Jomari Yllana's production moving heaven and earth to bring David Cook and David Archuleta to Manila

IMAGE 0


"Open kami sa lahat ng possibilities. Yun nga lang, kinu-consider namin ang financial constraints dahil mahirap nga ang buhay sa ngayon. Pero sa Fearless, gagawin namin ang makakaya namin para ang next venture namin ay magiging bongga," says Jomari Yllana about their plan to bring David Cook and David Archuleta to Manila.


Masyadong engrossed ngayon si Jomari Yllana sa ventures ng Fearless Productions pagkatapos maging big hit ang Missing You, ang pinag-usapang reunion concert ng girlfriend niyang si Pops Fernandez at ng dating asawa nito na si Martin Nievera.

"Mayroon na kaming bagong iniisip, isang malaking foreign act. Hindi ko muna maise-share sa inyo hangga't hindi pa sigurado. Mahirap sumugal ngayon dahil kapag foreign acts, maglalabas ka ng dolyares. May global recession kaya hindi ganoon kadali ang maglabas ng pera, lalo na kung foreign performers ang pinag-uusapan," sabi ni Jomari nang mainterbyu siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono.

Ang nasagap namin noon, Jomari's company is moving heaven and earth para pagsamahin sina David Cook at David Archuleta, na naglaban sa finals ng American Idol Season 7 last year. Si David Cook ang nanalo.

"Tingnan na lang natin kung ano ang magta-transpire sa mga susunod na araw," sabi ni Jomari. "Open kami sa lahat ng possibilities. Yun nga lang, kinu-consider namin ang financial constraints dahil mahirap nga ang buhay sa ngayon. Pero sa Fearless, gagawin namin ang makakaya namin para ang next venture namin ay magiging bongga.

"Hindi na kami magpipilit for a repeat ng Missing You. Gusto na naming i-tour ang concert sa key cities sa Pilipinas at sa abroad. Yun ang gusto naming mag-materialize muna."

POPS FERNANDEZ. Definitely, going very strong pa rin ang relasyon nila ni Pops. Walang puwang para sa insecurity kay Jom na pumayag pang makapareha uli ang dati nitong asawang si Martin.

"We're all friends anyway, yun ang mahalaga. We consider ourselves as one big happy family. Isa rin lang ako sa mga natutuwa na kahit ganoon ang kinahinatnan ng love story nila, they have become stronger persons at mas binding ang kanilang friendship ngayon.

"Pagdating sa nakaraan, walang inililihim si Pops sa akin. Kung mayroon siyang itinitira sa sarili niya, nirerespeto ko yun at okey lang dahil part na yun ng past niya. Ang mahalaga, nariyan pa rin si Martin para sa kanilang mga anak at para na rin sa kanya bilang kaibigan, at nadagdag pa ako para sumuporta sa kanila," saad ni Jomari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZORRO. Habang kausap namin si Jomari ay nasa taping siya ng upcoming primetime series ng GMA-7, Zorro. Sa Zorro ay may accent ng Spanish ang salita ni Jomari kaya nang kausap namin siya ay lumilitaw ito.

"Kailangang mag-aral ako ng Espanyol. Kahit nagta-Tagalog ako, kailangang mayroong accent talaga. Ang role ko ay yung ginampanan sa movie ni Antonio Banderas. Pero sa istorya, napagawi siya sa Pilipinas noong panahon ng Kastila, at nagkaanak ako riyan, si Richard Gutierrez na siyang pumalit sa akin bilang si Zorro," kuwento ni Jomari.

Biglang naging Kapuso ang drama ni Jomari. Pero sa staus niya, puwede pa rin siyang magtrabaho sa ABS-CBN kung tapos na ang commitment niya sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN