John Lloyd Cruz did not spend Valentine's with his girlfriend

IMAGE 0


"Well, she was in Hong Kong with her friends. Ako naman, I was at work. So, siguro ano na lang, post. Actually, wala naman... Ako naman, hindi rin naman ako nag-e-elaborate ever since. Siyempre, mabigat ang time at yun ang mahirap," says John Lloyd Cruz about not spending Valentine's Day with girlfriend Liz Uy.


Kung pagbabasehan ang kilig na naramdaman ng karamihan ng entertainment press nang ipakita ang trailer ng You Changed My Life, sa press conference nito kahapon, February 17, hindi nakapagtatakang mahigitan ng second team-up nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang kanilang very successful first movie.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd kung nararamdaman ba niya na mahihigitan ng You Changed My Life ang A Very Special Love as early as now.

"Sana, sana nga talaga," asam din ng aktor. "Kung gaano karami ang nanood at nag-abang sa A Very Special Love, sana ganoon din dito sa You Changed My Life."

Masasabi ba niyang mas matindi ang pressure ngayon sa second movie nila?

"You can say that, you can say that," pagsang-ayon ni John Lloyd. "Pero kahit gaano man kabigat or kalaki ang pressure, pero alam mong you have a good movie to offer, we can be safe, at least."

Kilala na ng karamihan ang character na ginampanan ni John Lloyd sa You Changed My Life dahil sa A Very Special Love. Ano naman ang masasabi niyang pagkakahalintulad ni Miggy at ni John Lloyd bilang boyfriend?

"Well, pareho kami ni Miggy na marami pa kaming gusto sa buhay. Marami pa kaming gustong patunayan sa sarili namin. So, in that sense, puwede mong sabihin na medyo may pagkapareho kami sa pagiging boyfriend. Nagmamahal kami at the same time, gusto naming protektahan ang priorities namin. So, yun, kailangan namin makahanap ng katulad ni Layda [Sarah's character]."

Natawa naman si John Lloyd nang tanungin ng PEP kung katulad ni Miggy ay nagseselos din siya?

"Yun lang siguro..." bitin niyang sagot.

STILL TOGETHER. Hindi rin namamatay ang intriga sa relasyon nila ng girlfriend niyang si Liz Uy. Diumano'y nagkakalabuan na sila. Ano nga ba ang totoo rito?

"No, hindi totoo," tanggi ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin si John Lloyd kung saan nagsimula ang isyung ito, pabalik nitong sinagot ang tanong sa entertainment press na dapat siya nga raw ang nagtatanong kung saan galing ang isyu.

Puwede ring isipin at i-connect ang nakaraang Valentine's Day dahil hindi sila magkasamang nag-celebrate ni Liz.

"Well, she was in Hong Kong with her friends. Ako naman, I was at work. So, siguro ano na lang, post. Actually, wala naman... Ako naman, hindi rin naman ako nag-e-elaborate ever since. Siyempre, mabigat ang time at yun ang mahirap," paliwanag niya.

Three years na rin halos ang relationship nila ni Liz. Sa tatlong taon na yun, paano niya ide-describe ang relationship nila?

"Paano ko siya ide-describe sa ngayon? I'll describe her just the same. Every morning, gigising ka, you have the same feeling... Siguro, I'm not comfortable lang talaga talking about my relationship."

BEA VS. SARAH. Pagdating naman sa telebisyon, sina John Lloyd at Bea Alonzo ang napapanood na magkapareha sa I Love Betty La Fea. Paano madi-differentiate ng aktor ang team-up niya kay Bea at kay Sarah ngayon?

"Malaking factor kasi yung number of years na magkatrabaho kami [ni Bea]," sagot ni John Lloyd. "Iba na yung level ng intensity na meron kami ni Bea. Pagdating namin sa mga eksena, talagang masyadong emotional. Ako, I can rest assured na may makukuha ko sa kanya.

"Hindi sa wala akong makukuha kay Sarah," paglilinaw ng aktor, "it's just that yung lalim ng chemistry, masyado nang malalim yung sa amin ni Bea. Kumbaga, sa chemistry, kami ni Sarah, nandoon pa rin kami sa stage ng getting-to-know-you, parang nasa first seven months stage pa rin ng relationship kung ikukumpara mo."

John Lloyd has one wish for his two team-ups.

"Sana hindi matigil ang team-up. Sana habang tumatagal yung career ko, sana hindi naman nahihinto yung isang team-up na nagkaroon ako, like yung sa amin ni Bea. I'm not hoping at all na hindi na kami gagawa ng pelikula dahil itong tandem naman namin [ni Sarah] ay tumatamasa ng success, hindi naman ibig sabihin na ito lang ang gagawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko rin na magkaroon pa ng ibang makakapareha. And just the same, sana mag-work din. Mas maganda, mas madali, mas lumalawak pa yung range mo. Yun lang...gusto ko lang din malaman."

Kung dadalhin sa telebisyon ang team-up nila ni Sarah, papayag na ba si John Lloyd ngayon, lalo na't may hesitation siya noon?

"Honestly, pagdating kasi sa plano sa TV in general, parang wala pa akong nakikita. After Betty, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa TV. Ang alam ko lang, after this movie, tatapusin ko ang Betty, then I'm flying to New York para gawin ko yung kay Ate Vi [Vilma Santos]. Siguro baka pelikula muna."

KISSING SCENES. Naging topic din ng diskusyon ang kissing scenes sa movie. Sa A Very Special Love kasi ay walang naganap na kissing scene sa pagitan nina John Lloyd at Sarah. Pero during the presscon proper, nagsalita si John Lloyd na marami raw silang kissing scenes ni Sarah ngayon sa second movie nila. Inalagaan din daw niya ang Pop Princess.

"Well, hindi naman ibig sabihin na hindi ko rin inaalalayan si Bea. Kahit sino'ng makakasama ko, kahit si Luis [Manzano] na makakasama ko sa isang pelikula, aalagaan ko rin siya! Kailangan mo siyang alagaan dahil kung hindi, it's either na pagsamantalahan ka ng isang lalaking kagaya ni Luis!" natatawang sabi ni John Lloyd tungkol sa co-star niya sa pelikulang gagawin nila ni Vilma.

Patuloy niya, "Alam mo, 'yang mga babaeng 'yan, gusto mo silang ingatan sa pinaka or sa hangad na iyong makakaya. Ayaw na ayaw mong makaramdam sila ng discomfort. Ayaw na ayaw mo na para bang sila ay napagsamantalahan. Yun ang pinaka-ayokong mangyari at kapag may mga ganoong eksena, yun ang hindi madali. In terms of getting intimate in front of the camera, there are many people. So, it's an art. It is an art."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naman niya na-enjoy ang art na ito with Sarah compared with other leading ladies?

"Magkaiba sila, e, magkaiba. Si Bea, kapag kasama ko, iba yung nabibigay niya sa akin. Si Sarah, ganoon din. I remember si Bea, she brings out the child in me. Ganoon si Bea sa akin. With Sarah, iba naman, parang contagious. At saka, parang gusto mong alagaan. Gusto mo, okey kayo, lahat ng tao."

Inamin ni John Lloyd na may ibang effect si Sarah sa kanya.

"Sinasabi ko naman na bago pa man yung success ng A Very Special Love, parang may lumabas na ibang ako. Mas naging masiglahin ako. Meron yatang ganoong effect si Sarah sa tao. Nahahawa ka. Contagious ang kanyang personality.

"E, ako pa naman, kapag masaya ako, parang lahat ng tao, gusto mong ilibre. At kung matitigil man ang aming partnership, siguro yun ang mami-miss ko. Hahanapin mo ang presence niya," saad niya.

Sa press conference ng You Changed My Life kahapon ay iginawad ng SM Cinemas kina John Lloyd at Sarah ang kanilang trophy bilang SM Box-Office King & Queen dahil sa tagumpay ng A Very Special Love. Ngayong araw, February 18, naman ay igagawad sa kanila ang parangal ng UST Awards as Best Actor and Best Actress para pa rin sa unang pelikula nila together.



Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN