Angelu de Leon: "When you do something for love, you will never regret anything."

IMAGE 0


"I'm the type of person who believes in love. May mga maling desisyon, yes, napaaga, nagmadali. Yes, I do understand that. But I do not regret it because I cannot see myself differently if it didn't happen to me. And what happened naman, parang I'm okay now. I can't say that I'm a rot or my life became miserable. Hindi, e," says Angelu de Leon.


Ang aktres na si Angelu de Leon ang sumalang sa "Gimme Mo" portion ni Mo twister sa Showbiz Central kahapon, February 15. Ang mga namili ng mga itatanong sa kanya ni Mo ay ang co-star niya sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na si Dingdong Dantes, ang dating ka-love team niyang si Bobby Andrews, ang close friend niyang si Sherilyn Reyes, ang kapatid niyang si Christine de Guzman at ang kanyang loyal fan na si Emma Pastor.

Unang napansin ni Mo ang pagiging very slim ngayon na ni Angelu, who lost 20 pounds. Sa ngayon ay mine-maintain na lang daw ng aktres ang kanyang katawan. Mo even confessed that when Angelu was 15 years old, crush niya raw ito at dinadalaw sa taping ng Ober Da Bakod.

Angelu first explained how she lost weight. "First, I guess, I really wanted to lose weight. Second, like what you said kanina, when I found my Lord and my faith again, parang I realized I have to take care of my body. I had to know what my body type is and what works for me.

"Sabi nga ni Francine [Prieto], parang dati, you'll just try kung ano ang bagong Bangkok pills or kahit anong pills, but then, it didn't really work. But now, I play badminton a lot. I go to the gym. Then I go to Dr. Vicki Belo, meron siyang mga machines, I do that also. Ano lang, it's just a conscious decision," sabi ni Angelu.

Pagkatapos nito ay tinanong na ni Mo si Angelu ng kanyang "Most Wanted" questions.

Most Wanted Question #1: Totoo ba na nagkaroon kayo ng argument ni Sunshine Dizon noon tungkol sa isang lalaki na naging ex n'yo?

"We didn't argue face to face. It's all on TV, media. It was a miscommunication and I really apologized to her, not personally, kasi nga we didn't have the chance."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ano yung miscommunication na yun?

"E, kasi nga minsan, taklesa nga ako. Ganito nangyari noon... It was my birthday, parang they interviewed me. 'Ano ang masasabi mo, sino na ba ang mga bumati sa birthday mo?' So, sabi ko, yun nga, yung ex ko. Tapos sabi niya, 'Ano ang masasabi mo?' yung nag-interview sa akin. Tapos sabi ko, 'Hindi, huwag na lang natin pag-usapan. Parang okey na naman yata sila ni Sunshine.'

"And then, bigla siyang [Sunshine] nag-react na hindi pa nila inaamin. At that time, nang makita ko ang reaction niya, sabi ko, 'Oh my god! I'm really, really sorry.' I didn't know that it wasn't out in the open. So, I apologized to Sunshine. We saw each other already and we said 'hi'. Parang at first, alam ko na nagkamali ako sa kanya. Pero hindi ko naman pinanghihimasukan ang buhay ng ibang tao," lahad ni Angelu.

Kumusta naman sila ni Sunshine ngayon?

"Nagkita kami sa Status: Single premiere night. I didn't get the chance to say 'hi', kasi naka-dress ako. And then, siya nakaupo na. But I said 'hi' and she said 'hi' rin."

Yung ex-boyfriend mo ay boyfriend na raw ngayon ni Jean Garcia. What about you and Jean, are you talking about the guy?

"Alam mo, I just saw Jean noong nasa Greenhills ako and we said 'hi'. Again nga, parang sabi ko, whatever it is, since he's my ex at kung nakikipagbalikan ba ako? No! So, I really wanna close the doors especially with him who is not a celebrity. Let him just be happy."

Most Wanted Question #2: Nagkasama kayo ni Dingdong Dantes noon sa T.G.I.S. at kasama mo ngayon sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Did you ever have a crush on Dingdong noon at kinilig na nanariwa tuwing may kissing scene kayo ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Before? Wala! Kasi, batang-bata siya...tapos yung hati [ng buhok] niya sa gitna. Bothered na bothered talaga ako noon. Tapos, chubby-chubby pa siya. Pero ngayon, I would tell you, grabe siya ka-hunk! Marian [Rivera], please, friends tayo I know!" natatawang sabi ni Angelu.

Patuloy niya, "Ngayon kasi, sobrang na-reinvent niya yung sarili niya and I'm really, really proud of him. He has reached a certain level that I never saw it on him. He became a director. Alam mo yung sobra akong naaaliw na alam mo na marami siyang goal at nagagawa niya yung mga goals na yun."

Can't you even say na may crush ka sa kanya ngayon?

"Yung ngayon? Naku, baka may magalit, huwag na! Hi, Proserfina!" Angelu jokingly greeted Marian's character in Babaeng Hinugot.

Most Wanted Question # 3: Kung sakaling dumating ang panahon that your children's fathers say na kukunin na nila ang mga anak nila para sila ang mag-alaga, papayag ka ba?

"Nakakatawa yun! Ano yun, gamit? Sandali lang! Well, I guess, ganito yun... Yung kay Nicole, I guess, I have to be honest dahil nasa Showbiz Central ako, it's ten years too late. The other one is seven years too late.

"I don't mind them spending time so that their relationship could be built up as a father. I don't mind. Pero yung sasabihin nilang, 'Akin na siya dahil aalagaan ko na siya,' parang, 'Ha, serious ka?'"

How long will they be able to borrow your children?

"Sabi ko nga, kahit overnight ayoko, e. Parang I've seen a lot of friends who have certain circumstances na ganoon, naghihiraman. Ang worry ko lang kasi, nako-confuse yung bata, kasi iba ako magpalaki. Baka sa household nila, iba rin magpalaki. So, in the long run, baka ma-confuse rin ang mga bata. But, this I have to say, if my kids would want to spend a week with their dad, I will never say 'no' to my daughters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Most Wanted Question #4: After all the heartaches, will you still get married?

"Of course! And eventually, I know, by God's grace, I will get married to the person, to the Godly man, soon!"

May additional question galing kay Sherilyn Reyes. Ito ay kung may pressure sa kanya dahil pine-pressure siya ng mga kaibigan niya na by April 18, dapat ay may boyfriend na siya.

"Kayo ha!" natatawang sabi ni Angelu.

Ano meron sa April 18?

"Hindi...wala! Okay... Kasi my friends, sa SCA family ko, nagkakaroon kasi kami palagi ng shows, out of- own, ganyan... So, si Sherylyn, siyempre palagi niyang kasama ang husband niyang si Chris [Tan]. So, palagi nilang niloloko si Chris na, 'Uy, Angs, ikaw naman ang magdala ng lalaki kasi dehadong-dehado na ako rito.' Tapos sa April 18, may show kami sa Dagupan, so, alagang may place kung saan ko dadalhin! Yes, I'm pressured, but I'm not in a hurry naman."

Who are you dating now? May dine-date ka?

"Nope! I am not dating. I'm not entertaining. Even last year nga, walang masyadong romantic na naganap."

Most Wanted Question #5: Noon, iniwan mo ang successful career mo for Joko Diaz. During the time na hindi ka pa nakakabalik sa showbiz, did you ever regret that decision?

"No. Kasi, above all things, I'm the type of person who believes in love. May mga maling desisyon, yes, napaaga, nagmadali. Yes, I do understand that. But I do not regret it because I cannot see myself differently if it didn't happen to me. And what happened naman, parang I'm okay now. I can't say that I'm a rot or my life became miserable. Hindi, e. Kasi when you do something for love, you will do hundred percent of it, and you will never regret anything."


Bonus Question: One day, I might interview your children. How would you want them to describe you as a mother? As a woman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One thing how I want them to describe me is nagpakatotoo ako sa lahat ng tao. Never akong nagsinungaling. Lahat ng pinagdaanan ko, sinabi ko sa inyo. Wala akong itinago. Parang yun ang gusto kong malaman at kahit ang mga anak ko, sinabi ko sa kanila. Even at a young age, sinabi ko sa kanila kung ano ang totoong nangyari sa buhay ko. And I want people to realize, I cannot please everyone, but one important thing is I am pleasing my God and not anyone else."

Hirit pa ni Mo, naging sila ba ni Bobby Andrews?

"Hindi kami naging romantically involved. We dated, yes! Kaso lang, hindi natuloy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN