-goody roles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN