Rhian Ramos will maintain friendship with JC de Vera if his rumored transfer is true

IMAGE 0


"Lahat mga friends, important sa akin na no bridges were burned, lagi kaming may contact kahit Facebook man lang," says Rhian Ramos about the leading men with whom she has worked.


Bagamat tapos na ang soap opera nilang Lalola, inamin ni Rhian Ramos na may komunikasyon pa rin sila ng leading man niya ritong si JC de Vera.

Sa press conference ng kanyang bagong endorsement, ang My PLDT DSL, kahapon, February 19, nabanggit ng dalagang aktres na sa pagtatambal nila sa Lalola ay naging malapit sila sa isa't isa ni JC.

Kuwento ni Rhian, "Noong umpisa ng Lalola, hindi pa kami masyadong close. Kasi the last time na nakatrabaho ko siya, tulad sa Captain Barbell, sobrang konti lang ng eksena namin. Toward the end, 'yon, doon lang kami [naging mas close]. Kasi pagkatapos naman ng araw-araw naming magkasama, di ba?"

JC'S RUMORED TRANSFER. Bilang malapit na kaibigan, may nababanggit ba si JC sa kanya tungkol sa mga usap-usaping lilipat daw ito sa ABS-CBN?

"Wala akong alam sa [issue], e. Na kay Tita Annabelle [Rama, JC's manager] talaga 'yon, hindi ko lang tinatanong. Ayaw ko rin tanungin. Parang ayaw ko ring makialam pagdating sa trabaho," paiwas na sagot ni Rhian.

Sa kabila nito, ayon kay Rhian, mananatili pa rin ang pagiging magkaibigan nila kung sakaling totoo nga ang mga bulung-bulungan na iiwanan na ni JC ang Kapuso network.

Aniya, "Ganun pa rin. As of now naman, may mga friends din naman ako sa kabila [ABS-CBN]. So, wala din naming problema kahit saang side siya ng wall mag-stay."

Tiniyak din ni Rhian na hindi maaapektuhan ng paglipat ang kanilang pagiging magkaibigan.

"Hindi naman siguro maaapektuhan, pareho lang naman siguro 'yon. Kasi ngayon, oo, parehong station kami, hindi naman din kami magkatrabaho, so hindi ko rin naman siguro makikita 'yong difference except na hindi ko siya makikita sa SOP," pahayag ng dalaga.

EXCITED TO WORK WITH RICHARD AGAIN. Samantala, masaya naming inilahad ni Rhian ang kanyang excitement na muling makatambal si Richard Gutierrez sa nalalapit na bagong teleserye ng GMA-7 na Zorro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na nagkasama na sina Rhian at Richard sa ilang proyekto, tulad ng Captain Barbell, Lupin, Codename: Asero, at sa pelikulang The Promise.

Nang malaman niyang muli silang magkakatrabaho ni Richard, "Na-excite [ako] kasi kaibigan ko na siya at saka na-pair up na rin kami before. Sobrang marami akong favorite na memories na kasama siya. So excited ako na gumawa ng bagong memory."

Marami din umano ang nagbago magmula ng kanilang huling proyekto na Codename: Asero. Ayon sa paglalarawan ng dalaga, "Naaliw lang ako kasi iba siya, parang nag-evolve siya kaysa dati. At saka sa tingin ko, may factor na rin doon na-miss ko siya. Parang kita mo na excited katrabaho, parang nae-enjoy."

Sa ngayon, nagsimula nang mag-taping si Rhian para sa kanyang karakter na Lolita sa Zorro. At bilang paghahanda sa mga susunod pang gagawin niya sa teleserye, "May mga training kami. Ako, nag-horseback riding. So far, hindi pa ako fe-fencing na training, pero nakailang horseback riding na ako. 'Tapos may Spanish quotes kami at may iba't iba kaming workshop. So kung sa Lalola nagdya-Japanese ako, dito nag-i-Spanish na ako sa Zorro."

Makakasama rin ni Rhian bilang iba pang leading ladies ni Richard sina Bianca King at Michelle Madrigal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN