Isabel Oli still close to family of ex-boyfriend Paolo Contis

IMAGE 0


"Kasi, parang tuwing aalis kami ni Pao, it's either bahay ko or bahay niya or mall, tapos kasama yung mga parents niya. Hindi rin naman ako nagpapa-impress. Kung ano ako, yun yun. Siguro, nakikita lang nila yun," says Isabel Oli about still being close with Paolo Contis's family even after their breakup.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Isabel Oli sa concert nina Martin Nievera at Pops Fernandez na Missing You sa Araneta Coliseum last Friday, February 6. Napag-usapan namin ang magagandang feedback na natatanggap niya after her interview sa Showbiz Central two Sundays ago, Feb. 2, kung saan nagsalita siya about her breakup with Paolo Contis.

"Hindi ko nga in-expect yun na ganoon," sambit ni Isabel. "Salamat lang sa lahat. Siguro, answered prayer ko na yun, kasi sobrang pinagpi-pray ko talaga. At sana, maintindihan ng mga tao na ang tagal kong nanahimik, di ba?

"Sana maintindihan nila at parang naiintindihan naman nila. Parang nakinig naman sila and I want to thank them—sa lahat ng sumuporta rin sa akin, especially my friends, family, and God, of course."

Hindi naman itinanggi ni Isabel na may communication pa rin siya sa pamilya ni Paolo. Pero hangga't maaari, ayaw na raw niyang mag-comment kung anuman meron ang pamilya ni Paolo sa bagong girlfriend nito na si Lian Paz.

"Well, as I've said, since naghiwalay kami ni Pao, labas na ko run," sabi ni Isabel. "Sana maayos nila, sana maayos. Only time will heal naman. Sana maging okay sila."

Ano sa palagay ni Isabel ang ginawa niya para magustuhan siya talaga ng pamilya ni Paolo?

"Hindi ko alam," nakangiting sagot niya. "Kasi, parang tuwing aalis kami ni Pao, it's either bahay ko or bahay niya or mall, tapos kasama yung mga parents niya. Hindi rin naman ako nagpapa-impress. Kung ano ako, yun yun. Siguro, nakikita lang nila yun."

Ayon kay Isabel, hindi pa sila nagkakausap muli ng parents ni Paolo after ng guesting niya sa Showbiz Central.

"Nagkausap kami before, days before the Central. Hindi ko naman na sila tinatanong. Kumbaga, kinakumusta ko na lang din si Tita [Paolo's mom]. Yung sister-in-law niya, yun ang ka-text ko talaga. May pact kami nun na kapag may Tagalog movies, kaming dalawa yung magkasama talagang manood. Kasi, sobrang ganoon kami [close] ng sister-in-law niya. So, sabi ko, 'February 14, manood tayo,'" natatawang kuwento ni Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Overrated para kay Isabel ang Valentine's Day kaya hindi naman daw niya nakaugalian ang mag-celebrate nito. Bukod pa sa mismong araw raw na yun ay may taping siya.

Kita naman sa aura ni Isabel ngayon na naka-move on na rin siya and that she enjoys being single.

"Sobra! Right now, what God gave me now being single, sobrang ine-enjoy ko lang talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN