Toni Gonzaga on success of team-up with Sam Milby: "Siguro dahil hindi kami."

IMAGE 0


"If you're really friends and you work as partners, you bring out the best in each other. Siguro, yun ang mayroon kami ni Sam," says Toni Gonzaga about her tandem with Sam Milby.


Pagkatapos ng tagumpay ng tatlong pelikulang pinagtambalan nina Toni Gonzaga at Sam Milby—You Are The One, You Got Me, and My Big Love—marami sa mga tagahanga nila ang naiinip na sa susunod na pelikulang pagtatambalan nila. Wala man silang pelikulang gagawin sa ngayon, isang duet album naman ang handog nila para sa kanilang mga tagahanga.

"Siyempre, pinapasabik muna namin sila," ani Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero mahal na mahal namin talaga ang mga Sam-Tiners dahil binigyan nila kami ng magandang opening movie. Yung first movie namin hanggang sa mga sumunod, sinuportahan nila talaga.

"May gift naman kami ni Sam sa kanila, bagama't hindi na kami nagsasama sa television or sa pelikula. We'll be coming up with an album. The title of the album is Love Duets, the whole album is a duet and it's under Star Records. Na-realize namin ang dami na naming nagawang movies, mga TV shows na magkasama kami. I think, this time, it's about time to give it back to our fans by giving them an album.

"Actually, we recorded seven cover songs na duet talaga, tapos mayroon na kaming na-record na before like 'If Ever You're In My Arms Again,' 'You Are The One,' isasama din yun. Last year pa nag-record si Sam; ako, this year ko nasimulan. Now, natapos na namin lahat ng kanta," kuwento niya.

Tinyak din ni Toni na magugustuhan ng mga tao ang album nilang ito ni Sam dahil kakaiba raw ang style at approach nito kumpara sa ibang albums.

"We made good music talaga ni Sam!" sambit ni Toni. "Narinig ko yung boses niya, tapos na-finalize namin. Natuwa ako kasi masarap siyang pakinggan sa tenga. It's something na masarap na pakinggan, so, sana magustuhan din nila. Hindi siya typical kasi may transition ang bawat kanta. Hindi siya pagkatapos ng track 1, track 2 agad. May transition music, may mga tawid. Lahat ng music, connected to one another."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano sa palagay niya ang mayroon ang tambalan nila ni Sam at kinakagat at sinusuportahan ito ng mga tao?

"Siguro dahil hindi kami," sagot ni Toni. "Narinig ko 'yan kay Ted Failon and Ms. Korina Sanchez. They've been partners for 15 years, tinanong sila kung bakit nagki-click ang tandem nila. Sabi ni Ted, because hindi raw sila ni Korina. Maybe because of the partnership, walang ilangan, kasi hindi kayo. If you're really friends and you work as partners, you bring out the best in each other. Siguro, yun ang mayroon kami ni Sam."

MOVIE WITH SEN. BONG. Sa nakaraang thanksgiving party ni Bong Revilla para sa entertainment press ay nabanggit niya na pinanghihinayangan niya na hindi natuloy ang pelikulang pagtatambalan sana nila ni Toni sa Star Cinema.

Ayon sa actor-politician ay matagal na niyang gustong makasama sa isang proyekto si Toni, pero dala ng kanyang hectic schedule ay hindi ito magkakaroon ng katuparan sa ngayon.

Aminado si Toni na kahit siya ay nakaramdam ng panghihinayang sa nangyari. Pero positibo siya na matutuloy rin ito sa tamang panahon.

"Sayang nga, kasi siyempre Senator Bong Revilla yun. Kasi, lahat naman yata gustong makatrabaho ang mga beteranong artista. Nagkaproblema yata sa schedule ni Senator Bong kasi may gagawin yata siyang isang movie [Panday], nagka-conflict, hindi kakayanin. Pero may right timing naman ang lahat, siguro sa ibang pagkakataon."

Ayon kay Toni, napanood na niya ang ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Bong with his respective leading ladies at nagustuhan naman niya ang mga ito.

"Napanood ko na sa Cinema One yung mga movies niya, mga action, yung movie nila ni Judy Ann [Santos], Sharon [Cuneta], kay Ms. Maricel [Soriano]... Actually, maganda yung movie nila ni Ms. Maricel, yung away-bati sila nang away-bati. Nagandahan ako dun.

"Yung sa amin, darating din yung time. Hindi naman ako nagmamadali, lahat naman nasa perfect timing lang. Hindi kailangang pilitin o madaliin," saad ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Toni sa PEP ang experience niya nang humingi siya ng tulong noon kay Senator Bong noong kagawad pa ang TV host-actress sa kanilang lugar sa Antipolo.

"Siguro mga two to three years ago pa yun, kalilipat ko lang sa ABS. Lumapit ako sa kanya before, pumunta ako sa office niya, sa Senate. Humingi ako ng dental chairs para sa mga kabarangay ko nga, and he was very approachable and accommodating. I think he was able to help kasi, siyempre, pagkatapos ko siyang kontakin, yung mga taga-barangay na yung kumontak sa kanya. Kumbaga, ako yung ginawang koneksiyon," lahad ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN