Queenie Padilla says all her suitors are afraid of her dad Robin

IMAGE 0


" I think si Dad kasi, he's very intimidating tingnan. Sa una, mukha lang siyang nakakatakot, pero he's very mabait to everybody. Nagiging protective lang siya sa aming mga anak niya. Ang guwapo-guwapo nga ni Daddy, e. Bakit naman sila natatakot? Once they get to know my Dad, they will like him. Pero Dad has to like them first," says Queenie Padilla about action superstar Robin Padilla.


Natatawa na lang si Queenie Padilla, ang panganay na anak ni Robin sa asawa nitong si Liezl Sicangco, kapag tinatanong siya tungkol sa kanyang mga manliligaw. Inamin ni Queenie na meron siyang suitors, pero lahat daw ng mga ito ay takot sa kanyang ama.

Pumapayag naman daw si Binoe na maligawan si Queenie dahil sa taong ito ay mag-e-18 years old na siya. Pero gusto ni Binoe na sa bahay ligawan ang kanyang anak at hindi sa kunsaan-saang lugar.

"Yun naman ang condition ni Daddy sa amin nina Kylie at Zhen-Zhen. Kapag may manliligaw kami, sa bahay sila dapat pumunta. The proper way to get to know one another is to know the family as well. Kaya lang, yung iba hindi na bumabalik!" tawa ni Queenie.

"Ewan ko ba, kasi takot silang lahat kay Dad, natatakot talaga sila. I think si Dad kasi, he's very intimidating tingnan. Sa una, mukha lang siyang nakakatakot, pero he's very mabait to everybody. Nagiging protective lang siya sa aming mga anak niya.

"Ang guwapo-guwapo nga ni Daddy, e. Bakit naman sila natatakot? Once they get to know my Dad, they will like him. Pero Dad has to like them first," sabi ni Queenie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

MEETING THE SONGBIRD. Unang love daw ni Queenie ang maging singer at natutuwa siya't nakilala na niya nang personal ang kanyang idol na si Regine Velasquez. Ang Asia's Songbird ang leading lady ni Binoe sa bagong primetime series ng GMA-7, Totoy Bato.

Nagkuwentuhan daw kaagad sila ni Regine at magaganda ang mga sinabi ng Asia's Songbird tungkol sa daddy niya bilang isang leading man at bilang isang malapit na kaibigan.

"Ate Regine said so many good things about my Dad and I believe her," ngiti ni Queenie. "Si Daddy raw very maasikaso, malambing, professional at kaibigan ng lahat sa set. Which is true naman. He's like that when we are at home here in the Philippines and in Australia. People love him for being him and not for being a famous actor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TIPS FROM KYLIE. Nagbigay naman daw ng tips sa kanya ang kapatid niyang si Kylie, na unang nag-artista sa kanya via Joaquin Bordado. Babalik na nga sana sa Australia si Kylie para ipagpatuloy ang pag-aaral nito at mag-take up pa ng ilang martial arts lessons.

"Kylie was supposed to leave na for Australia but she stayed pa because she wanted to see the launch of Totoy Bato. She gave me tips on how to survive a taping!" tawa niya.

"Kylie said that I should always be professional. Hindi ako dapat nale-late. Kahit anong oras pa kami matapos, I should always be on time. Kailangan prepared na ako when I get to the set. I should always be courteous to everybody, from the cast to the crew. And pinaka-important is that I should love my job because my job will love me back.

"Kylie has the all the right to give me advice kasi mas nauna siya and she has more experience in working on television. Ganyan kami magsuportahan na magkakapatid," sabi ni Queenie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN