Angelika dela Cruz wants to feel pain of giving birth

IMAGE 0


"Ayoko ng sasaksakan ako ng pampamanhid. Gusto ko talagang ma-feel ang pain. Gusto kong maranasan ang naranasan ng mommy ko noong ipinanganak niya ako. Nag-take up naman kami ni Orion ng Lamaze classes para alam ko ang proper breathing," says Angelika dela Cruz about wanting to have a normal delivery.


Nasa ika-8th month na ng kanyang pagbubuntis ang aktres na si Angelika dela Cruz. Kahit na medyo nahihirapan na siya sa kanyang malaking tiyan, hindi pa rin daw siya mapigilan na lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sa taping ng isang show sa GMA-7 ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelika. Masaya niyang ikinuwento ang kanyang pagbubuntis at pamamasyal dahil marami na siyang libreng oras ngayon.

"Galing nga lang ako sa mall kanina. Naglakad-lakad ako para ma-exercise ako at hindi ako manasin. Hindi nga ako mapigilan ng mister ko!" tawa ni Angelika.

Dagdag niya, "Gusto nga ni Orion [Casareo, her husband] na nasa bahay lang ako at baka kung ano pa raw ang mangyari sa akin. E, nabu-bore ako sa bahay namin kaya gala ako nang gala. Wala namang mangyayari sa akin kasi may kasama ako parati. 'Tsaka magandang exercise nga raw ang maglakad-lakad ako, sabi ng doctor ko. Para raw hindi ako mahirapan manganak."

WAITING FOR GABBY. Handa na raw ang lahat para sa pagdating ng baby nina Angelika at Orion ngayong April. Gabriel ang ipapangalan nila sa kanilang baby boy at Gabby ang magiging nickname nila para rito.

Matagal na raw tapos ang baby room ng kanilang baby. Kulay mint green ang napili ng mag-asawa. Kumpleto na raw ito sa mga gamit na yung iba ay mga regalo sa dalawang baby shower na ibinigay kay Angelika.

'

"May third baby shower pa ako na si Tanya (Garcia) ang magbibigay," masayang balita niya. "Sabi ko nga na blessed na blessed itong si Baby Gabby kasi ang daming nagmamahal sa kanya. Mula sa pamilya ko, sa pamilya ni Orion, at sa mga kaibigan ko in and out of showbiz.

"Kaya marami na ang nag-aabang sa paglabas niya. Ako nga, kung puwede lang ilabas ko na siya agad, dahil ang dami nang naghihintay talaga. Pero siyempre, hintayin natin ang tamang buwan para diyan. Isang buwan na lang naman, e, at makikita na namin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEEL THE PAIN. Normal delivery ang gusto ni Angelika at ng mister niyang si Orion. Ayaw raw ng aktres na tulog siya dahil gusto niyang maramdaman ang sakit ng pagiging isang ina.

"Napag-usapan naman na namin ni Orion na gusto ko ay normal delivery. As in, iire ako hanggang sa lumabas siya. Kung saan siya nabuo, doon siya lalabas dapat, di ba?" sabay tawa niya.

"Binigyan naman ako ng choice ng doctor ko, e. Pero ayoko ng sasaksakan ako ng pampamanhid. Gusto ko talagang ma-feel ang pain. Gusto kong maranasan ang naranasan ng mommy ko noong ipinanganak niya ako. Nag-take up naman kami ni Orion ng Lamaze classes para alam ko ang proper breathing.

"Tsaka hindi naman yatang maganda na kukunan ako ng video ng mister ko na para akong bangag, di ba? Gusto ko ay gising na gising ako. Excited na nga si Orion kasi makakasama ko siya sa delivery room. Gusto ko rin na siya rin ang mag-cut ng umbilical cord."

THE JOY OF BEING A MOTHER. Pagkapanganak ni Angelika ay magpapahinga muna siya ng ilang buwan para ma-feel ang pagiging ina niya. At the same time ay magpapa-sexy daw siya ulit dahil ang laki ng itinaba niya. Nakiusap nga siya sa amin na huwag siyang kunan ng full body dahil sobrang laki na raw niya talaga.

"Bigla raw akong na-conscious sa katawan ko!" sabay tawa niya. "Kasi naman, buong buhay ko noong single ako, diet ako nang diet. Lahat ginawa ko para pumayat, di ba? Tapos bigla akong nabuntis at lumaki ang katawan ko!

"Pero never ako nakaramdam na pumangit ako. Hindi ba, may gano'ng feeling ang mga buntis minsan? Masayang buntis nga raw ako at ini-enjoy ko ang paglaki ng tiyan ko. Kumbaga, chance ko na itong kainin ang mga hindi ko makain noon.

"Pero siyempre, after nitong lahat, gusto kong bumalik sa dati kong katawan. Isa nga sa gagawin ko ay ang mag-breastfeed kasi mabilis makabawas ng timbang 'yon, and at the same time ay may bonding kayo ng baby. Two in one, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHURCH WEDDING. After makapanganak ni Angelika ay ang church wedding naman nila ni Orion ang sunod na aasikasuhin nila. Sa December 2009 ito magaganap, pero ngayon pa lang ay inaasikaso na nila ito.

"Kaya nga gusto kong maging sexy agad para maganda akong tingnan sa wedding gown ko," ngiti niya. "By that time, eight months na si Gabby kaya puwede na siyang maging ring bearer namin. Kaya this early, inuunti-unti na rin namin ang preparations for that.

"Mabilis ang pagdaan ng mga buwan ngayon. Before we know it, nakakalahati na tayo ng 2009. Kaya gusto namin ay planado lahat para walang masyadong problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN