Sarah Geronimo says Box-Office Queen crown would be a bonus

IMAGE 0


"Katulad nga ng lagi kong sinasabi, sobra na po akong grateful sa lahat ng tumangkilik, sa lahat ng napasaya namin sa A Very Special Love. Malaking bonus na lang yung title na yun. Kahit saan o kanino mapunta yun, nirerespeto ko yun. At ako, masaya na ako sa kung anuman yung narating ng pelikula namin ni John Lloyd," says Sarah Geronimo about the Box-Office Queen title.


Hindi maipagkakailang si Sarah Geronimo ang most successful and most popular young singer ng kanyang henerasyon. Pero hindi rin siya ligtas sa mga intriga sa showbiz.

Kaya naman kahit nate-tense ay kailangan niyang sagutin ang matitinding tanong ng The Buzz host na si Kris Aquino sa kanyang live guesting last Sunday, February 8, para sa "The Buzz Tough Ten."

Pero bago ang tanungan ay pinag-promote muna ni Kris si Sarah ng kanyang mga upcoming projects, sa pangunguna ng malapit nang ipalabas na pelikulang You Changed My Life ngStar Cinema, na balik-tambalan nina Sarah at John Loyd Cruz after ng big hit nilang A Very Special Love last year.

Tinukso pa nga ni Kris si Sarah nang mamataan ng host sa poster ng naturang pelikula ang mga pangalan ng cast kung saan kabilang si Rayver Cruz, na nali-link ngayon sa Pop Princess.

"Naku, pinag-aagawan ka na, ang saya!" bulalas ni Kris.

Pagkatapos ay sinimulan na ni Kris ang pagtatanong kay Sarah.

Tough Ten Question No. 10: Ano ang isang bagay na kinatatakutan mo when it comes to your career?

"Yung distraction po siguro. Kasi once na na-distract ka, yung parang gumulo ang isip mo, parang domino effect na rin 'yan, e."

Ano bang nakaka-distract?

"Yung tungkol sa puso. Totoo naman yun. At saka yung mga impluwensiya kapag nakakasama mo lagi yung mga showbiz people. Siyempre naman yung sa labas at yung mga katrabaho mo."

Bagay na hindi sinang-ayunan ni Kris at sinabi pang most showbiz people ay mabait naman. At pinayuhan na lang si Sarah na huwag na lang sumama dun sa mga posibleng maging bad influence.

Tough Ten Question No. 9: You're 20 now. Kung papipiliin ka sa tatlong ito, saang larangan mo gustong mag-focus ten years from now when you're 30? Sa pag-aartista, sa pagkanta, o sa pagiging asawa at ina?

"Naku, Miss Kris, hindi ko masasabi 'yan. Pero siguro at 30, sa career po muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

You started at 14, so by that time 16 years ka na sa showbiz. Career pa rin ang pipiliin mo?

"Siguro mababalanse naman yun."

Kasi kapag hindi ka pa nag-asawa at 30, baka hindi ka na magka-baby. Baka mahirapan ka. So, at 30, you don't see yourself married or puwede?

"Puwede... puwede po!" sabay tawa ng malakas ni Sarah at ikina-react ng mga tao sa studio.

Tough Ten Question No. 8: Kamakailan, ano ang isang bagay na nagpakilig sa iyo? Recently ito, ha, within 2009. May nagpakilig ba sa iyong isang bagay, isang tao, isang event, or text?

"Siguro... tuwing nagsu-shooting ako [ng You Changed My Life]. Bilang Laida Magtalas, nararamdaman ko yung character ko. At noong napanood namin yung music video and trailer, sa E-Live [Entertainment Live] namin ini-launch, sobra akong kinilig. Talagang sumisigaw ako. Pati ako, parang hindi ako yung pinapanood ko!" kinikilig pang sabi ni Sarah.

Tough Ten Question No. 7: Para sa tanong na ito ay nagpasintabi pa si Kris sa mommy ni Sarah na si Mommy Divine, na nasa studio rin. May times kasi na ang Mom mo hindi ka napapayagan to do certain things. Diretsahang tanong, sa loob ba ng puso mo, minsan ba nagtatampo ka kapag pinaghihigpitan ka ng mom mo?

"Normal lang po siguro na nagkakaroon ng hindi pagkakasunduan. Nagkakaroon ng tampong pururot, ganyan. Pero naiintindihan ko po yun," sagot ni Sarah.

What are the things ba na at 20 ay puwedeng gawin ng ibang girls at sa iyo hindi puwedeng gawin? Siyempre other girls at 20, you can go out with your friends. Tapos ang curfew around 2 a.m. na. Tapos you can drive your own car na. So, sa iyo, ano yung hindi puwede?

"Going out with friends, puwede naman po. Pero hindi lang naa-allow ng schedule."

Marunong ka na bang magmaneho?

"Hindi po. Siguro po minsan lang sa damit nagka-clash kami minsan. Kasi baduy ako, Miss Kris, e. Manang pa minsan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

You mean ang mommy mo ang mas gusto ng medyo daring ng konti?

"Hindi naman po. Minsan po kasi kapag lumalabas ako in public, parang gusto ko naka-jeans lang, naka-t-shirt, ganun lang. E, siya, sasabihin niya sa akin, 'Mag-ayos ka naman. Artista ka, uy!'" pakuwela pang sabi ni Sarah na ikinatawa rin ng mga audience.

So, yun lang? Cell phone, you have your own?

"Opo meron ako."

Hindi ba niya ini-screen?

"Minsan. At ako naman, 'Mommy go!' Wala naman siyang makikita dun na ano..."

May Facebook ka ba?

"Meron po. In-invite po kasi ako ng aking kaibigan na si Rachelle Ann Go, kaya lang nakalimutan ko na yung password. Kaya hindi ko na siya napuntahan!" natatawang wika ni Sarah.

Tough Ten Question No. 6: Tanggalin mo yung mga eksena sa shooting or acting. When was the last time that you cried in real life? Puwedeng naiyak dahil sa tuwa ha, tears of joy or whatever.

"Bago po nagsimula yung concert ko at saka nung matapos."

When was this?

"November 8. Sobra po kasi akong natetensiyon dahil ang aking opening ay magpa-piano ako, ng konti lang naman. So, kapag pumalpak po ako dun, siyempre madadala po yung buong show na. So, thank God naging maayos naman lahat."

So, nag-cry ka dun. Tapos after, bakit ka umiyak ulit?

"Sobrang successful. Ang saya-saya. At saka sold-out po yung concert."

At nagkomento pa si Kris na totoong sold-out dahil ni hindi man lang daw sila nabigyan ng complimentary tickets, na usually ibinibigay sa mga host kapag nagpo-promote ang isang artist. Sabi pa niya, ganun kalakas daw talaga kaya ni isang ticket na puwedeng i-share wala na dahil nabenta lahat.

Tough Ten Question No. 5: Kung tinanong ka ni Rayver Cruz kung puwede kang maligawan, at payag naman si Mommy Divine, ano ang isasagot mo kay Rayver? Puwede ka namang magpaligaw na hindi mo sasagutin, e, parang getting to know you. So, 'oo' o 'hindi', puwede ka bang ligawan? At kung hindi man si Rayver, kahit ng anybody else.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo naman," mabilis na sagot ni Sarah na ikina-"Oh!" ni Kris at ng audience.

Why?

"Miss Kris, 20 na rin naman ako at siguro kung walang manliligaw sa akin, parang ang kawawa ko naman. Babae rin naman ako," muling pakuwela ni Sarah. "Kasi nga, sinasabi nila na parang ang bawal-bawal kong ligawan."

So, puwede kang ligawan?

"Opo naman. At saka katulad nga ng sabi n'yo hindi naman automatic na sasagutin agad, e."

Tough Ten Question No. 4: Hindi pa kasi ina-announce, but kung malaman mo na hindi ikaw ang magiging Box-Office Queen, malulungkot ka ba?

"Ay, hindi naman po," sagot ni Sarah. "Katulad nga ng lagi kong sinasabi, sobra na po akong grateful sa lahat ng tumangkilik, sa lahat ng napasaya namin sa A Very Special Love. Malaking bonus na lang yung title na yun. Kahit saan o kanino mapunta yun, nirerespeto ko yun. At ako, masaya na ako sa kung anuman yung narating ng pelikula namin ni John Lloyd."

At nag-react pa si Kris na, "Siyempre, iba rin if you have the trophy and the crown. The fact na somebody certified your movie as the top movie, super accomplishment na yun. Sana sa iyo mapunta."

Tough Ten Question No. 3: Kung haharapin mo ang mga fans ng Bea-John Lloyd team-up, na yung ilan kumukontra sa team-up n'yo ni Lloydie, meron ka bang masasabi sa kanila para yung puso nila mabuksan para sa iyo at magustuhan ka rin nila?

"Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa mga tumangkilik... Sa mga Bea-John Lloyd fans, sa lahat ng tumanggap at sumuporta sa tandem namin ni John Lloyd. Nirerespeto ko po kung ano yung opinyon nila at hindi maiiwasan na hindi maiintindihan ng iba po. Pero naiintindihan ko. And same with Bea, kung makakatrabaho niya yung ibang leading men, maiintindihan din naman nila."

Ayon kay Kris, sa isang interview kay Bea inamin nito na nanood siya ng A Very Special Love at binati pa niya sina John Lloyd at Sarah. So, wala namang bad doon. Siguro naman hindi mo naman aagawin si John Lloyd, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, opo naman. Trabaho lang naman po yun."

Tough Ten Question No. 2: Theme song ng movie ang "You Changed My Life." Kung meron kang babanggiting tatlong lalaki na talagang nag-change ng life mo, sino ang mga ito at bakit?

Hindi agad nakasagot si Sarah na natawa sa question pero seryoso na niyang sinagot ito, "Siyempre po, unang-unang po ang aking manager na si Mr. Vic del Rosario. Tinupad niya yung pangarap ko. Patuloy pa rin siyang naniniwala sa talento ko hanggang ngayon.

"Pangalawang lalaki, siyempre ang daddy ko. Si Daddy kasi, 'eto, nakikita na niya yung trabaho ko. 'Eto, nakikita na niya yung improvement ko. Yung dalaga niya...parang naiintindihan na rin ni Daddy na I'm growing up at nandoon na rin yung tiwala niya sa akin. Naiintindihan na niya ako.

"At yung pangatlo, siyempre yung guwapo kong leading man, si John Lloyd Cruz. Simula noong success ng A Very Special Love, ang daming magagandang nangyari sa buhay ko. And, of course, yung friendship din na nabuo sa amin."

Ano yung mga magagandang nangyari na yun sa buhay mo?

Tila nahihiyang sumagot si Sarah, kaya si Kris na ang nabigay ng kanyang observation. Aniya, "Kasi, di ba, na-conquer mo na ang recording, tapos ang concert scene? Nagkaroon ka rin ng hit teleserye. So, pang-apat na ito na certified box office star ka na!"

Tough Ten Question No. 1: Habang ginagawa n'yo ang A Very Special Love and You Changed My Life, 'oo' o 'hindi' lang ang isasagot ha, nagka-crush ka ba nang totoo kay John Lloyd? Yung tipong nag-enjoy ka ba sa company niya?

Malakas muna ang tilian sa studio bago nakasagot si Sarah. "Yes! Kasi kapag ganun naman kaguwapo, kabait, at ka-professional ang leading man mo, siyempre mahahangaan mo naman. Katulad ng paghanga ko kay Piolo Pascual. So, yun po. I think wala namang masama doon sa paghanga na yun. At ang magandang naidudulot noon sa pelikula ay yung kilig talaga. Kaya sana makita muli nila yun sa You Changed My Life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nagpahabol pa ng bonus question si Kris. After John Lloyd, sino ang gusto mong maging leading man?

"Piolo. Naman, ang taas ng pangarap!" natatawang sagot ni Sarah.

Pero nag-comment naman si Kris ng, "Ang suwerte nga niya, e, kung ikaw ang magiging leading lady niya, in fairness. Uy, wala lang, kasi dati cute lang siya [Sarah], ngayon nakikita mo talaga na nagbu-bloom na siya. Ang ganda niya, in fairness!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN