Boy Abunda excited over new show; refuses to discuss rift with John Lapus

IMAGE 0


Talent manager-host Boy Abunda is now seen on daily primetime via ABS-CBN's latest showbiz news and lifestyle program, Showbiz News Ngayon or SNN

.


Very proud si Boy Abunda sa kanilang bagong show ni Kris Aquino, Showbiz News Ngayon o SNN. Kagabi, February 16, ang debut episode ng nasabing showbiz news and lifestyle program at mapapanood ito gabi-gabi bilang bahagi Primetime Bida block ng ABS-CBN.

Dahil 30 minutes lang ang SNN ay mabilis ang pacing nito kumpara sa Sunday showbiz talk show na The Buzz, kung saan host din sina Boy at Kris. Aminado si Boy na malaki ang challenge ng SNN sa kanya bilang host 'pagkat layunin nilang magkaroon ng distinct identity ang programa para hindi maumay ang mga manonood.

"It's going to be very hard," pag-amin nito nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilan pang entertainment reporters matapos ang live telecast ng SNN.

"It's produced similar to The Buzz, but that's the whole challenge now, to do this show, siguro, to give it a bit of element na kahit papaano maiiba sa The Buzz. Ang pagkakaiba kasi nito is, hopefully, what we will achieve is, what happens on Monday, we'll report Monday evening. Of course, we will not always achieve it.

"Mas current ang SNN, but in terms of delivery as compared sa The Buzz na mas freewheeling. Tatanggapin ko, iaaral pa namin. Ako personally, inaaral ko pa ang, halimbawa, 'yong tonal pattern. You have to discover. It took a while for me to discover the 'Susunod!' 'Ekslusibo!' It didn't happen overnight. We will discover a lot of things as we go on. Timplahan 'yan. Are we going to discover our template in one month, in two weeks? I don't know. But I'm conscious about it na kahit papaano may bago kaming [maibibigay]."

Isa sa nakikitang pagkakaiba ni Boy between SNN and The Buzz ay ang kakayahan ng una na gumawa ng special features na puwedeng tumakbo ng ilang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Boy, "To an extent it also allowed us to do a story like Willie [Revillame]. Ako, while I was watching kanina, totoo 'yan, e, from the bottom of my heart, Willie worked hard, e, [and] whatever he has is a byproduct of his hard work. So, 'yon ang ibig sabihin ni Kris na sometimes we would go towards lifestyle stories. I'm very proud of my BB Gandanghari (formerly known as Rustom Padilla) interview which will start to air on Wednesday, Thursday, and Friday."

"THAT'S THE SURPRISE." Ayaw na ring patulan ni Boy ang issue involving himself at ang Showbiz Central host na si John "Sweet" Lapus tungkol sa omnibus billboard ng Calayan Surgicentre sa kahabaan ng EDSA.

Nagsimula ang usapin matapos hindi maisama si John sa billboard despite his affiliation sa kumpanya bilang endorser. Lalo pang naging mainit ang tensyon nang magkaroon ng haka-haka na si Boy mismo ang nag-suggest na huwag isama si John. Napabalita kasi na directly involved daw si Boy sa conceptualization ng kampanya na may slogan na "To C Is To Believe."

Nauna nang pinabulaanan ni Manny Calayan ang balita sa pagsabi na walang kinalaman si Boy sa kinalabasan ng billboard. Ito rin ang naging basehan ni Boy nang tanungin ito ng PEP sa kanya kagabi.

"I cannot talk about it," sagot ng talent manager-host. "But I think si Dr. Calayan has cleared the issue and I have nothing to do with it."

At nang aming tanungin kung totoo ba na idedemanda niya si John dahil sa pag-aakusa diumano nito na may kinalaman ang talent manager-host sa non-inclusion niya sa billboard, ito lang ang nakangiting sagot ni Boy: "That's the surprise."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN