John Lloyd's girlfriend Liz Uy takes break-up rumors with a shrug

IMAGE 0


"Hindi na po ako nagugulat, e, nasanay na po ako," says fashion stylist Liz Uy about rumors that she and boyfriend John Lloyd Cruz have broken up.


Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Liz Uy last Friday night, February 20, sa live telecast ng Showbiz News Ngayon (SNN) ng ABS-CBN. Nandoon si Liz dahil siya ang fashion stylist sa show nina Kris Aquino at Boy Abunda.

Kinuha ng PEP ang reaction ni Liz sa napabalitang breakup nila ni John Lloyd.


"Wala po, walang reaksyon dahil hindi naman totoo," maikling sabi ni Liz.


Sa tingin niya ba, may mga tao lang na gusto silang paghiwalayin ni John Lloyd?

"Hindi ko po talaga alam, e."

Nagulat ba siya nang may lumabas na balitang break na sila?

"Hindi na po ako nagugulat, e, nasanay na po ako."

Nung nakaraang Valentine's day ay hindi magkasama sina John Lloyd at Liz. Nasa Hong Kong kasi that time ang dalaga, kasama ang kanyang mga kaibigan. Sabi ni John Lloyd ay magkakaroon naman daw sila ni Liz ng post-Valentine's celebration. At kailan naman kaya yun?


"Ah, pag may chance na."


Kailan yung chance na yun?


"Everyday naman, e, Valentine's sa amin," sabi ni Liz.


Ano ang pinakamagandang katangian ni John Lloyd na nagustuhan niya?


"Ah, lahat... Everything. All in one. Ganoon na lang."


Seloso ba si John Lloyd?


"Hindi naman ho. Pareho kami."


Hindi ba nagseselos si Liz pag may kissing scene si John Lloyd sa mga nagiging leading ladies niya?


"Hindi ho. Alam ko naman na kailangan sa trabaho niya yun, e."


Pagkatapos ma-interview ng PEP si Liz ay nagmamadali na siyang umalis. Pupuntahan pa raw kasi niya si John Llloyd na nasa ABS-CBN din at kasalukuyang nagda-dub para sa pelikula nila ni Sarah Geronimo na You Changed My Life.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN