Regine Velasquez on Ogie Alcasid: "If I'm not gonna end up with him, tama na."

IMAGE 0


"Ay, alam mo, sobrang sweet 'yan! Kung wala mang card, yung bond paper, tapos isa-isa yung letters na kunwari I LOVE YOU o kaya yung '10 reasons why I love you' na naka-bond paper. Tapos nakakalat," says Regine Velasquez about the sweet things that Ogie Alcasid does for her.


Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Ogie Alcasid sa presscon ng Totoy Bato kagabi, February 15, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

May bago pa ba siyang nadi-discover sa singer-songwriter?

"Siyempre," sagot ni Regine. "Kasi ang alam ng mga tao kuripot talaga siya, but not with me. Pero marami pa kaming nadi-discover about each other na nakakatawa. Like ako, apparently, nagagalit din pala ako sa kanya. Kasi basta pag nagwo-worry ako... Ayoko ng nagwo-worry ako, like, 'Saan ka galing?' E, siya naman eternally na niyang ginagawa, aamuin niya lang ako."

Nagwo-worry siya dahil sa anong reason? Dahil ba hindi nagte-text, hindi nagpapasabi?

"Oo, yung ganun. Kasi may usapan naman na kami na pag sinabi mong makakauwi ka ng ganun sa bahay mo, uuwi ka ng ganun kasi tatawag ako, e. May sakit kasi ako na naaalimpungatan ako ng five o' clock in the morning. Tapos tsine-check ko, wala pa sa bahay. Kasi hindi ako mahilig na every hour tsine-check mo, 'Nasaan ka?'

"Hindi kasi ako ma-cell phone. Hindi ko talaga gawain yung ganun. Basta sasabihin mo sa akin na kung uuwi ka ng 1 [a.m.], dapat umuwi ka ng 1. Kung uuwi ka ng 5 [a.m.], e di uuwi ka ng 5. Huwag yung 1 mo sasabihin, tapos uuwi ka ng 5. Naaano ako dun, kasi baka kung ano ang nangyari.

"Thinking ng lahat baka nambabae siya. Sabi ko, ang babaw naman nun. That's not what I'm worried about. I worry about your safety. Tapos ang pinaka-worry ko, paano kung may mangyari sa kanya, tapos I'm not able to get there. Hindi ko kaya yung ganun. Naloloka ako. Ayoko ng ganun. Tapos hindi sinasagot yung phone, di ba, nakakaloka naman talaga yun? Parang, 'Ano ang nangyari?'" mahabang lahad ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit kaya sa tingin ni Regine ay hindi sinasagot ni Ogie yung phone niya minsan?

"E, minsan nakatulog na siya. Yung ganung tipo ba. Kasi alam mo, hindi 'yan lumalabas lagi. So, the very few times that he can go out with his friends, I let him be. I don't even call. I don't check up on him. Kasi kapag sinabi mong kasama mo ang friends mo, yun ang papaniwalaan ko."

Wala pa silang major fight?

"Yun lang lagi ang pinag-a-argue-han namin—pag hindi siya nag-o-on time. Kung hindi siya mag-o-on time, at least to let me know na, 'I'm going to be late.' I'm not gonna wait up anymore, kasi hinihintay ko siya, e. Hihintayin ko na tawagan niya ako. Ayoko na ako yung tumatawag. Kasi ayoko ng kinukulit mo na, 'Bakit wala ka pa sa bahay?'"

Inamin din ni Regine na mahilig siyang dalawin si Ogie sa taping ng shows nito like Bubble Gang.

"I try to come. And he likes it when I visit him. Weird, 'no? Kasi normally, yung iba, ayaw nilang dinadalaw sila. Siya, gustung-gusto niyang dinadalaw ko siya. So, ako naman, sinasamantala ko kasi baka dumating yung panahon na ayaw na niya!" biro ni Regine.

AFFECTED BY PREDICTION. Kabi-kabila ang lumabas na predictions early this year para sa mga taga-showbiz. Isa sa mga prediction na 'yon ay magkakahiwalay daw at hindi raw magtatagal ang relasyon nina Regine at Ogie. Naapektuhan ba si Regine ng prediksyon na ito?

"I have to admit that I got a little bit crazy with that prediction," sabi niya. "Parang na-affect ako, kasi parang sa punto ng relasyon namin ngayon, parang hindi ko na yun kaya na may mga ganung pangyayari pa. Parang set na kasi yung mind ko na ito na yun. So, medyo na-affect talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although now that I think about it, hula yun, e. It still depends on the both of us kung paano namin iha-handle yung relationship. Kasi puwede naman talaga na...lagi namang may nangyayari, e. At hindi naman yung kunwari pambababae lang yung reason. There's a hundred or thousand of different reasons para magkaroon ng conflict ang isang relasyon, di ba? So, ang iniisip ko na lang, kung darating ang mga yun, at darating talaga ang mga conflicts na yun—kasi nandiyan yun, e, inevitable 'yan, e—all we have to do is to keep talking, to keep understanding each other."

Don't they consider it na parang to make them aware?

"Alam mo yun nga ang na-discover ko, e, na parang bata pala akong mag-isip. 'Hindi ko kaya 'yan, ayoko 'yan.' Pero yun, lagi naman niya akong...he doesn't give me any reason to believe na totoo yung mga ganun. Although, pinatawag ko si Joy Lim, para humingi ng anting-anting, ng charms and crystals para protection!" natatawang sabi ni Regine.

Nabanggit ni Regine na generous sa kanya si Ogie. In what way siya generous?

"He's very, very generous when it comes into... You know, he's not into yung mga name brands—ako yun, e. So, ngayon, natututo siya sa mga ganun. Pero ibinibigay niya yun sa akin, not because of himself, but because he knows that I like. Pero hndi ko yun hinihingi. But he likes to give it to me. Kasi alam niya mayabang ako, e. Because, he knows I always ask for cards lang, 'coz that I cannot buy. Lagi yun ang hinihingi ko sa kanya eternally. Kasi yung mga Chanel, afford ko kaya yun!" may halong birong sabi ni Regine.

MEMORABLE VALENTINE. Noong nakaraang Valentine's ba naging generous sa kanya si Ogie?

"He's very generous talaga," sagot naman ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At pinansin ng PEP ang bagong kuwintas, na may diamond heart-shaped pendant, na suot ni Regine during the presscon. Yun ba ang Valentine gift ni Ogie sa kanya?

"Hindi ko nga pinagsasabi. Kayo talaga!" sabay tawa nang malakas ni Regine.

Ano ba ang mga naging activities nila last Valentine's Day?

"Basta may mga surprise siyang dinner sa house. Nanood kami ng Peter Cetera concert, tapos pinag-spa niya ako. Talagang nag-abala siya. Super-effort. Sabi niya, 'Just come along.' Before that, nag-shopping muna kami sa Makati. Basta may mga ganun-ganun siyang drama. Parang kailangan lang niya akong hatakin out of the house. Sa bahay kasi yung dinner," kuwento ni Regine.

So, may kakutsaba siya sa dinner n'yo sa house?

"Yeah. Basta it's so sweet. It's so romantic. The whole day magkasama lang kami. Tapos, tawa ako nang tawa. Tanong kasi ako nang tanong, 'Ano ang nangyayari? Meron kang something ano?' Tapos nabubuwisit siya, hindi siya marunong mag-lie. 'Wala ha,' pero natatawa siya."

Yun ba ang pinaka-sweet na nagawa sa kanya ni Ogie?

"He has always been sweet," sagot ni Regine. "Kahit yung mga times na... Kasi nakakaawa nga kami during the times na hindi pa kami out, hindi kami maka-celebrate. So, nakakatawa lang."

Ano naman ang iniregalo niya kay Ogie last Valentine's?

"Shoes. Huwag n'yo nang tanungin ang brand," ani Regine, sabay tanong sa press kung ano yung pamabata na shoes at natawa siya nang sabihin ng PEP na Tom and Jerry.

Nagpapabonggahan ba sila ng gifts?

"Hindi. Ayoko nga, e, kasi nape-pressure din ako," sagot niya. "I'm sure siya nape-pressure din siya. Kasi ang gusto ko lang naman, card nga. Pero siya, nag-super abala siya. Na-appreciate ko yun. Kasi yung ibang times naman, lagi kaming may trabaho o hindi kami makakalabas. Pero ito yung first year namin na bumonggang-bongga talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil gusto nga ni Regine na merong cards, ibinahagi pa ng Songbird sa press kung ano pa ang ginagawa ni Ogie aside from giving her cards.

"Ay, alam mo, sobrang sweet 'yan!" pagmamalaki niya. "Kung wala mang card, yung bond paper, tapos isa-isa yung letters na kunwari I LOVE YOU o kaya yung '10 reasons why I love you' na naka-bond paper. Tapos nakakalat."

Sabi pa ni Regine, talagang itinatago niya at kinu-collect ang mga papers na ito.

"Basta, I have a special place for it. I really collect them. Dream ko yung madaming-madami."

Ayon kay Ogie, ikamamatay daw niya kung hindi pa sila ni Regine ang magkakatuluyan. Ano ang reaksyon niya rito?

"Kinilig daw ako!" bulalas ni Regine. "E, maski naman ako. Wala naman akong iba, isa lang siya. Actually, may nagsabi sa akin nga... Nanay ni Jaya yun, si Tita Elizabeth [Ramsey]. Sabi niya talaga sa akin, 'Ikaw, nag-promise ka sa sarili mo.' Huh...nagulat ako. Pero she doesn't know that it's him [Ogie], she does know that I'm in a relationship. Kasi meron siyang ganyan, e, clairvoyant yata siya, e. Sabi niya sa akin, nag-promise daw ako sa sarili ko na pag hindi siya, ayoko na. Nagulat ako, kasi totoo talaga yun. Parang it's part of my prayers, na I'm praying and I said that if I'm not gonna end up with him, tama na."

PERFECT COLLABORATION. Sa next movie project daw ni Ogie sa Regal Entertainment, kay Regine daw galing ang concept.

"Ako lang yung nagbigay ng concept. Kasi ang hilig-hilig niya kapag meron siyang project, tatanungin niya ako. Sasabihin niya, mag-isip ka. Mag-iisip naman ako. Isip ako ng five minutes. Tapos, after ng five minutes, meron na. Ang galing!

"Actually, we work on it, hindi naman ako lang, e. Pero bibigyan niya ako ng scenario, then I'll do it. Tapos along the way, habang ikinukuwento ko, siyempre may inputs na rin siya, he writes. Siya yung nagsusulat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling na hindi lang yung mga puso nila ang nagko-collaborate kundi pati ang mga isip nila?

"Ang ganda ng sinabi mo, in fairness," nakangiting sabi ni Regine. "Pareho kasi kaming creative, e. Pagdating dun sa mga ganun, pareho kami talaga ng interest. Sabi nga sa 'yo, bihirang-bihira kaming mag-away. After the fight, the following day, talagang tawang-tawa kaming dalawa.

"Actually, it's so nice to be in a relationship, yung hindi ka nape-pressure. Yung nagsu-shoot nga ako ng Ako Kim Samsoon, lungkot na lungkot ako, although I'm really having a great time. Ang ganda kaya ng Kim Samsoon, enjoy na enjoy ako! Kaya lang, nalulungkot ako kasi three times a week, wala talaga ako. Hindi kami nagkikita kasi nasa Tagaytay ako. Hindi ko siya talaga nakikita. So, ngayon, at least happy ako dito sa Totoy Bato kasi uwian ako."

THIRD TIME WITH BINOE. Speaking of Totoy Bato, puring-puri naman ni Regine ang leading man niya rito na si Robin Padilla.

"He's really a great guy. And we're really good friends. We respect each other. We even share some personal secrets. Actually, bago n'yo [enetertainment press] pa malaman na kami na ni Ogie, nauna na siyang nakaalam when we shoot yung movie naming Till I Met You," pag-amin ni Regine.

Ang Totoy Batoang ikatlong pagsasama nina Regine at Robin. Nauna na rito ang mga pelikulang Kailangan Ko'y Ikaw at Till I Met You. Nagseselos pa ba si Ogie kapag magka-partner sila ni Robin?

"Matanda na siya, huwag na siyang magselos!" biro ni Regine. "He's very secure and he knows his place. Iba na ngayon e, matatanda na kami."

Bukod kina Regine at Robin, kasama rin sa Totoy Bato sina Manny Pacquiao, Eddie Garcia, Ian Veneracion, Caridad Sanchez, Joonee Gamboa, Ronnie Lazaro, Rommel Padilla, Deborah Sun, Ehra Madrigal, Jolo Revilla, LJ Reyes, Tuesday Vargas, Mon Confiado, Sweet Ramos, Ralph Padilla, at ang panganay na anak ni Robin na si Queenie Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May special participation din dito si Ara Mina bilang asawa ni Robin.

Magsisimula na ang Totoy Bato sa February 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN