Isabel Oli is rediscovering the joy of single blessedness

IMAGE 0


"Wala, masaya na kasi ako. Okay na ang lahat. Ang tagal ko rin kasing may boyfriend, nakalimutan ko na yung mga ganitong panahon na libre ako kahit ano ang gawin ko," says Isabel Oli.


Dalawang buwan pagkatapos silang mag-split ni Paolo Contis, masaya muli ang aura ni Isabel Oli ng GMA Artist Center at isa sa dalawang bagong It Girls ng PLDT MyDsl. Looking forward siya sa nalalapit na bakasyon nila nina Nadine Samonte, Glaiza de Castro, at Jennica Garcia sa Boracay from February 26 to March 1.

May nabuong bonding ang apat dahil sa Gagambino, nanagtapos kahapon at kung saan sila nagkasama-sama. May panglima sa grupo nila, si Claudine Barretto na asawa ni Raymart Santiago. Malungkot nga silang hindi makakasama sa Boracay ang aktres.

Nagbibiruan ang apat na dapat walang kasamang boyfriend sa Boracay dahil iniisip ni Nadine na isama ang kanyang non-showbiz boyfriend.

"Dapat makisang-ayon siya sa amin nina Jennica at Glaiza na mga singles ngayon," sabi ni Isabel, na hindi niya sinasadyang madulas sa estado ngayon ni Jennica.

Kinabukasan pagkatapos ng presscon, sa opisina ng GMA Artist Center, binati namin muli si Isabel sa pagiging buoyant niya at balik sa pagiging madaldal.

"Wala, masaya na kasi ako. Okay na ang lahat. Ang tagal ko rin kasing may boyfriend, nakalimutan ko na yung mga ganitong panahon na libre ako kahit ano ang gawin ko," pahayag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

SET VISIT. Nagpaliwanag din si Isabel sa nangyari noon sa set visit ng Gagambino, kung saan hindi siya humarap sa press at kung haharap man siya, may request siyang hindi pag-usapan ang sa kanila ni Paolo dahil kai-split pa lang nila noon.

"Hindi, ganito yun. Sinabihan kami na may press nga na bibisita. Pero ako, sunod-sunod ang take ko. Nagsabi rin ako na kung puwede ang character ko na lang sa Gagambino ang pag-usapan at huwag na yung sa amin ni Paolo, pero alam ko namang hindi rin puwede yun. Bago lang kasi noon, e, kaya hirap pa akong magsalita.

"Sabi sa akin, matatanong din yun kahit paano, so sige na nga. Baka ito na yung time na dapat magsalita na ako. Kaso, nung tapos na ako, umalis na ang press. Kasi nga, nasabihan sila na ayokong pag-usapan muna yung sa amin ni Paolo," mahabang paliwanag ni Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIAN PAZ. Natanong na rin ng PEP kay Isabel kung okay na sila ni Paolo at ano naman ang estado nila ni EB Babe Lian Paz, ang bagong girlfriend ni Paolo, at kung may galit ba siya dito.

"Kay Lian? Wala. Wala akong galit. Kay Paolo noon ako galit, pero wala na ngayon. Hindi lang kami nag-uusap pa. Wala na kasi, e, wala nang communication. Hindi siya nagti-text, hindi ako nagti-text."

Okay kay Isabel kung magkita sila ni Lian at okay rin kung magkausap sila.

NADINE SAMONTE. Sa ngayon, excited si Isabel sa Boracay trip nila ng co-stars niya sa Gagambino at muli, biniro namin siya na kung nawala man sila ni Paolo, naging magkaibigan naman sila ni Nadine.

Nagkaroon sila ng silent war ni Nadine noong ginagawa nila ang Sine Novela na Maging Akin Ka Lamang. Ngunit dahil pareho silang hindi nagsalita, walang masyadong lumabas sa issue.

"Ay, dahil sa Twilight!" sambit ni Isabel.

Sa libro ni Stephenie Meyer nagkaayos sina Isabel at Nadine, at kaya rin sila nagkaroon ng bonding nina Glaiza at Jennica noong ginagawa nila ang Gagambino.

Isa na lang ang inaalala ngayon ni Isabel sa nalalapit nilang trip. Baka raw magalit ang tatlo sa kanya kapag nalaman nilang mas mahal pala ngayong pumunta sa Boracay kaysa sa Hong Kong.

"Sila ang may gustong mag-Hong Kong kami, sabi ko mahal! Sa Boracay na lang, mas mura. Hindi ko alam na may package pala ngayon sa Hong Kong na mas mura pa sa binayaran naming!" sabay tawa ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN