Bad joke by a priest insulted Pokwang and her daughter

by Dinno Erece
Feb 20, 2009
According to a PEP source, during the recollection of Pokwang's daughter, the priest delivered a bad joke that insulted the comedienne.

Kinabog ni Pokwang ang naggagandahan at nagseseksihan niyang female co-hosts sa Wowowee noong Valentine's Day dahil siya ang nakatanggap ng pinakamaraming bulaklak sa naturang noontime show ni Willie Revillame sa ABS-CBN. Balitang isa sa mga natanggap niyang flower arrangement ay kasing laki ng isang refrigerator.

Nagulat din ang komedyana sa mga ipinadala sa kanyang bulaklak dahil wala raw itong mga pangalan. Kahit daw siya ay hindi niya alam kung saan galing ito.

Kaya nga lang, nasira ang araw ni Pokwang sa nangyari sa kanyang anak sa recollection nito, na ngayon niya lang nalaman. Noong Enero pa naganap ang recollection sa eskuwelahan ng kanyang anak ngunit kamakailan niya lang narinig ang insidente.

Ayon sa kuwento, sa sermon ng conducting priest sa nasabing recollection, nag-joke daw ang pari na: "Alam naman natin na ang mga kinukuhang endorser para sa shampoo commercial, yung mga maganda. Alangan naman ang kunin, e, si Pokwang!"

Hindi nabanggit kung alam ng pari na kasama sa recollection ang anak ng comedienne. Ngunit dahil dito, sa anak niya lahat tumingin ang mga classmates nito. Napayuko na lang daw ang bata sa kahihiyan. Hindi na lang ikinuwento ng anak ang nasabing sermon kung hindi pa nito nalaman sa ibang tao. Nang ang anak na ni Pokwang ang nagkuwento, mangiyak-ngiyak daw ito.

Continue reading below ↓

Kuwento ng source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), mabait si Pokwang. Trabaho niya ang magpatawa at hindi naman niya feel na napakaganda niya. Pero hindi naman daw ito sapat para malait, lalo na kung galing sa pari. Obvious na nagdyu-joke lang ang pari. Pero ang malaking pagkakamali nito, hindi muna niya inalam kung may masasagasaan bago nag-name-drop.

Read Next
Read More Stories About
Pokwang
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to a PEP source, during the recollection of Pokwang's daughter, the priest delivered a bad joke that insulted the comedienne.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results