Jomari Yllana fully understands "Now Vows" of Martin and Pops

IMAGE 0


"If I were in Martin's shoes, I'll feel the same. If I were in Pops's shoes, I will feel the same, and to some siguro, hindi nila maiintindihan. But me, I completely understand," says Jomari Yllana (main photo) about girlfriend Pops Fernandez and her ex-husband Martin Nievera (inset).


Nairaos nang maluwalhati ni Jomari Yllana ang kanyang first time as a concert producer dahil sa malaking tagumpay ng Missing You, ang reunion concert ng kanyang girlfriend na si Pops Fernandez at ang dati nitong asawa na si Martin Nievera.

For a first-time producer, kalmado lang si Jomari. Nang kumustahin nga siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) an hour before the concert, sinabi niyang: "No, okey lang ako. Actually, ang role ko na nga lang ngayon ay sunduin ang mga bisita na darating."

Nagpaunlak din ng interview si Jomari pagkatapos ng concert, kahit sa tingin namin ay mas busy pa siya pagkatapos ng show. Ano ang masasabi niya sa katatapos na concert ng kanyang girlfriend at ex-husband nito?

"Okey naman, magaling!" bulalas niya. "I'm speechless. I'm lost with words. Ngayon ko nararamdaman ang pagod. I'm really, really tired. Worth it lahat...yung pagod, yung journey. I never really imagined na I can actually sell place like this.

"It's all about the team and the team na bumubuo. Yung team na with great minds all put up together and yung vision. We're all artists. We share the same goal. We share our common goals to give entertainment. Parang na-achieve naman yata naming lahat yun. It was a really, really great show. I thank the creative, the production and the concept writers, partners, lahat... It was a really, really big show and it was a hit."

Ano ang mga natutunan niya sa pagpo-produce niyang ito?

"Marami. Nandito naman tayo sa business na ito. Kaya lang, iba lang ang category but still, entertainment."

Ayon kay Jomari, kung may isa man daw sigurado ay ang pagpo-produce niyang muli ng concert o iba pang shows. May balita na magkakaroon na ng world tour ang Missing You. Totoo ba?

"Yes!" mabilis niyang tugon. "Parang pasasalamat sa lahat ng Filipinos. Kasi yung Martin and Pops, 100 percent Pinoy. At kung tinangkilik kami ng lahat ng taga-Maynila at mga kalapit sa Maynila, kung may pagkakataon na dalhin namin 'to, kami na ang magdadala nito doon sa ibang Filipino around the world."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Jomari, hindi lamang bilang producer ng concert kundi bilang boyfriend ni Pops, kung ano ang reaksiyon niya sa portion ng concert na "Now Vows" kung saan nagpahayag ng kanilang saloobin sa isa't isa sina Martin at Pops.

Kung naging sorpresa kina Martin at Pops ang nilalaman ng kanilang vows sa isa't isa, siguradong kay Jomari ay ganoon din kahit na kuntento lang siyang nanood sa TV monitor backstage.

"I watched as a fan and besides, I am a fan," sabi ni Jomari. "And I was once married. I know the feeling. I am separated sa anak ko, sa dati kong asawa [Aiko Melendez]. I completely understand. If I were in Martin's shoes, I'll feel the same. If I were in Pops's shoes, I will feel the same, and to some siguro, hindi nila maiintindihan. But me, I completely understand.

"Masarap lang ang feeling na okey sila at nagkakaayos sila. Maghiwalay man sila, yung respeto at pagkakaibigan at tiwala sa isa't isa, pagtutulungan bilang parents, e, nandiyan."

Kahit paano, wala ba siyang naramdamang selos?

"Hindi ko na alam kung selos ang tawag diyan, pero the least yung negative na nangyayari sa akin. Since a few years back...ginagawa ko lang naman siyang positive, e. No such thing as a negative and we can always turn it around and baligtarin," pahayag ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN