Paolo Contis on controversial ring: "Hindi naman ako nagbibigay ng recycled!"

IMAGE 0


"Una, ayoko rin makatanggap ng recycled, so hindi ako magbibigay ng recycled, di ba? I don't even think na sinabi yata ni Isabel yun... So, again, speculations na naman siya...na hindi na naman nakakatulong. Nagiging pangit lang ang pangalan naming lahat," says Paolo Contis about the controversial ring that he allegedly gave to both Isabel Oli (left) and Lian Paz (right).


Kinuha ng Startalk ang reaksiyon ni Paolo Contis hinggil sa interview ng dati niyang kasintahan na si Isabel Oli sa Showbiz Central noong isang linggo, February 1. (Click here to read related article.)

"Actually, yung pagpapa-interview ni Isabel, good sign," ani Paolo. "Ibig sabihin, nagmu-move on talaga siya. Of course, gusto ko yun mangyari. Ayokong ako lang ang masaya. Gusto ko, masaya rin siya at makahanap din ng mag-aalaga sa kanya. So, sana dumating din ang time na yun na maka-move on completely para wala na rin away-away, walang gulo."

Nilinaw rin ni Paolo ang balitang sinisiraan daw niya si Isabel. Ayon sa lumalabas na intriga, pinapalabas raw ni Paolo na "bilmoko girl" at mahihilig sa magagarbong regalo ang dating kasintahan.

"May mga nababalitaan ako na sinisiraan ko raw siya, sinisiraan daw siya ni Lian, which is, never," diin ni Paolo. "It's not happening and will never happen. Hindi ko ugaling manira ng isang tao. Hindi ko gagawin yun.

"Again, hindi ko mako-control ang sasabihin ng ibang tao sa kanya. Meron ding mga nagsasabi ng pangit sa akin, hindi ko rin mako-control. I think, sa pinagsamahan naman namin, she would know kung kaya ko yun, at alam din naman niyang hindi ko kaya yung mga ganoong bagay."

RECYCLED RING? Naungkat din ang tungkol sa diumano'y singsing na ibinigay ni Paolo kay Isabel noong sila pa. Isinoli raw ito ng aktres nang magkaroon sila ng problema at never na ngang nabalik kay Isabel dahil natuloy na sa breakup ang relationship nila.

Ngayon, sinasabing ang singsing daw na yun ang siya ring singsing na ibinigay ni Paolo sa bago niyang girlfriend na si Lian Paz.

"Hindi naman ako nagbibigay ng recycled!" tahasang sabi ni Paolo. "Una, ayoko rin makatanggap ng recycled, so hindi ako magbibigay ng recycled, di ba? I don't even think na sinabi yata ni Isabel yun... So, again, speculations na naman siya...na hindi na naman nakakatulong. Nagiging pangit lang ang pangalan naming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ikaklaro ko, hindi siya recycled," giit ng aktor.

Pero paano nga ba isinoli ni Isabel ang singsing sa kanya?

"Nagkita kami noon, maayos yun. That day, maayos yung araw na yun. Maganda ang pag-uusap namin noong mga panahong yun. I think nga, ang nangyari noon, again, since hindi nga kami nag-uusap, puro mga hearsay. Hearsay ang mga nababalitaan niya about it," saad ni Paolo.

FAMILY AFFAIRS. Wala naman daw kaso kay Paolo kung hanggang ngayon, malapit pa rin at may communication pa rin si Isabel sa pamilya niya.

"That's good," aniya. "Ako kasi, hindi ko pa rin nakakausap ang pamilya niya, so hindi ko rin masasabi yun. Okey lang naman sa akin kung nakakausap pa rin niya ang pamilya ko. I have nothing against that."

Kumpara nga lang daw kay Isabel na okey sa pamilya ni Paolo, balitang hindi naman daw pabor ang mga kaanak ni Paolo sa bagong girlfriend niya ngayon na si Lian. Totoo ba ito?

"With regards to my family, I think it's very private. Sa akin na lang yun. Sa pamilya ko na lang yun," ani Paolo.

Naipakilala na ba ni Paolo si Lian sa kanyang pamilya?

"Hindi, hindi pa," mabilis naman niyang pag-amin. "Darating ang araw na siyempre kailangan na rin niyang makilala ang family ko. And again, whatever na nasusulat about her, it's not even helping my family na maging okay ang tingin, di ba?

"Kasi nga, siyempre, may effect yun, e. Kapag may nabasa kang pangit, itatanim mo yun kahit papaano. Kaya ako, nakikiusap na itigil dahil hindi siya nakakatulong sa lahat—sa akin, kay Lian, at sa family ko, and even sa family ni Lian."

Dugtong ni Paolo, "I want to say sorry sa family ni Lian na nadadamay rin sila ng ganoon."

Lubos na naapektuhan daw sina Paolo at Lian sa mga negatibong reaction sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, naba-bother at affected na rin siya," sabi ni Paolo. "Minsan kasi, below the belt na ang mga write-ups at siyempre, wala rin kaming magawa about it. Actually, iniintindi naman niya ang mga nangyayari. She just feels bad na, kumbaga, hindi siya binibigyan ng chance na patunayan na okey. Masyado siyang minamata. And I really feel bad about it also. Siyempre, wala rin akong magawa about it, comment ng ibang tao yun, e."

Ang pakiusap na lang ni Paolo ay ito: "Sa mga naninira, sa mga galit, sa mga manunulat na tinitira siya and the relationship that we have, sana give her a chance naman. Hindi rin nakakatulong yung... Sabi nila pangit yung pangalan ni Lian at yung paninira, hindi rin nakakatulong na maging okey, di ba?

"She was never given a chance. Sana bigyan siya ng chance. Masaya ako at okey kaming dalawa, maliban na lang nga sa nangyayaring paninira sa kanya. Kung kikilalanin lang talaga nila si Lian at makita nila kung ano ang nakikita ko, malalaman din nila na mali sila.

"And again, kung meron man katotohanan ang mga nagawa niya dati, so what, di ba? People change and I could see that what we have is real."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN