Dennis Trillo on Valentine's date with Heart Evangelista: "Aantayin ko kung kailan siya magiging ready."

IMAGE 0


"Siguro hindi ako makapagsalita ngayon kung paano o saan. Pero sigurado ako, kung saan man yun, isang lugar yun na hindi niya makakalimutan kapag dinala ko siya dun," says Dennis Trillo when asked where he will bring Heart Evangelista, if ever, on their Valentine's date.


Ipinarinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis Trillo ang taped interview namin kay Heart Evangelista, kung saan sinabi ng aktres ang kanyang five sexiest and most attractive male celebrities. Ito ay sina Richard Gutierrez, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Aljur Abrenica, at si Dennis. (Click here to read related story.)

Nang tanungin si Heart kung sino sa limang aktor ang gusto niyang maka-date sa Valentine's, si Dennis ang pinili niya.

Ano ang reaksiyon ni Dennis sa pagkakapaili sa kanya ni Heart na maka-date ngayong Valentine's?

"Wow! Abot-tenga yung ngiti ko ngayon. Kung camcorder ang dala mo, makikita na abot-tenga yung ngiti ko!" natatawang sabi ng aktor.

"Siyempre, "patuloy niya, "unang-una, sobrang natutuwa talaga ako. Kasi open ako talaga sa paghanga at pag-admire ko sa personality niya, hindi lang sa talent niya. And na-surprise ako na marinig 'yan na nanggaling sa kanya. Natuwa ako na sobrang honest siya pagdating sa ganun.

"Ah, ano... Ano ba ang masasabi ko? Sobrang speechless!" pahabol pa ni Dennis.

Sa interview rin namin kay Heart, sinabi nitong tatlong Valentine's pa raw siguro bago siya maging ready if ever makikipag-date nga siya kay Dennis. Ano ang masasabi rito ni Dennis?

"Aantayin ko kung kailan siya magiging ready," nakangiting sabi naman ng aktor.

Kung saka-sakali, saan niya dadalhin o ide-date si Heart?

"Ah, sa ano siguro... Saan ba? Wala akong maisip, ginulat mo ako, e! Hindi ako makapaniwala. Siyempre, kailangang pagplanuhan ko 'yan, kailangang unique talaga. Yung talagang... Siguro hindi ako makapagsalita ngayon kung paano o saan. Pero sigurado ako, kung saan man yun, isang lugar yun na hindi niya makakalimutan kapag dinala ko siya dun.

"Tutal, ano pa naman yun, matagal pa. So, maghahanap ako ng isang talagang espesyal na lugar. Kasi kumbaga, may panahon ako para mag-prepare para sa ano na 'yan, so dapat special talaga," namumulang pahayag ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ABORTED TEAM-UP. Pero napalitan kahit papaano ng kalungkutan ang kaligayahan ni Dennis dahil hindi na nga matutuloy ang pagsasama sana nila ni Heart sa Sine Novela ng GMA-7 na Muling Buksan Ang Puso.

"Siyempre, sobrang ano ako... Kasi para bang na-set na yung utak ko, e. Alam mo ba yung feeling na parang meron kang gustong restaurant na puntahan, na pagpunta mo, naka-set na kung ano yung kakainin mo, tapos pagkita mo, sarado yung restaurant. Parang ganun.

"Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Nasa GMA naman siya, so definitely magkakatrabaho at magkakatrabaho pa rin kami. Basta masaya ako sa narinig ko kanina, okay na ako dun!" saad ni Dennis.

VALENTINE'S DAY. Ano ang plano niya ngayong Valentine's?

"May trabaho ako sa 14, sa Saturday," sagot ni Dennis. "Hanggang mga alas-diyes ng gabi, may trabaho ako, e. Rehearsal yun para sa SOP, mga hanggang alas-diyes yun. Tapos may promo rin kami sa Gagambino sa hapon.

"Pagkatapos ng trabaho, hindi ko pa alam. May party si Dingdong [Dantes] sa gabi sa bahay niya, para sa mga walang date sa Valentine's. Baka nandun ako."

DREAM ROLE. Sa dami na ng mga papel na ginampanan na ni Dennis sa pelikula at telebisyon, meron pa rin siyang dream role...

"Ang dami pa! Pinaka? Gusto ko ano, e, salbaheng pulis! Kasi ano, e, kapag nanonood tayo ng pelikula, isang klaseng pulis lang ang madalas na nakikita natin. Hindi natin alam...hindi ko sinasabing lahat sila masama, pero kailangang maipakita natin ang bawat side, ang bawat facet ng character nila. 'Tsaka magandang ano, e, naka-uniporme tapos yun, masama.

"Parang ano, alam mo yun, conflicting ideas. Mas kakaiba kasi sa akin, mas okay, e. Hindi naman sa gusto kong makagawa ng ingay, gusto ko lang gumawa ng project na kakaiba dahil yung mga kakaiba, yun ang mga hindi nakakalimutan ng tao. Yun yung tatatak sa kanila kahit kailan, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECOND ALBUM. Kumusta naman ang kanyang singing career?

"Okay naman. Actually, after Gagambino, magmi-meeting ulit kami para sundan na yung album ko...with Kuya Ogie [Alcasid] and si Miss Regine [Velasquez] and Universal, kasi ang Universal ang magre-release ng album. Pero sina kuya Ogie pa rin ang magpo-produce.

"Siyempre, natutuwa ako dahil nandun pa rin yung tiwala nila sa akin, na willing pa rin sila na mag-produce ng album para sa akin. So, siguro magandang sign yun."

Ang IndiMusic nina Ogie, Regine, Cacai Velasquez, at Leo Dominguez ang nag-produce ng self-titled debut album ni Dennis noong March 2007.

GAGAMBINO. Sa nalalapit na pagtatapos ng Gagambino, sino ang pinakamami-miss niya sa show?

"Bukod kay Katrina [Halili], siyempre sina Benjie [Paras], sina Raymart [Santiago]. Sila yung makukulit sa set, e. Hindi ko makakalimutan yung mga kulitan nila sa set. Yung mga pang-aalaska nila sa bawat artista sa set, grabe! Kahit pagod ka na, once naglalaglagan na sila o nagbiruan, talagang parang magigising ka, mabubuhay ka talaga," lahad ni Dennis.

Speaking of Katrina, noong kasagsagan ng breakup nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, humingi ba ng payo kay Dennis ang leading lady niya?

"Actually, hindi naman," sagot ni Dennis. "Kasi si Katrina ano, e, ang basa ko sa kanya, marunong din siyang dumiskarte sa buhay. Kung ano yung mga pinagdaanan niya, nadala niya yun nang maayos na hindi dinadala sa trabaho. Kumbaga, na-carry niya nang husto. Marunong siyang magdala ng problema at awa ng Diyos, nalampasan naman niya lahat yun. Kaya ngayon, okay na siya ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN