Kris Aquino moved to tears by her mom Cory Aquino's birthday greeting

IMAGE 0


"I just want to say, kasi di ba kapag birthday, lahat nagha-happy birthday sa iyo? Pero dapat ang i-thank you nila talaga yung mom mo, kasi kung wala naman yung mom mo wala ka talaga dito. And I can say this na, kung anuman ako talaga in my totality as a person, as an entertainer, as a host, it's really because I have a good mom. A mom who always makes me feel loved," Kris Aquino said last Sunday in The Buzz after being greeted by her mother,


Sa February 14 pa ang birthday ni Kris Aquino, pero maaga itong ipinagdiwang sa The Buzz last Sunday, February 8. Magbabakasyon kasi si Kris with her family sa birthday niya.

Hindi napigilang maluha ni Kris nang magbigay siya ng mensahe para sa kanyang mahal na ina na si dating pangulong Corazon Aquino, matapos ang rare at exclusive interview ng The Buzz kay Mrs. Aquino kung saan tinalakay nito ang buhay ni Kris mula nang siya'y ipanganak noong February 14, 1971, hanggang sa ngayon.

Unang binalik-tanaw ni Mrs. Aquino ay noong isilang niya si Kris.

"Yun ang pinakamahirap na panganganak ko dahil I lost so much blood. At ang blood pressure ko naging zero-zero. I was really in very critical condition. I was 38 when I gave birth to Kris. Ngayon, puwede pa yata yun. Pero noong panahon ko medyo matanda na yun."

HUMAN TAPE RECORDER. At a very young age napansin na raw nila ang pagiging smart ni Kris.

"Kris was only a year and a half when Martial Law was declared. And of course, Ninoy [the late Senator Benigno S. Aquino, Kris's dad] was in prison. So, nagbago talaga ang buhay namin. Maski saan ako magpunta, sinasama ko yan. At pag nakikipag-usap ako sa mga lawyers ni Ninoy ay nakikinig yan. Parang tape recorder yan, e. She has a very retentive memory."

Isinalaysay din ni Mrs. Aquino yung time na nakasama si Kris sa campaign rally ng kanyang amang si Ninoy Aquino. Pati na rin noong maging presidente si Mrs. Aquino noong 1986 revolution.

Naikuwento rin ni Mrs. Aquino ang pagpasok ni Kris sa show business. After ng box-office hit movies at hit TV shows, iba't ibang titles ang idinikit sa pangalan ni Kris. In the movies, she became known as the Massacre Queen, for her true-to-life massacre films. She was also tagged as the Horror Queen, for her record-breaking horror flicks. Ilang beses din siyang naging Box Office Queen. Kris was also labeled as the Queen of Talk and the Queen of Game Shows, due to her success in hosting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kasabay nito ay ang iba't ibang controversies din na pinagdaanan ni Kris at nasaksihan ng kanyang ina.

"There were those difficult periods that I would tell her, 'Alam mo, Kris, marami na akong naituro sa iyo, kung ano'ng dapat gawin at hindi dapat gawin. Ang mas mahalaga para sa iyo ay manalangin ka. Makiusap ka sa Panginoong Diyos na tulungan ka, lalung-lalo na kapag meron kang problems na hindi mo alam kung ano'ng dapat gawin.'"

Ayon pa kay Mrs. Aquino, tulad ng ibang mag-ina, nagkakaroon din sila ng tampuhan.

"So, we have that relationship and of course, as a mother, everybody makes mistakes. The important thing is to acknowledge those mistakes and try to do better next time."

Taong 2005 nang magpakasal sina Kris at JamesYap. Mula noon, nakita raw ni Mrs. Aquino ang magandang pagbabago kay Kris. At kapag humihingi raw ito ng advice sa kanya.

"Basta sinasabi ko lang na, 'Kris, basta try your best to be a better person.' Spend more time with your children. And James has to be patient, you also have to be patient. The reason that your dad and I lasted was because we respected each other. We really love each other. We believe in each other. And tried to bring out the best in each other."

PROUD OF KRIS'S LOVE. At sa pinagdadaanang sakit ni Mrs. Aquino ngayon, ipinagmamalaki niyang laging naipaparamdam ni Kris ang pagmamahal sa kanya.

"She doesn't have to say it in words, e. I really don't need anything but I really thank you for doing these things for me. That I don't have to worry because even in my difficult times, I know you will be there for me."

Ang mensahe ni Mrs. Aquino para sa kanyang bunsong anak:

"Kris, I think you owe a lot to God, to your family, to your friends, and to all those people who have helped you. So, never forget that. And always think what it is that you can contribute to other people. Because you cannot just accept your blessings or take them for granted because, isipin mo, bakit ka binibigyan ng Diyos. There must be a reason for that. You should share your blessings."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKING CARE OF MOM. After maipalabas ang interview ay nagbigay ng kanyang mahabang pahayag at mensahe si Kris para sa ina, habang kasama niya si Boy Abunda.

"Kasi, Boy, my mom has rarely been interviewed since last March na she announced na she's sick, hindi talaga siya nagpapa-interview. This is the first sit-down interview she did. And super thank you. I think, siguro, ngayon ko masasabi na she brought me up well. Kasi ngayon ko masasabi na nag-mature na ako. Naging mabait, pasensyosa, masunurin.

"And siguro maganda yung timing. Kasi totoo naman talaga when James came into my life, I was ready. Kasi you have to be ready for the relationship, for the give and take, for the patience, for the love, for the respect. So, nung dumating siya [James] sa buhay ko, lahat napagdaanan ko na, kaya alam ko na kung ano yung dapat gawin at hindi gawin. So, as far as taking care of my mom, parang feeling ko talaga, it feels so good to have what we have kasi na-spoil natin yung mom natin. Di ba, Boy?

"Every time na sinasabi ng mom ko na, 'You've given me too much, tama na.' Gusto kong sabihin na, 'Mom, ano ba? You deserve all of these and so much more.' Kasi, di ba sa showbiz, alam natin ang daming breadwinner? Yung mom ko talaga, ako na yung bigay nang bigay 'tapos gusto niya isoli. Sinasabi niya, 'Huwag, huwag.' It makes me happy, kasi yun nga, that's the purpose to be able to share. Siguro napalaki ako nang tama kasi nakita ko yun na ang mom ko at dad ko, how they cared for each other.

GIVING BACK. "For this birthday, I tried kasi na every birthday ko, meron akong charity na ise-share-an. So for this year, kasi there's a Ninoy Aquino Scholarship Fund sa San Beda, so, I know it will make my mom and dad happy. So, yung hiningi nila, medyo malaki, ha, binigay ko. Parang ano yun, isang buong paycheck, binigay ko. I know kasi na you have to give back. Sa dami ng tinatanggap nating biyaya, ano ba naman na ibahagi mo yung porsiyento nun sa lahat ng tao who supports us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa bahaging ito ay nagsimula nang maluha si Kris...

"Can I take this opportunity? Parang before, I never really thought na magkaka-birthday ako na my mom would still be here. I just want to tell my mom na she's super nice talaga. Kasi totoo naman na when we [James] fight, I make sumbong. Siyempre pag mag-asawa kayo, nag-aaway kayo. Sasabihin ko, 'Mom, ayoko na.' Ang mom ko ang nagsasabi talaga na we pray for each other and, 'Always think na hindi lang siya yung may pagkakamali, ikaw din.'

"And siguro I would say na my marriage is in a good place right now kasi yung family ko hindi sumuko. They tried to suppport the two of us to make it work. And I think, for any married couple talaga, when you have your family's support, titibay talaga kayo. Kasi walang nanunulsol, walang naninira and all. Then, iniintindi at sinusuportahan ka.

THANKS, MOM. "I just want to say, kasi di ba kapag birthday, lahat nagha-happy birthday sa iyo? Pero dapat ang i-thank you nila talaga yung mom mo, kasi kung wala naman yung mom mo wala ka talaga dito. And I can say this na, kung anuman ako talaga in my totality as a person, as an entertainer, as a host, it's really because I have a good mom. A mom who always makes me feel loved. Wala akong angst na masasabi sa pamilya kasi talagang naramdaman ko yung pagmamahal through all the worst and through all the best.

"And that's the best part, kapag happy ka, you have someone to celebrate with. I love you so much, mom. Thank you for loving me, James, and my kids. Talaga sana, Boy, ma-extend pa yung life ng mom ko. I want to say thank you also kasi nagre-red siya. Kasi pinagbibigyan niya ako. Kasi pina-feng shui ko yung mom ko for her health, di ba? Kasi sinabi na kailangan ang suotin niya isa red, pink, and orange. So, every time na alam niyang makikita ko siya, red, pink and orange ang sinusuot niya para hindi ko raw siya kulitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you talaga to everybody na parati siyang pinagdarasal. Kasi yun na lang, e, extension na lang talaga and thank you na she's still with us. And ngayon ko talaga naa-appreciate na the biggest sa lahat ng blessings na ibinibigay ni God sa akin, He really gave me a wonderful mother. Thank you so much."

Nagpasalamat din si Kris sa staff ng The Buzz para sa magandang interview sa kanyang mommy. Kahit na nga ibinuking ni Kris na hindi na siya nasorpresa nang todo dahil nung maaga siyang dumating sa set ay nakita niya na yung script. Hindi na nga lang binasa ni Kris yung part ng kanyang mommy, para meron pa ring konting element of surprise.

Binati rin ni Kris ang kanyang asawang si James Yap sa nalalapit na rin nitong birthday.

"Kay James, advance happy birthday. The fact na love ka ng mom ko, it means you're a good person. So, you stay good, love you."

Sa huli, pinasalamatan ni Kris ang kanyang mga bosses sa ABS-CBN. Inamin niya na 12 years na siya sa Kapamilya network at pumirma siya ng additional five years contract noong late December.

"I love being part of this netwrok. Thank you for everything you've done for me. And I'm looking forward to doing so much more in this network," huling wika ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN