Kitkat disappointed by slow pace of case she filed against her ex-boyfriend

IMAGE 0


"Nakaka-disappoint talaga ang kabagalan ng hustisya sa atin, ang kawawa yung biktima, e. Lalo na sa kaso ko na wala naman akong mailabas na money. Iyong attorney kasi, yung mga tumutulong sa akin, pulos libre iyon, gratis, talagang tulong iyon sa akin, e," says Kitkat about the slow pace of her suit against her ex-boyfriend.


Disappointed ang komedyanang si Kitkat sa mabagal na takbo ng kasong isinampa niya sa dating kasintahan na si Alfred Santos Lumanlan, na inakusahan niya ng pagnanakaw more than three months ago (November 11, 2008).



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kitkat na isa sa panauhin last Friday sa Celebrity Night ng National Press Club sa Intamuros, Manila, together with Ivy Violan at Dianne Medina, sinabi niya rin ang grabeng traumang sinapit bunga ng naturang pangyayari, kaya kinailangang sumailalim pa siya sa ilang psychiatric sessions.



"Nakaka-disappoint talaga ang kabagalan ng hustisya sa atin, ang kawawa yung biktima, e. Lalo na sa kaso ko na wala naman akong mailabas na money. Iyong attorney kasi, yung mga tumutulong sa akin, pulos libre iyon, gratis, talagang tulong iyon sa akin, e.



"Kaya ang hirap din, kasi, nakakahiya din namang mag-follow-up na 'pabilisan-pabilisan', yung ganoon? Kasi siyempre, libre lang nga at wala rin naman nga akong mailalabas na pera, e.



"Kasi ang hearing, nakakatatlo na, e ang hustisya naman talaga dito sa atin sa Pilipinas, ang process talaga, tatlong beses maghi-hearing. 'Tapos siyempre iaakyat pa ng fiscal yung resolution, 'tapos iaakyat sa korte, at yung korte pa lang ang maglalabas ng warrant of arrest," mahabang panimula ng singer-comedienne.



Pahabol pa ni Kitkat, "Nang mangyari iyon, talagang nagkaroon ako ng eating disorder, na sa tuwing kakain ako ay nasusuka ako talaga, 'tapos hindi ako nakakatulog. So, talagang na-trauma ako at nagpa-psychiatrist pa ako, bale seven sessions iyon."



Wala ba siyang intensiyong humingi ng tulong sa mga cause-oriented group tulad ng Gabriela?



"Yeah, iniisip ko iyon, sinasabi ko sa attorney ko na kung puwedeng magsampa ng kasong violence against women, kasi raw, once na isinampa na namin iyon, iyon na raw, lalapit na ang Gabriela. Pero pinag-iisipan ko talaga iyan at inaano namin yung mga papers, kung papaano dapat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa kay Kitkat, mula nang nangyari ang insidente ay hindi pa sila nagkita ng ex-boyfriend niya. "Hindi pa, nagtago iyon, e. Kahit yung may time na ako pa ang binaligtad niya at sabi niya ay makikipagkita na siya kay DOJ Secretary [Raul] Gonzales, hindi naman sumisipot. Kasi, lumapit na ako talaga sa DOJ, hindi ba?"



SUSPICIOUS OF MEN. Inamin din niyang mula nang nangyari ang naturang pagnanakaw, lahat ng lalaki ay pinagdududahan na niya sa kanilang mga intensiyon.



"Parang lahat ng lalaki ngayon ay pinagdududahan ko, kahit naka-recover na rin ako.



"Kasi, kahit naka-move-on na ako, parang kapag may nanligaw sa akin ay babalik yung naramdaman ko rati, parang mato-trauma ulit ako, e. Kasi isipin mo, yung six years na pinagsamahan namin, buong buhay ko ay kilala ko na iyon, e. I thought kilala ko na, pero hindi pala. So, paano pa yung mga bago ko pa lang makikilala?" seryosong sagot-tanong pa niya sa PEP.



"Kung may gustong manligaw? Magpapaligaw naman ako, pero this time, I'll be more careful at hindi na lahat ay ibibigay ko.



"Kasi yung pera ay kikitain ko iyon, e, pero ang sobrang nasaktan lang talaga ako ay iyong betrayal, na yung boyfriend na pinagkatiwalaan, minahal ko at lahat na, iyon pa ang gumawa sa akin ng ganoon, sumalbahe. Kaya kailangang mabigyan talaga siya ng leksiyon. And talagang aral sa akin ang pangyayaring iyon," pahabol pa niya.



THANKFUL FOR ALL THE SUPPORT. Ukol naman sa kanyang career, natutuwa si Kitkat sa patuloy na suporta ng ABS-CBN sa kanya. "Sabi nga nila, you can't have the best of both worlds. So, kung wala akong lovelife, masaya naman ako sa project at sa money na darating.



"Nagte-taping na kami ng Maruja, starring Kristine Hermosa sa ABS-CBN na ang papel ko ay best friend niya. Tapos, may Star Magic Extravaganza kami sa June 26 sa San Francisco, USA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kapag Friday, Saturday, at Sunday ay nasa Laughline, sa Punchline o kaya ay sa Metro Bar ako. Thankful nga ako sa mga kaibigan na tumutulong at sumusuporta sa akin, at siyempre, sa awa ni God."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN