Rachelle Ann on Gab Valenciano: "Masaya ako at nakikita ko na ang sarili ko na siya na."

IMAGE 0


"I can say we're really committed and we're serious. Paulit-ulit ko namang sinasabi na hindi naman ako yung tipo ng naglalaro o nanloloko. Pag may pinasok akong isang bagay, seryoso talaga ako dun. Goal naman talaga ng isang totohanang relasyon is marriage, hindi dahil gusto mo lang magka-girlfriend o magka-boyfriend, o may kasama ka, hindi ganun ang thinking ko," says Rachelle Ann Go about her relationship with Gab Valenciano.


Now that Rachelle Ann Go and Gab Valenciano are more open with their relationship, common scenario na sa showbiz gatherings and even shows na magkasamang madalas ang dalawa.

Kamakailan nga ay naging special guest ni Rachelle Ann si Gab sa show niya sa Music Museum, kasama rin ang ex-boyfriend ng dalaga na si Christian Bautista. Marami ang nakapansin ng pagiging open na ni Rachelle Ann sa feelings niya para sa boyfriend, na hindi raw nakita sa kanya noong sila pa ni Christian.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle Ann sa taping ng Your Song episode nina nina Gab, Nikki Gil, at Billy Crawford. Hiningan namin siya ng reaksiyon sa obserbasyon ng iba, lalo na sa naipakitang sweetness sa kanila ni Gab nung nakaraang concert niya.

"Hindi ko alam, siguro nagbabago lang ang tao sa paglipas ng panahon. Marami rin ang nagugulat sa akin na naging sweet daw ako. Sweet naman talaga ako, hindi ko lang naipapakita, hindi lang ako naging open kumbaga. Ngayon, mas natuto siguro ako. I don't know, mas naipapakita ko na."

Kapansin-pansin din sa taping ng Your Song ang identical white gold ring na suot-suot nina Rachelle Ann at Gab. Ikinuwento sa amin ni Rachelle Ann na bigay pala ito sa kanya ni Gab on the second day of her recent concert.

"Busy-bisihan ako nun nung lumapit siya sa akin. Akala ko magha-'hi' lang, e, di ko siya masyadong napapansin dahil focused nga ako sa concert ko. Casual lang, he gave me the ring. Of course I was surprised! Imadyinin ninyo pag binigyan kayo ng ring. Di ko ma-explain yung feeling," kuwento ni Rachelle Ann.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Gab, sinabi nito na pagtungtong niya ng 25 years old ay nagpaplano na siyang pakasal at bumuo ng isang pamilya. Ang nakalagay nga sa status sa Facebook accounts nila ni Gab ay "engaged."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa magandang itinatakbo ng career as a singer, handa na kayang pumasok sa pag-aasawa si Rachelle Ann, kahit mangahulugan ito na maari niyang isakripisyo ang kanyang career, lalo't balak ni Gab na mag-settle down pag sinuwerte sa kursong Recording Arts sa Florida?

"I can say we're really committed and we're serious," sagot ni Rachelle Ann. "Paulit-ulit ko namang sinasabi na hindi naman ako yung tipo ng naglalaro o nanloloko. Pag may pinasok akong isang bagay, seryoso talaga ako dun. Goal naman talaga ng isang totohanang relasyon is marriage, hindi dahil gusto mo lang magka-girlfriend o magka-boyfriend, o may kasama ka, hindi ganun ang thinking ko.

"I'm 22, magtu-twenty three na ako. Hindi ko alam, hindi ko masasabi. Ayokong planuhin yung ganung mga bagay. Hindi natin masasabi sa pagdaan ng panahon. Pero ngayon talaga, masasabi kong masaya ako at nakikita ko na ang sarili ko na siya na. But, to be honest, sa akin mas importante ang puso. Iniisip ko lang na di panghabambuhay ang trabahong ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN