PEP EXCLUSIVE: Jolina Magdangal copes after breakup with Bebong Muñoz

IMAGE 0


"Basta sa ngayon, ang nakikita ko, magkaibigan kami. Yung nangyari sa aming breakup, hindi naman ito yung typical na, 'Away na, o, hayan na gamit mo, akin na gamit mo!' Hindi, e. Mutual ang understanding namin na kailangan naming maghiwalay," replied Jolina Magdangal when asked if a reconciliation with ex-boyfriend Bebong Muñoz is possible.


Marami ang humanga kay Jolina Magdangal kung paano niya hina-handle ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay—ang breakup nila ng long-time boyfriend niya na si Bebong Muñoz. Sa iilang pagkakataon na nagsalita si Jolina tungkol sa breakup nila ni Bebong, hindi siya nagpahayag o nagpakita ng galit o bitterness.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jolina sa set ng SOP noong Linggo, February 22, tinanong namin siya kung paano niya nagawang maging matatag sa kabila ng pinagdaraanang problema.

Ani Jolina, "Siguro ano lang, noong nagpa-interview na ako finally, hindi ko inisip na dapat bumilib sa akin ang mga tao. Ginawa ko lang kung ano ang napi-feel ko.

"Alam mo ba na every after ng interview, sabi ko, tatlo lang ang pagpapa-interbyuhan ko sa TV at isa lang ang sasagutin ko—ang kumpirmasyon kung wala na or hindi. Kasi, yun lang naman ang unang tanong. Kung ano pa ang rason, ah, ayoko na! Sumunod noon, ang dami pang gustong magtanong, e, paulit-ulit lang naman ang tanong. So, huwag na lang, di ba?"

Obserbasyon ng ilan, walang sarcasm o bitterness na lumabas sa kanya.

"Wala, kasi respeto, e, yun ang maige," sabi niya. "Kapag alam mo na seryoso na kasi yung relationship... Hindi naman kasi ito mga petty-petty na bangayan kayo nang bangayan. Kumbaga, paghihiwalay ng matagal nang may relationship, na nasa tamang edad na, na kulang na lang kasal, di ba?"

JOLINA'S SELF-THERAPY. Si Jolina na rin ang mismong nagkuwento na ang pag-aayos at paglilinis pa rin ng kuwarto niya ang pinagkakaabalahan niyang gawin. Nagsisilbi raw itong therapy para sa kanya.

"Napapansin ko, hindi pa rin ako tumitigil ng kakalinis ng kuwarto ko!" natatawa niyang sabi. "Hindi ko naman masasabing napakalinis na ng room ko, kasi feeling ko, kapag tinapos ko siya ng dalawang araw, ang tendency lang nun, tumatambak lang. Yun lang din kasi ang puwede kong linisin, kasi ayaw naman ng mommy ko na papakialaman ko ang sala, siyempre yung room nila or ibang rooms sa bahay. Tapos, iniisipan ko rin kung ano ang puwede kong ilagay sa room."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible kayang ang paglilinis niya ng kanyang kuwarto ay nangangahulugan na hindi pa siya nakakapag-move on at fully healed?

"Siguro, puwedeng ganoon," pagsang-ayon niya. "Hindi ko lang napapansin or baka naman nagustuhan ko lang ang paglilinis ng kuwarto. Na okey na pala ako, pero gusto ko pa ring linisin yung room. Kasi, sa totoo lang, hindi ko na rin naman masyadong naiisip. Well, paminsan-minsan na lang. Like, 'Bakit ako nagdaan sa ganoon? Bakit ko na-experience yung ganoon na hindi naman dapat?' Pero mas masaya na ngayon. Hindi ko na masyadong naiisip, unlike before na palagi."

Umiiyak pa rin ba siya?

"Siguro lalo na ngayon kapag mga naglilinis ng mga gamit. Paminsan-minsan. Pero hindi naman yung tipong hindi na ako makausap sa pagkakaiyak!" tawa niya.

THE LINE IS STILL OPEN. Ayon kay Jolina, may communication pa rin sila ni Bebong hanggang ngayon.

"Meron, nagte-text pa rin naman kami," sabi niya. "Halimbawa, meron akong mga bagay na kailangan ipakuha sa kanila. Open naman siya na, sige, ipapahatid na lang niya. May mga bagay kasi akong kailangan kong kumpletuhin sa gamit ko."

Pero sinabi rin ni Jolina na hindi pa sila nagkikita ni Bebong pagkatapos nilang mag-break at kahit noong nakauwi na ang kanyang ex-boyfriend mula sa U.S. Choice daw nilang dalawa yun.

Wala na ba talagang chance na magkabalikan pa sila?

"Hindi ko pa alam, e," sagot ni Jolina. "Basta sa ngayon, ang nakikita ko, magkaibigan kami. Yung nangyari sa aming breakup, hindi naman ito yung typical na, 'Away na, o, hayan na gamit mo, akin na gamit mo!' Hindi, e. Mutual ang understanding namin na kailangan naming maghiwalay."

What about their respective families, may communication pa rin ba sila sa mga ito?

"Ako kasi, sa family ko, hindi talaga sila yung nakikialam. Minsan nagtatanong-tanong, pero hindi sila yung, 'O, kumusta ka na?' Hindi sila ganoon. Tahimik lang sila. Sa family naman niya, siguro sa scale na 1 to 10, mga 2 percent nagte-text, hi and hello. Siyempre, nakaugalian na namin yun. Ilang years kaming nagko-communicate, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw naniniwala si Jolina na kailangang may kapalit para masabi niyang okey na nga siya.

"Feeling ko, hindi naman boyfriend ang solusyon," sabi niya. "Nagtataka nga ako sa iba, meron sa akin nagpapa-date-date na ganyan. Teka lang, hindi naman yun ang hinahanap ko!' Tapos sasabihin nila, 'Sige na, para group ano lang naman.'

"So ako, siguro kung hindi n'yo na lang sinabi na gusto niyang magka-boyfriend ako ang maging target... Siguro sa kanila, naiisip nila na baka nalulungkot ako. Pero hindi naman yun ang hanap ko at hindi naman kailangang kapalit ang solusyon."

MARVIN AGUSTIN. Natatawa na lang si Jolina na dahil sa breakup daw nila ni Bebong, nabubuhay na naman ang pagli-link sa kanilang dalawa ng kasama niya sa Dear Friend at dating ka-love team na si Marvin Agustin.

"Sa tingin ko, hindi naman talaga maiiwasan na i-link kami ni Marvin, e. Kahit nga may dyowa na, kahit may anak na, nili-link pa rin. Kaya nga natatawa na lang ako kapag may mga ganoong lumalabas. Unang-una, wala namang ipinaparamdam si Marvin. In fairness, wala talaga," saad ni Jolina.

Wala ba siyang napansing pababago sa treatment ni Marvin sa kanya since nalaman nitong single siyang muli?

"Sa pagkakaalam ko, wala. Sa pagkakaramdam ko, wala. Talagang mabait naman siya kapag nagte-taping kami ng Dear Friends. Wala akong extra na nararamdaman. Well, nadagdagan yung pag-text niya, kumusta, mga ganoon lang. Pero wala."

Was there ever a time na naisip niyang, "What if kami rin pala ni Marvin in the end?"

"Ayoko kasing magsalita, kasi ilang beses na yun na naiisip ko. Pero parang lalong hindi nangyayari. Pero kasi, hindi ko talaga alam. Masaya ako na kasama si Marvin. Pero hindi ko masabi kapag totoong mag-dyowa. Di ba, may ganoon, kapag magkaibigan, click kayo; pero kapag totoong mag-dyowa, nagkailangan na? Hindi ko pa alam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa lovelife niya, ano naman ang plano niya ngayon?

"Sa ngayon, gusto ko munang unahin ang sarili ko," sabi niya. "Gusto ko munang gawin ang lahat ng gusto kong gawin. Gusto ko namang mag-bake. Gusto kong mag-bike. Gusto kong gumawa ng pandesal... Ang dami kong gustong gawin... Gusto kong mag-volunteer sa CRIBS na taga-yakap lang ng bata. Ang dami kong gustong gawin!

"Tapos, may ipu-put-up pa kaming business sa Tagaytay—salon, gift shop, restaurant in one. Bale pinaplano na namin ngayon. Kakausap ko lang sa arkitekto, kasi from scratch lahat."

Naniniwala ba siya na darating pa rin ang lalaking para sa kanya talaga?

"Oo naman! Naniniwala ako na destined ako sa isang tao na maaalagaan ako na tulad ng pag-aalaga ko sa kanya," sambit ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN