Sarah Geronimo says Ai-Ai delas Alas is more deserving of the Box-Office Queen title

IMAGE 0


"Actually, may nagsabi sa akin na alam daw ni Ms. A na siya talaga yung Box-Office Queen. Ako naman, para sa akin, mas karapat-dapat na siya ang maging Box-Office Queen. Medyo na-bothered nga ako... Katrabaho ko si Ms. A, Ms. Ai-Ai delas Alas yun. Para sa akin nga, mas karapat-dapat talaga siya na tawaging Box-Office Queen. Ako ay magpapasalamat lang," says Sarah Geronimo.


Dahil sa malaking tagumpay sa takilya ng A Very Special Love last year, marami ang nagsasabi na "in the bag" na ang titulong Box-Office King & Queen para sa mga bida ng pelikula na sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo this year. Patunay rin ng kalakasan ng tambalang John Lloyd-Sarah ang pagkakaroon ng sequel ng una nilang pelikula, You Changed My Life, mula pa rin sa Star Cinema.

Sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai delas Alas, inamin niya na masasaktan siya kapag hindi siya ang itatanghal na Box-Office Queen ng Guillermo Memorial Foundation dahil sa tagumpay na rin ng pelikula niyang Ang Tanging Ina Nyong Lahat. Pero dahil sa nahati ang box-office gross ng pelikula ni Ai-Ai noong katapusan ng 2008 at sa mga unang linggo ng 2009, naapektuhan ang tsansa ng komedyana na masungkit ang Box-Office Queen title.

Ngayon, matunog na matunog na si Sarah ang tatanghaling Box-Office Queen for 2008. Pero sinabi ng Pop Princess sa PEP na malulungkot siya kung hindi si Ai-Ai ang mapipili.

"Actually, may nagsabi sa akin na alam daw ni Ms. A na siya talaga yung Box-Office Queen. Ako naman, para sa akin, mas karapat-dapat na siya ang maging Box-Office Queen. Medyo na-bothered nga ako... Katrabaho ko si Ms. A, Ms. Ai-Ai delas Alas yun. Para sa akin nga, mas karapat-dapat talaga siya na tawaging Box-Office Queen. Ako ay magpapasalamat lang.

"Narinig ko kasi sa last minute, may nabago sa criteria. Parang ganun daw yata ang nangyari. Kung anuman yun, kung anuman ang nangyari, nirerespeto ko bawat isa, nirerespeto ko ang lahat," saad ni Sarah.

THE SEQUEL. A few days before the showing of You Changed My Life, kinakitaan na ng positibong response ang mga manonood na susuportahan nila ang pagbabalik-tambalan nina John Lloyd at Sarah. Pero sa tagumpay ng tandem ng dalawa, may nagsasabi na ang tambalang John Lloyd-Sarah ang nagpapahina naman sa loveteam nina John Lloyd at Bea Alonzo. Sina John Lloyd at Bea ang magkatambal sa ABS-CBN primetime series na I Love Betty La Fea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero iba namana ng pananaw rito ni Sarah. Aniya, "Hindi ako naniniwala kasi sobrang tinatangkilik ng mga tao ang I Love Betty La Fea. Ako, nanonood ako nun, naniniwala ako sa kanila, kinikilig pa rin ako. Iba-iba naman ang opinion ng mga tao. Ako, pinaniniwalaan ko yung sa akin. Siyempre, may ibang opinion din ang iba. Saka hindi naman din tama na pinangungunahan natin ang lahat ng bagay."

Isa si Bea sa mga artista ng ABS-CBN na nag-endorso para panoorin ng publiko ang You Changed My Life. Ayon kay Sarah, this is something na sobra niyang naa-appreciate.

"Sobrang touched ako sa ginagawang suporta ni Bea. Natutuwa siya na napanood niya yung pelikula namin [A Very Special Love], na na-appreciate niya at hindi siya nagpapaapekto sa mga lumalabas na balita."

Dahil pa rin sa malaking tagumpay ng A Very Special Love, aminado si Sarah na pressured at kinakabahan siya sa magiging pagtanggap ng tao sa You Changed My Life.

"Oo naman, pressured kami na sana tangkilikin din ng tao ang You Changed My Life gaya ng pagtangkilik na ibinigay nila sa A Very Special Love. All we can promise is maganda rin ang movie na ito and sana suportahan din ito ng publiko."

Magkakaroon ng premiere night ang You Changed My Life on February 24 sa Cinemas 9 and 10 ng SM Megamall. Kinabukasan, February 25, naman ang regular showing nito.




Trailer courtesy of Star Cinema and Viva Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN