Richard Gutierrez on his relationship with KC Concepcion: "Kung ano yung meron kami, yun ang totoo."

IMAGE 0


"Wala naman kaming itinatago sa mga tao. Kung ano yung nakikita n'yo sa amin, hindi dahil nagpo-promote kami ng movie or para lang may maipakita sa mga tao," says Richard Gutierrez about his closeness with leading lady KC Concepcion.


Live na nag-guest sa Startalk last Saturday, February 7, sina KC Concepcion at Richard Gutierrez para sa promotion ng kanilang second movie together, this time under GMA Films and Regal Entertainment, When I Met U.

Unang tanong ni Ricky Lo sa dalawa, may blessing na ng kani-kanilang pamilya, at maging ng kanilang home networks, ang pagsasama nila. Meron bang pumipigil for them to be really together?

"I think we've answered that," sabi ni Richard. "Pero again, like what we always say, kami ni Kace, bata pa kami. And once we enter into a more serious relationship, parang gusto namin na that would last for a long, long time.

"Right now kasi, ang dami pa naming ginagawang trabaho. Ang dami pa naming gustong ma-achieve at alam naming ang dami pa naming mami-meet na mga tao, and we want na kung anuman ang meron kami ngayon, will last for a long time and we wanna take care of it."

Does KC agree with Richard?

"Yes," pagsang-ayon ni KC. "And through the months, kahit ano'ng mangyari, kahit sino'ng ma-meet namin, tried-and-tested na po ang friendship namin ni Chard talaga. I've been there for him and he's been there for me. So, it's something na for now, it looks like mas matagal pa siya kesa kung magkarelasyon kami tapos masira, mag-break. E, di wala na kami sa buhay naming pareho. So, at least now, we're here for each other and it's a very special friendship."

Dagdag niya, "We're very honest with what we feel and we're both secure with each other na naggo-grow talaga, nagma-mature. Kaya maganda rin po sa amin yun."

Butch Francisco asked kung ang ibig bang sabihin nito ay nagbi-build sila ng foundation.

"Opo," sagot ni KC.

SURPRISE VISIT. Nagkasakit daw si KC at nag-surprise visit si Richard sa bahay nila. Pero ang dahilan naman daw ng pagkakasakit ni KC ay dahil nahawa rin siya kay Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-surprise nga po ako kay Chard," sabi ni KC. "Actually, recently, I've been very touched. Kasi marami siyang surprises. Whether it's surprise gifts na dati hindi naman niya ginagawa masyado.

"But now, bigla siyang dumating sa bahay. Sabi ng kasama namin sa bahay, nandiyan daw si Richard. So ako, 'Pakitanong na lang po kung sino ang nandiyan baka may pinadala lang.' E, di bumalik siya. Pagbalik niya sa bahay, 'Hindi, si Richard talaga, o!' Ako, 'Ha?' So, yun, lumabas ako. Tapos, meron siyang dalang pagkain sa garage namin."

Biro naman ni Butch kay KC, 'Sana nagsuklay ka muna..."

"Hindi...si Chard, nakita na niya akong balahura ang ayos!" natatawa namang sabi ng anak ng Megastar..

Ayon kay Ricky, sa dubbing room daw ay may isang producer na pumasok at nakita sila on their beautiful moment together. Ano ba ang ibig sabihin ng sweetness na yun, lalo na't hindi naman promo sa movie?

Si Richard ang sumagot dito. Aniya, "Gaya nga ng sabi namin ni Kace, wala naman kaming itinatago sa mga tao. Kung ano yung nakikita n'yo sa amin, hindi dahil nagpo-promote kami ng movie or para lang may maipakita sa mga tao. Kung ano yung meron kami, yun ang totoo. At kahit off-cam, KC and I, we have our moments na nag-uusap kaming dalawa. Catching up, bonding with each other. "

GIFTS FOR KC. Tuwing mag-abroad daw ang ina ni Richard na si Annabelle Rama at ang kapatid niyang si Ruffa Gutierrez ay palaging nangungulit si Richard para may maibigay kay KC. Anu-ano ba yung mga bagay na ibinibilin ng binata?

"Sino ang may sabi sa kanila?" tila gulat na tanong pa ni Richard. "May mga insiders na nagpi-feed sa inyo, ha!"

Pero nakangiting sabi ni Richard, "Tuwing umaalis naman ako ng bansa, especially pagkatapos ng movie namin ni Kace and even before that, kapag nasa labas kami ng bansa, si Ate at saka si Mommy ang tinatanong ko regarding sa kung ano ang okey na regalo, anong okey na pasalubong, kasi updated sila sa mga latest. Sa mga fashion, especially si Ate. Nagtatanong ako sa kanila, pero siyempre, kung ano ang magugustuhan ni KC."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw namang magbanggit ni Richard kung ano ang mga naging regalo niya kay KC.

"Kung anuman ang regalo namin sa isa't isa, top secret na lang muna yun for now," aniya.

STUCK IN A RELATIONSHIP. Naka-relate ba sina KC at Richard sa characters nila sa When I Met U kung saan they were stuck in a relationship pero committed sa iba?

"Opo," sagot ni KC. "Meron naman po kaming understanding ni Chard. Siguro, meron kaming mga nakikilala. Meron kaming mga friends na nakikilala and open kami sa isa't isa at nagkukuwentuhan pa nga kami kung ano ang mga nararanasan namin at nagiging biro na lang minsan.

"Meron na rin siguro yung meron siyang nakilala, meron akong nakilala. Pero parang araw-araw naman kaming magkasama, so parang kami yung nakakapag-usap about it. Nakakahingi ng advice sa isa't isa."

Both Ricky and Butch agree na maganda naman talaga ang nagsisimula sa friendship at mas titibay pa ang pagsasama nila hanggang sa mauwi raw sa kasalan.

Pero parehong natawa sina KC at Richard, sabay sabing, "Mahaba-habang lakbayin pa po ito."

Note: You can win tickets to the red carpet premiere of When I Met U via PEP's Guide Goodies promo! Click here to know more!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN